Chapter 2: Dianne

8 0 0
                                    

Tanghali na nang nagkaron ako ulit ng lakas na gumalw mula sa kung saan man ako iniwan ni Theo. The last thing I did was to send him the address. Pagkatapos ay dumaan na ang ilang oras na hindi ko na alam kung paano lumipas.

The pain is immensely there. Dahil sa kahibangan ko, hindi ko alam kung masasalba pa nun maski pagkakaibigan namin. But I'm praying that it will save their love. They both deserve it.

Gusto ko siyang tawagan. Gusto kong itanong kung nagkausap na sila. Gusto kong malaman kung...

Maybe the selfish me is hoping that I still have a chance? Pero ang gago naman diba? Hibang na ako talaga. But I'll get there.

Lumipas ang mga araw na wala akong balita. I spent my days busying myself with work. Maski yung mga nakaschedule pa sa susunod na mga buwan ay halos nasimulan ko na, ang ilan patapos na. I would just go home to shower and change. Minsan pa nga, nagpapadala nalang ako ng damit. I eat just because my secretary would bring the food and demand me to at least eat kung ayaw kong magbreak. She stopped asking kung anong gusto kong kainin kasi wala naman akong gana talaga. I just eat whatever she gives.

Araw araw nagkukumahog ang mga empleyado ko na makahabol sa ginagawa ko.  Yung mga hindi pa nila nagagawang trabaho ay minsan ako na ang gumagawa para lang makausad ako. Kaya kahit na hindi ko hinihingi dahil hindi pa naman minamadali ay sinusubukan na nilang ibigay.

It was like that for almost a month. I kept myself busy but deep inside the pain is unbearable.

Until a simple instagram notification broke everything Im trying to fix.

It was Theo's post. Got my world in my arms. I'm blessed. Then attached to that was him hugging Megan from the back.

Para akong nawalan ng lakas. I dropped my phone. Tears pooled at the back of my eyes.

Minsan may mga bagay na totoo pero pinipilit nating hindi paniwalaan. That's what I'm doing this pass few weeks. I refused to believe that with one stupid night, I'll lose twenty six years of friendship. Hindi naman na kailangan ng mga salita para doon. If you almost lose the love of your life would you still let the reason behind it be in your life? Hindi pa gagawin mo ang lahat para lang mailayo mo ang mundo mo doon?

It was all too much.

And before I know what is happening I heard some commotion that I can't comprehend anymore. Things finally turned black.

It was the familiar scent of alcohol that brought me back. Medyo nasilaw pa sa bukas na ilaw nang buksan ko ang mga mata ko. So I closed my eyes again this time.

Kahit na may ideya na kung nasaan ako, hindi ko parin maiwasang magtanong. Where the hell am I?

"...kumusta po si mam?" Napakapamilyar ng boses na yun, pero hindi ko mapagsino.

"In her condition now its very important for her to rest. Siguro kaya bumigay nadin ang katawan niya sa sobrang pagod. I don't know kung nakakatulog ba siya ng maayos?"

"Yun nga ho doc, may pinagdadaanan ho kasi ngayon ang boss ko, kaya stress masyado tsaka halos wala ng pahinga sa trabaho!"

I slowly opened my eyes, this time slowly. Alam ko na, it was Pia, my secretary at ang kausap nito ay isang doctor. Hindi na naituloy ang pinaguusapan nila kasi napabaling na sila sa akin.

"Mam! Jusko gising ka na!" Masiglang ngiti ang abinigay sa akin ni Pia. I tried to smile. I roamed my eyes. It was only Pia and the doctor. "T-theo?"

"Ay doc! Mabuti pa icheck mo na tong boss ko, para lumakas lakas naman na! Baka sobra na ang beauty rest!" Sabi pa niya. Agad naman akong tinignan ng doctor.

He asked me series of questions. They checked my vitals and all. At kahit pa nagpaliwanang na ang doctor ay parang hindi ko parin makuha ang nangyayari. Pia escorted the doctor out of the room. Natagalan bago bumalik si Pia sa loob.

Isa lang naman ang nasaisip ko.

"Si Theo?" Agad kong tanong kay Pia pagpasok niya. Napakamot nalang siya sa ulo niya. "Eh mam, tinawagan ko na ho ulit kanina eh, sinagot naman kaso hindi ko alam kung pupunta na."

She must have seen my face. "Pero mam baka busy----." She must have realize the value of her words when she stopped.

I cleared my throat trying to mask the pain. "Ilang oras akong tulog?" Halos pabulong na tanong ko.

"Eh mam, tatlong araw po." My jaws dropped. Three days? "Pero mam pagkadala palang namin sayo dito sa ospital tinawagan na namin si sir Theo, eh kasi diba siya naman emergency contact person mo? Kaso nung sinabi kong baka napagod ka nga lang para hindi lalong magalala ano...sabi ano... ako na daw bahalang mag alaga sayo." Her last sentence were almost a whisper. Halos ayaw iparinig sana. Yung hindi mo nalang sana narinig but you still did? It was painful as hell.

Sa sobrang sakit gusto ko nalang magalit. Sino ba kasi ako diba? Sino ba ako para pag oras na ng pilian eh ako naman yung pipiliin? Ako lang naman si Dianne na gustong ipalaglag nung una palang. Pero kinumbinsi lang ng Mommy ni Theo yung mama ko na ituloy ako? Ako lang naman yung bata palang pinagpasa pasahan na ng mga kamag anak. Masyadong malikot si Dianne. Masyadong maingay. Kaya nga ako nauwi sa ampunan eh. Dropped like a hot potato. At dahil mabait ang mommy ni Theo, every weekend they would visit me. They gave me scholarships. Theo gave me comfort. Kaya nga siguro ako naging dependent sa kanya? Tapos lahat ng kasabayan kong bata noon? They were able to find families that would love and cherish them. Hanggang sa tumanda na ako at wala ng may gustong umampon kasi nga malaki na ako. Ganon ba yun? Pag malaki na, pag matanda na wala ng karapatan magkaroon ng pamilya?

Bastardo ako ng ama ko. He's living happily with his family. I wonder kung alam niyang nageexist ko? Pero hindi naman pipiliin ni mama na ipalaglag ako kung pinanagutan siya hindi ba? Si mama? Utang na loob ko daw na binuhay ako. Her motherhood started and ended with giving birth to me. Anything ang everything after that? Wala na. I don't exist in her world anymore.

Kaya sa mundo nilang lahat, pinili nilang walang Dianne doon.

Until it was just Theo. Pero pinili kong maging okay. Kasi akala ko kahit na anong mangyari, kahit na anong dumating hindi siya mawawala. Na hindi na ako masasaktan. It was his promise. But shit happens.

And now, I lost him too.

Hindi ko na alam kung saan pa ako pupulutin.

Gusto ko nalang umiyak. Pero wala na ata akong maiiyak. Sa sobrang sakit hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman.

Gusto ko ng umuwi.

Pero saan?

"P-pia, a-ayoko na dito p-please."

Something Somewhere Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon