Chapter 5: My First Heartbreak with Namu

22 4 2
                                    

Chapter 5: My First Heartbreak with Namu

(Denicel's POV)

Pagkatapos naming kumain ni Namu, syempre, nagpahinga muna kami. Nakaupo kami sa bench habang kumakain ng ice cream. Parehas kaming tahimik, nagpapakiramdaman? Baka nga, nakatingin lang ako sa rides habang umaandar. Naiilang nga ako kasi feeling ko, nakatingin siya sa'kin. 'Di ba gano'n 'yon kapag naiilang ka nang walang dahilan, may nakatingin sa'yo? Kaya hindi ako feelingera. Okay?

"Anong--" "Lakad mu--" sabay pa kaming nagsalita.

"Ano 'yon?" agad kong tanong.

"Lakad muna tayo." sabi niya. Ngumiti ako at tumayo sa pagkaka-upo. Nag-inat pa 'ko, agad ko namang binaba yung kamay. Kasama ko pala si Namu.

Nauna akong naglakad. Nakakahiya naman yung pinaggagawa ko. Narinig ko pa siyang humagikgik. Feeling ko talaga, namumula na 'ko sa kahihiyan. Nasanay kasi akong nag-iinat pagtapos magpahinga.

Nagulat na lang nang kasabay ko na siya at nakaakbay na siya sa'kin. Napatingin ako sa kamay niyang nasa balikat ko at naririnig ko mismo yung kabog ng dibdib ko. Napatingin rin ako sa kanya at nakangiti siya sa'kin. Agad akong napaiwas ng tingin at feeling ko, nag-iinit yung mukha ko.

"Ang cute mo talaga." sabi niya at pinisil ang ilong ko. Ba 'yan! Pango na nga, papanguin pa lalo. "Halika, doon tayo." excited na sabi niya at agad niya hinawakan yung kamay ko at hinila ako.

Naging slow motion yung nangyayari sa paligid ko. OA na kung OA pero ramdam kong nagslowmo katulad sa 'Must be love' totoo pala yung tinutukoy ni Kathryn doon sa palabas na 'yon. Nakangiti siya habang nakatingin sa ferris wheel at hila hila ako. Kasabay ng mabilis na pintig ng puso ko.

Nang makasakay na sa ferris wheel, naiilang pa rin ako. Hindi pa rin bumababa ang heart rate ko, baka dito na 'ko atakahin sa puso. 'Isang babae, inatake sa puso dahil sa kilig.' ayoko namang maging headline sa dyaryo.

"Baves, ba't kanina ka pa tahimik?" nag-aalala niyang tanong. Sino bang hindi tatahimik kung kanina pa ako kinikilig dito. Baka kung ano pa masabi ko at ipahiya ko na naman sarili ko.

"Uh, wala. Dinadama ko lang yung simoy ng hangin." sabi ko at naghalf smile. Natawa naman siya.

"Baka magkasakit ka niyan kung hangin ng Maynila ang dinadama mo." sabi niya at natatawa tawa pa rin. Di ba, dapat hindi na lang ako nagsalita. Pinapahiya ko lang sarili ko.

"Okay lang, basta ba ikaw mag-aalaga sa'kin." bulong ko.

"May sinasabi ka, Baves?" tanong ni Namu.Agad naman akong napatingin sa kanya.

"Ahehehe! Sabi ko; hindi ko na dadamahin yung hangin ng Maynila." sabi ko. Tumingin na lang ako sa labas at kita ang buong Star City.

It Started with Boys Hunting [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon