Bakit sa kanila pinadala? Diba dapat dito sa bahay namin ni Andrei?

I am now panicking.

Siguradong pagagalitan na naman ako.

"Ah, Dad, kasi ah." I started saying. Kaso wala akong maisip na magandang excuse.

"Hindi pa nga naaayos ang ginawa mo last time na pagpapahiya sa'min, meron ka na namang kapalpakang ginawa." my Dad said and I am really scared right now.

"Pare, hindi ba pwedeng bukas na lang yan? It's your daughter's eighteenth birthday. Why don't you greet her first and give her a break?" Daddy Greg said

I smiled to Daddy Greg telling him my silent thanks. And he smiled back telling me I am always welcome.

"Birthday or not, pare-pareho lang ang mga araw. Binigay namin lahat ng kailangan mo, ang gagawin mo na lang, ipasa yung subjects mo. Pati ba naman yun hindi mo pa magawa?" my Dad started.

One thing I learned kapag pinapagalitan ako is to never talk back. Pakinggan mo lang ng pakinggan hanggang sa sila mismo ang tumigil kakasalita.

So I kept quiet. Pasok sa isang tenga, labas sa isa pa.

Then sumingit si Mommy Anne, "Girls, diba aalis pa kayo? Sige na, lumakad na kayo at baka malate pa kayo."

I looked at Mommy Anne and she was signalling me to go. Kaya hinila ko na sina Kayla at Tricia palabas ng bahay.

But before finally leaving, I heard my Dad say, "Sydney, we are so not done yet."

Pero hindi ko na lang pinansin yung huling sinabi ni Daddy.

I want to cry. Pero I kept my cool. Hindi ako papaapekto ng dahil lang sa incident na yun.

You are My Home (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon