Chapter 4: When I date him

28 3 0
                                    

Chapter 4: When I date him

 

 

(Denicel’s POV)

Naglalakad kami ni Namu. Nakakatawa pero sumasama ako sa taong ngayon ko lang nakilala. Mamaya, hindi ko pala alam na magnanakaw siya, miyembro ng grupo ng mga kidnappers, budol budol gang, o isang rapist pero kinikilig talaga ako. Pati tunay niyang pangalan, hindi ko man lang inalam, how stupid of me pero mamaya ko na lang itatanong.

Dumiretso kami sa parking lot kaya nagtaka ako.

“Anong ginagawa natin dito?” medyo kinabahan ako, bago magdate, may something agad? Ano ba ‘tong iniisip ko, kakabasa kasi ng wattpad e, ganon, kasi ‘yon e. kapag walang tao, tapos sa gilid ng mga kotse. Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! What am I thinking?

“Bakit namumula ka?” hinawakan niya bigla yung kamay ko kaya mas lalo akong kinabahan. “Nanlalamig ka pa. May sakit ka ba?” nag-aalala niyang tanong.

“Ahh, ano. Ano bang ginagawa natin dito?” tanong ko ulit sa kanya. This time, pautal utal.

Natawa siya sa sinabi ko. “Nandito kasi yung motor ko.” Sabi nito at isang tingin na parang nang-aasar.

Sa sobrang relieve ko, gusto kong magmelt sa kahihiyan. Kung anu-ano kasing pinag-iisip ko. Feeling ko nga, naisip niya kung anong naiisip ko. First date, ganito iisipin ko, idiot ka denicel.

“Halika na, nandoon ‘yung motor ko o gusto mong maghintay na lang dito? Tanong niya sa’kin. Kinikilig talaga atay at balunbalunan ko. Ang gentleman niya, potek. Parang karakter lang sa wattpad. Kung gagawa kaya ako ng sarili kong story bebenta kaya ‘to?

“Baves? Okay ka lang ba talaga?” namula ako sa pagtawag niya sa’kin at the same time, nahiya ako, puro ka kasi idling, denicel.

“Ano, sasama na lang ako.” nakangiti kong sabi. Ngumiti rin ito pabalik at hinawakan ang kamay ko.

Ang bilis naman nitong lalaking ‘to pero keribels, gwapo naman, potek! Pakisampal ang ako kung totoo ‘to o nananaginip lang ako.

“Baves.” Napaangat ang ulo ko, tapos nilagay niya yung helmet sa ulo ko.

Gusto ko na talaga magwala sa kilig. Parang kailangan ko ng C.R. kinikilig talaga ng bonggang bongga. Hindi ko na kinakaya. Wala na nga akong masabi, baka kung ano pang masabi ko kung magsalita ako.

Sumakay na siya ng motor at inalalayan niya akong makaupo. Pwedeng araw araw na lang ganito? Binuhay niya yung makina at humawak na ako sa likod ng upuan. Doon sa may bakal na part ng motor. Basta doon.

“Ba’t d’yan ka humahawak? Mangangawit ka.” Sabi nito.

“Ano, okay lang. Malapit lang naman yung mall e.” sabi ko.

“Sino’ng nagsabi sa mall tayo?” pagkasabi niya, kinabahan na naman ako. Saan niya ako dadalhin, sa motel, hotel, o sa talahiban? Hindi pa ako ready, ayokong mawalan ng lisensya ng sa pagiging birhen. “Don’t worry, it will make you go happy and crazy.” Nakangisi nitong sabi.

It Started with Boys Hunting [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon