Temptation

5.5K 184 5
                                    

Hunter's POV

Habang tumatagal parang palala ng palala itong nasasaisip ko. Hindi maganda 'to kase feeling ko nagiging manyakis na ko dahil sa hinayupak na Gale na yan!

Bawat kilos nya naaakit ako at ayokong naaamoy yung amoy nya kapag nahihipan sya ng hangin parang nanghihina yung sistema ko!

"Hindi naman ako naaattract sa babae eh" mahinang reklamo ko sa hangin at gusto ko ng ihataw yung ulo ko sa puno para magising na ko.

"Hunter....tapos na kong magtanim ng mga rosas." Saad nya kaya napalingon na ko sa kanya. Nakakapangsisi!

Putikan sya, yung sa pisngi nya, sa braso hanggang kamay at ang kinaloka ng isip ko ay yung putik nya sa leeg nya. Bakit ang sexy at ang ganda pa din nya kahit putikan!

"Maligo ka na....ako ng magdidilig." Sabi ko at nilagpasan ko sya para puntahan yung ginawa nya.

Habang nagdidilig ako ng mga tinanim nya hindi ko na naman napigilan yung sarili ko na kausapin yung mga rosas.

"Kaloka hindi nya alam na maganda sya...." mahinang saad ko.

Ang pinakaworst na gabi ko heto yun! Nung nasira yung aircon sa kwarto namin. Wag ano! Dalawa yung kama sa loob ng kwarto at binabantayan ko sya dahil suicidal sya.

Binuksan ko na yung lahat ng bintana para may hangin na pumasok pero walang epekto kay Gale na puro reklamo.

"Ang init!" Reklamo nya at antok na antok na yung mga mata nya. Halos mahimatay ako ng maghubad sya ng pang itaas nyang damit at nakabra lang sya.

"Much better..." mahinang usal nya bago nahiga at pumikit.

Ang ganda ng katawan nya sa totoo lang.

Pinasadahan ng mga mata ko yung tattoo nya sa leeg hanggang sa tattoo nya sa gilid ng dibdib nya.

Gusto kong halikan at dilaa--- napailing ako at gusto kong sapukin yung sarili ko dahil sa naisip ko!

Humiga ako at nagtalukbong. Tang inang buhay 'to! What the hell is your problem Hunter? Her skin under your tongue? Really? Kahit hindi ako makahinga sa ilalim ng kumot ay tiniis ko kesa naman hindi ako makahinga na makita syang ganun!

Sobrang pasasalamat ko nung nag umaga na at tapos na yung kalbaryo ko. Pagkaluto ko ng umagahan namin ay dinala ko na ito sa lamesa sa lilim ng isang puno. Nadatnan ko na magkausap sina Cyrll at Gale.

"Wow! This is the first time you compliment someone..." amaze na saad ni Cyrll bago sya nito sikuhin at napatingin sa akin bago napatikhim.

"Ano pang kailangan mo?" Tanong ni Cy sa kapatid at nailapag ko na yung mga pagkain namin.

"Grocery and new aircon.And buy me something sweets" Sagot nya at napatango si Cy bago tumingin sakin.

"Hindi ka natutulog?" Tanong sakin ni Cyrll at napairap ako. Nagawa pa nyang itanong.

"I need day off..." saad ko.

"Teka saan ka pupunta?" Alarmang tanong ni Gale na kinataas ng kilay ko.

Napatawa si Cy sa inasal ng kapatid.

"Panic?" Pang asar na tanong ni Cy sa kapatid at nag iwas ito ng tingin.

Tinaasan ko sya ng kilay na kinasimangot nya.

"Once a week pwede kayong lumabas....basta hindi masasagasaan yung therapy nya." Sabi ni Cyrll na kinangiti ni Gale.

Tumango ako na kinatuwa talaga ng isa.

Habang naliligo si Gale ay magkausap kami ni Cyrll.

"Napag isipan mo na ba yung kukunin mong kurso sa abroad soon na gumaling si Gale?" Tanong nya.

Sadist's Lover (GirlxGirl)Where stories live. Discover now