Chapter 2

30 5 3
                                    

'Aelijah's POV'
Isa lang ang masasabi ko sa mga nakikita ko ngayon. 'NAPAKAGANDA!!!'

Nilibot ko ang paningin ko at pinagmasdan ang mga tao. Lahat sila merong makukulay na buhok at kulay ng mata. Para silang mga anime sa itsura ng mata at buhok nila. Ang kyut lang parang animé!

Ang mga bahay meron ring maliliit na diyamante pero hindi katulad ng kastilyo na puno ng diyamante. Sa gilid ng pintuan at gilid lang ng bubong ang mga diyamante. Kaya mas lalong gumaganda ito dahil sa sinag ng araw.

"Maganda ba?" Tanong ni nanay.

"Napakaganda po!" Sabi ko habang tinitignan ko ang mga tao na masayang naglalakad at nagkukuwentuhan.

Pero nagulat ako nang biglang merong dumaan na parang malamig sa mukha ko. Ano yon?!

"Naku pasensya na po kayo sa anak ko at muntik na kayong matamaan ng kapangyarihan niya." Pagpapaumanhin ng isang magandang babae na kulay asul ang buhok at mata niya. Yumuko siya ng bahagya at hinawakan ang ulo ng anak niya para yumuko din.

"Wala yon Devlin hindi naman natamaan ang alaga ko." Sabi ni nanay Thea na nakangiti.

"Maraming salamat po Madame Thea." Sabi ng babae habang naka yuko padin. Ang anak niya naman ay bahagyang tumaas ang kanyang ulo at tinignan ako sa mata. Parang navy blue ang kulay ng mga mata niya at parang hinihigop ako nito na hindi ko maintindihan.

Habang nakatingin sa mata niya biglang may lumitaw na imahe sa utak ko. Isang babaeng hindi gumagalaw na parang nakafreeze ito. At makikita mo sa mukha niya ang sari saring emosyon katulad ng lungkot,galit at pagkabigla-.

"Aelijah? Tara na." Agad akong napabalik sa reyalidad nang tawagin ako ni nanay Thea. Agad akong napatingin sa kanya na tila nagtataka sa nangyari. Tinignan ko ulit ang bata pero naglalakad na siya palayo kasama ang nanay niya.

____________

Nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay ni nanay Thea. Isang simpleng bahay lang ito na hindi gaano kalaki at hindi rin gaano kaliit at sa tuktok ng bubong mayroong statue ng pinagsamang star,moon at sun. Pansin ko lang ha. Bakit yata palagi kong nakikita ang sun,moon at stars?

Naunang pumasok si nanay sa bahay kaya sumunod na din ako sa kanya. Pagpasok na pagpasok ko makikita mo sa gilid ng bahay ang napakagandang hardin.

Mararaming makukulay na bulaklak at paru paru ang nandoon. Meron ring fountain na may weird na kulay ng tubig. Hindi ko na masyadong na tignan nang tawagin ako ni nanay Thea.

"Pasok na tayo iha para makapaghanda ako ng kakainin natin." Napatingin ako kay nanay ng sabihin niya yon. Sa totoo lang kanina pa ako nagugutom kulang ang kinain ko kanina na fishball at tempura kanina kay nanay Trisha. Ilang oras na ba ako nandito?

"Ahm nay anong oras na po?" Tanong ko nang makapasok kami sa bahay niya.

"Alas dose na ng tanghali iha siguro gutom na gutom kana pero huwag kang magaalala magluluto ako ng napakaraming pagkain." Sabi ni nanay. WHAT?!

"Kung ganon po napakatagal ko nang nanatili dito?! Paano na po doon sa amin?!" Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang dami ko pa kasing gagawin doon!

"Wag kang mag aalala iha. Sa inyong lugar ang oras doon ay nananatiling nakatigil hangga't hindi ka pa nakakabalik doon. Siguro 7:00 pa lang doon ng gabi." Pagpapaliwanag ni nanay Thea habang kumukuha ng mga pinggan.

"Paano po nangyayari yon? Nakatigil ang oras?" Imposible ata yun-haist never mind. Kung posible ngang nandito ako ngayon sa lugar na ito, ang pagtigil pa kaya ng oras doon. Tss

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon