Chapter 3: Dianne

21 2 2
                                    

Halos hindi alam ni Pia ang gagawin sa akin dahil sa hiling ko. But I mean what I said.

Ayoko na.

"Mam naman! Hindi ka pa malakas!" Parang nawawalan na ng pasensyang sabi niya. Pagod na din siguro siyang magpaliwanag sa akin. Pag ba napagod si Pia? Iiwan niya din ako?

"Ayoko na."

She gasped. "Sandali! Tawagan natin si sir Theo!"

"Wag na." Mabilis na agap ko. "Okay na ako, Pia. I don't want to be a burden." Mahinang usal ko. I forced a smile. "Sige na please. Ayoko na dito." Parang nakakaunawa namang tumango siya sa akin.

That afternoon, I was able to go home. Gusto ni Pia na samahan ako for the time being but I refused. "Secretary kita Pia. Hindi kita babysitter. This is not part of your job anymore. Tama na na hindi mo ako iniwan mag-isa sa ospital."

"Hindi naman ako nandito kasi obligado ako kasi nga boss kita. Hindi naman ganun. Nandito ako kasi nag aalala naman ako sayo mam. Nandito ako bilang kaibigan, hindi bilang secretary mo."

Her words broke my heart even more. Hindi ko na alam kung pano ko pagagaanin ang loob ko. I know that her intentions are sincere but I just can't seem to let go of my kept insecurities.

"Thank you, Pia. I appreciate all of this. Pero hayaan mo nuna akong mapag-isa."

Dahan dahan siyang tumango. "Sige, basta tawagan mo ako ah. Kahit anong oras."

Bago siya umalis ay siniguro muna niyang nakakain ako ng kahit konti. She promised to be back again tomorrow. Sabi ko kahit hindi na, but deep inside I'm fucking hoping that she will.

Ngayon ko naiisip kung bakit hindi ako naging palakaibigan noon. Edi sana hindi ako dumipende kay Theo. Edi sana hindi ganito kahirap pakawalan siya.

I stayed motionless for a few minutes. Hanggang sa nakarinig ako ng katok mula sa labas. Thinking that finally, Theo came for me I immediately run and opened the door.

Nang mabuksan ko na ang pinto ay doon lang nag sink in sakin kung gano ako kaasang asa na babalikan niya ako. Na nung binalikan niya si Megan ay babalik din siya sa akin. Bull.

In front of me was none other than Felicia Dela Merced. Theo's abuela.

"Bakit gulat na gulat kang ako ito. Umaasa kang pupuntahan ka pa ng apo ko pagkatapos ng ginawa mo?"

Napayuko ako, napahiya. "Pasok po k-kayo."

Walang pagaalinlangan na pumasok nga siya sa loob. Felicia Dela Merced is known for being ruthless. Don't you dare be on her bad side. Kaya nga pinilit kong kshit papaano ay ma please siya.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. What you did to almost ruin Theo and Megan is unforgivable. That only shows how ungrateful and pitiful you are. Remember my words now. Sana wag mo nang iassociate kahit kailan ang sarili mo sa amin. I think my grandson and daughter, Theresa gave you enough already. We gave you enough. Kilala mo ako Dianne. Iba ako magalit." Her eyes were fire. Pero imbis na magalit sa mga sinabi niya ay dahan dahan na tumango ako.

"I think it's time for you to stop relying on my family. Malaki ka na."

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Naguunahan silang bumagsak. The family that I used to know just gave up on me too. Kagaya noon.

The only difference to what's in this darkness is this time, no one's gonna hold my hand anymore. Wala ng kahit na kaunting liwanag.

"Mama!" It was Theresa Dela Merced. Nakikita ko ang awa sa mga mata niya. "Tama na ma. Hayaan mo na si Dianne. I know that she doesn't mean to do it." Napailing nalang ang Donya at mabilis na umalis.

"Sorry po tita." Sabi ko ng magkalakas ng loob. She was just there looking at me. "I should have put a stop on it when I learned how dependent you were of my son. Alam kong malakas ka, hija. Malalampasan mo to." 

Tumango lang ako at pilit na ngumiti. Pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko. I cherished the warmth of the motherly hands I only knew. Because at that moment I knew. It would be the last time.

That night. I didnt only fully lose Theo. I lose tita Theresa as well.

Everything I ever wanted. Parang panaginip lang. Ngayon wala na.

Ako nalang mag-isa.

Morning came and I'm looking forward to see Pia. Sabi kasi niya babalik siya. Ayoko naman na basta nalang umalis ng walang paalam. She deserve that from me.

Pero hapon na ay wala padin siya.

"Dianne. Ikaw nalang talaga mag-isa." I mumbled.

I roamed my eyes around the four walls that used to be my home. It use to bring me warmth but its the coldest now.

Suddenly, I'm back to the six year old me. Mag-isa, luhaan, iniwan.

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko. I knew that the old times made me stronger. Pero may mga panahon talaga na wala tayong laban. Minsan may mga bagay na isinusuko para may isang magandang bagay na matira.

Then you hold on to it once more. And this time tighter and better.

We get better at living life. In surviving pain. And getting better at doing all of it over again.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 29, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Something Somewhere Where stories live. Discover now