🎶I had so many dreams
about you and me
Happy endings
Now I know🎶 patuloy ko na lang silang tinitignan sa pag sayaw, mga ilang kanta rin 'yung pinatugtog bago sila makaupo. Pasa-pasa na si Fiolee sa ibat-ibang lalaki mga classmate namin at 'yung iba may crush sa kaniya ganun din si Prince.

May mga nag-aaya nga rin sa'kin mga babae eh, pero ayaw ko. Gusto ko lang si Fiolee ang isasayaw kong una at huli.

"Hays ang sakit na nag paa ko." umupo siya at uminom. Tinaggal niya 'yung sapatos niya at hinilot 'yung paa niya.

"Ano sayaw pa Fiolee." mukha siyang kawawa HAHAHA halata naman kasing hindi siya sanay mag heals 'yan tuloy paltos ang paa niya.

"Ikaw 'di ka mag sasayaw?" Umiling ako

"Ayoko sumuyaw kung sino-sino makakahawak ng maganda kong kamay." tumawa siya at ngumuso.

"Hala edi 'di mo ko isasayaw?" ngumiti ako at nilapit ang mukha ko sa kaniya.

"Wag kang atat may mamaya pa, last dance mo ko." kininditan ko siya saka ko pinitik ang noo niya, nakatulala na kasi siya at namunula Hahaha.

"Aray ha! Pero pangako 'yan ah ako ang last dance mo." Kumuha ako ng band aid na pinabaon sa'kin ni tita Fionna at idinikit sa paltos niya sa paa para hindi na lumalala.

"Oo naman pangako. pinaldalhan na ko ni tita Fionna ng band aid dahil alam niyang 'di ka sanay mag heals." tumango na lang siya, hindi ata makapagsalita sa kilig.

"Excuse me, pwede ka bang makasayaw." inilahad ng lalaki 'yung kamay niya kay Fiolee, halos lahat sila nakatingin sa dereksyon namin. Tinignan ko ang mukha nung lalaki, siya 'yung DJ sa stage.

"Ah eh ano." parang ayaw ni Fiolee dahil pagod na siya at kakaupo niya lang.

"Sige na first dance ko lang." ngumiti 'yung lalaki. Kakaiba talaga ang pakiramdam ko sa isang 'to, hindi naman siya amoy bampira pero parang isa siya sa amin.

"Sige na nga." tumayo si Fiolee at pinagpag ang damit niya.

"Marshall saglit lang ah." ngumiti siya sa'kin at tumango na lang ako. Pagkaalis nila ay siyang upo naman ni Prince sa table.

"Pre anong nangyari sayo mukha kang na rape." nakakatawa 'yung itsura niya mukha siyang pagod na pagod HAHAHAHA

"Isinayaw ko 'yung teacher namin sa algebra at PE ang bibigat ng kamay pre." tumungo siya sa table at parang sinasabing AYAW KO NA XD HAHAHAH.

"Teka si Fiolee?" Tanong niya, itinuro ko sa kaniya at sinabing kasayaw ni Fiolee 'yung DJ.

"Alam mo pre iba kamo ang feeling ko d'yan sa lalaking 'yan. Napapansin ko siyang kanina pa nakatingin kay Fiolee." hindi lang pala ako ang nakakapansin.

"Pareho tayo." pareho namin itinuon ang mata namin sa lalaking kasayaw ni Fiolee.

Nang biglang namatay ang mga ilaw at nag sigawan ang mga tao sa loob ng venue, nataranta kaming dalawa ni Prince at hinanap si Fiolee sa maraming tao. Bumukas din naman ang ilaw at naging kampante ang lahat pero kaming dalawa ni Prince halos mag paikot ikot na sa buong venue pero wala pa rin si Fiolee, hinanap na namin siya sa labas pero wala pa rin.

"Marshall sabihin na na'tin sa mga adviser." umiling ako, may kakaiba talaga akong na amoy sa lalaking 'yun eh.

"Wag Prince, tingin ko 'yung lalaki na 'yun ay bampira, kaya kung magsusumbong tayo tiyak magtataka sila." napaikom 'yung kamao ni Prince at napasuntok sa pader.

"Marshall! Kagagawan mo 'to eh!" Kinuha niya ang kwelyo ko at hinigit to pataas, hindi ko siya masisisi. Kung bampira 'yung lalaking 'yun, malamang may kailangan siya sa'kin kaya pati si Fiolee ay dinadamay nila.

Sinuntok niya ko sa mukha pero hindi ako gumanti. Hindi ko rin siya matignan mata sa mata, kasalanan ko 'to.

"Marshall ano nang gagawin mo! Kung hindi ka namin nakilala at naging kaibigan siguro normal pa rin ang buhay namin! Tahimik Marshall! Tahimik ang buhay namin!" Sinuntok niya ulit ko. Nasapo ko na lang ang ulo ko at napaluha, wala akong paki kung pagtawanan ako ni Prince dahil sa na iyak ako pero totoo kasalanan ko 'to.

"Tawagan mo 'yang si Jasper o kaya si lolo James! Dalian mo." Na gulat ako ng hawakan ako ni Prince at itayo sa pagkakabagsak ko.

"Wag kanang umiyak d'yan Marshall! Basta ibalik mo dito si Fiolee." napatitig ako kay Prince.

"Dalian mo!" Tumango ako at pinunasan ang luha. Walang mangyayari kung iiyak ako, kailangan ko maibalik dito si Fiolee.

Agad kong dinial 'yung number ni lolo at si Prince naman ay tumakbo papuntang parking lot para tawagin si Jasper.

Kung hindi ako nakilala ni Fiolee siguro ligtas at tahimik ang buhay niya ngayon. .

Basta Fiolee intayin mo ko.

"Sorry." 

TO BE CONTINUED 

Your Blood Is MineWhere stories live. Discover now