"Sydney, it's okay. Pare-pareho naman tayong bagsak kaya 'wag ka ng mag-alala." Kayla said, trying to cheer me up.

"Oo nga. Kung alam mo lang, mas malala kaya ang mura na natanggap ko nung nalaman nina Papa na bagsak din ako." Tricia said, pampalubag-loob man lang.

"Ako nga, hindi pa alam nina Mama." Kayla said, natatawa-tawa pa siya sa kalokohan niya.

And somehow, medyo gumaan naman ang bigat na nasa dibdib ko.

We went inside Kayla's car. Buti na lang nagdala siya ng sasakyan.

"So, saan tayo pupunta?" Kayla asked when she finally started the engine.

"Mag-bar na lang tayo. Tutal medyo maaga pa naman to call it a night." Tricia suggested

"WAIT. Si Andrei!" I said finally remembering na dapat hihintayin ko si Drei.

"Tawagan mo na lang at sabihin mo kung saan tayo pupunta." Kayla said

"Saan ba tayo pupunta?" I asked

"Dun na lang sa bar sa may Makati. May bagong bukas dun e." Tricia said

"Okay. Tawagan ko lang si Andrei."

And I tried calling him. I called him more than five times pero hindi siya sumasagot kaya tinext ko na lang siya kung nasaan ako. Pero hindi rin siya nagreply to let me know na nareceive niya ang text ko.

Pagpasok namin sa bar, ang dami agad na tao.

Bagong bukas lang to pero halatang pangmayaman kasi mukhang may class ang mga tao dito.

You are My Home (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon