"Memories"
"Wag po, wag po papa! " ang sambit sambit ko pagkagising mula sa isang masamang panaginip. It's been three consecutive nights ko naring napapanaginipan si papa. With his eyes full of hatred.
Pinuntahan ko si mama sabay sabing, "Ma, napanaginipan ko na naman si papa. Ma November 1 na bukas, pano kaya kung puntahan natin siya?" Nagpailing iling lamang siya. Wala siyang ipinakitang interest sa sinabi ko.
"Ma, ma sige na naman oh." Pakikiusap ko ulit sa kanya.
"Pwede ba Marie! Tigil tigilan moko sa trip mo ha? Hindi na nakakatuwa! Ilang beses ko bang sasabihin sayong kalimutan mo na ang papa mo? Kaya ka palaging ginagambala eh kasi 'di ka tumitigil sa kakaisip sa kanya. Wag mo na kong aabalahin ha? Naiintindihan mo?" Pasigaw na baling niya sakin.
Wala na akong ibang nagawa kundi yumuko nalang at umakyat saking kwarto. It's been 8years mula ng pumanaw si papa. Parang kahapon lang nakikita ko pa ang sarili kong naglalaro kasama siya. Habul habulan tagu taguan. Pero ano nga bang nangyari? Bakit nga ba siya nawala? Sa pagkakaalam ko naghiwalay sila ni mama sa hindi ko malamang dahilan. Hanggang sa isang araw nalang nabalitaan kong namatay siya. Sad right? Hindi man lamang ako nakapag paalam. Hindi naman sumusulpot si papa sa mga panaginip ko, nitong mga nakaraang araw lang. Ito ang ikawalong taon na hindi namin siya nadadalaw sa puntod para ipagtirik man lang ng kandila.
Natapos ang araw na wala akong ginagawa, kaya naisipan kong matulog nalang. Ang aking panaginip ay tila ba nagiging bangungot na.
"Hindi mo man lang ba ako naiisip? Ano ang ibinilin ko sayo bago ako namatay? Diba alalahanin naman ako paminsan minsan? Di mo nga sinunod ang payo kong wag sumama sa pota mong ina! Anong klaseng anak ka? Ilang beses naba akong nagdusa? Pinahihirapan moko ng husto!" Ang sabi niya habang punong puno ng galit ang nanlilisik niyang mga mata. May bahid ng dugo ang suot niya at tila ba ang mukha niya'y kagagaling lamang natuluan ng dugo. Batid kong nagdadalamhati lamang siya dahil hindi ko siya dinadalaw.
Nilapitan ko siya at niyakap. "Patawad papa. Hayaan mong dadalawin kita ngayon din. Wag magalit please.. 'Di naman kita kinalimutan ehh. Naghahanap lang ako pagkakataong makadalaw." Saad ko sa kanya. Bigla na lamang siyang nawala, sabay nito ay ang pagmulat ng mga mata ko.
Hating gabi na pala. November 2 All Souls Day. Hayaan mo papa dadalawin kita. Tumayo ako at nagbihis, 'di na ako nag abalang magpaalam kay mama. Dis oras ng gabi ay lakas loob akong naghanap ng masasakyan patungo sa sementeryo. Pagkarating ko doon ay nakita ko ang maraming tao na doon na nagpalipas ng gabi. Pagkatapos kung bumili ng kandila at bulaklak ay hinanap ko ang puntod ni papa. Nung nakita ko na ay una unahang nagbagsakan ng aking mga luha.
Habang sinisindihan ko ang kandila ay may tumapik saking balikat. Sabay tanong na, "Ate, ate. Papa niyo?" tumango lamang ako at ipinagpatuloy ang aking pag iyak.
"Bakit ngayon ka lang nakadalaw? Alam mo bang taon taon siyang naghihintay sayo diyan? Nagbabakasakaling may makaalala naman sa kanya. Ang tagal niyo naman po kasing pumunta, yan tuloy naisipan ka niyang hanapin."saad ng bata sakin.
Nginitian ko siya at inisip na baka nagbibiro lang siya.
"Nakikita mo siya? Binibiro mo ba ako?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi po. Magkaibigan po kaming dalawa. Sayang ngalang mukhang siya na naman ang ayaw magpakita. Nagtatampo siguro siya sayo ate." Sagot niya habang may ngiti sa labi.
"Kung nakikita mo talaga siya, pakisabing humihingi ako ng tawad."
"Hindi po siya galit sa inyo. Galit po siya sa mga panahong nasayang na dapat sana ay magkasama kayo. Sige ate aalis na ako. Pupuntahan ko pa kasi si mama eh ayun po siya oh!"turo niya sa babaeng nagtitirik ng kandila sa malapit na puntod.
"Siyanga pala ate ako si Erika, babay ate nice to finally meet you!"at tumakbo na siya patungo sa mama niya.
Ilang minuto matapos akong taimtim na nagdasal ay tumayo na ako at nagpaalam sa puntod ni papa.
"Patawad sa lahat papa." Huling sabi ko at hinay hinay na naglakad patalikod. Sa daan ko ay nadaanan ko ang ina ng batang babae na nakamasid sa isang larawan. Nilapitan ko siya at tinanong kung nasaan si Erika.
"Nagpakita ba siya sayo? Ito ba siya na nasa larawan? Limang taon na siyang patay iha. Pero nagdadalamhati parin ako sa pagkawala niyang biglaan." Nagimbal ako sa sinalaysay ng ina ni Erika. So, ibig sabihin ang kausap ko kanina ay kaluluwa na? Nagtayuan ang aking mga balahibo at dali daling nagpaalam sa ginang at tinahak na ang daan palabas.
Nilibot ko ang mata ko sa buong sementeryo at marami akong nakitang katulad ni Erika. Pagala gala, naglalaro habang ang iba ay nakaupo sa kanya kanyang puntod na pawang may hinihintay pero ang mata'y malapit ng mawalan ng pag asa. Doon ko narealize kung paano naghirap si papa sa kahihintay na dalawin din siya. Walong taon, walong taon siyang kinalimutan ng mga mahal niya. Nagsisi ako sa mga panahong sinayang ko. Mga panahong hinayaan ko ang ama kong magdusa. Anong klaseng anak ako? Pagdating ko sa bahay ay dali dali akong pumasok sa aking kwarto at natulogan ko ang kakaiyak. Bago sumapit ang liwanag ay muli na namang nagpakita si papa. Wala na ang poot sa kanyang mga mata, napalitan na ito ng ngiti sa kanyang labi. Habang niyayakap ko siya ay sinabi ko lahat sa kanya. Kung paano ko siya namimiss at kung bakit hindi ako makadalaw sa puntod niya dahil ang sakit sakit parin ng pagkawala niya. Umalis si papa na may iniwang isang mensahe na dadalhin ko habang buhay.
"Ang mga patay ay patuloy paring mabubuhay, hindi man sa totoong buhay kundi sa ala-alay patuloy silang bumabalaytay. Mahal na mahal kita at sana'y alalahanin mo ako pang habang buhay."
Nagising akong may luha sa mga mata. Pero ang mabigat kong dala ay nawala na. Wala na nga siya pero mananatili siya saking ala-ala.
-END-
KAMU SEDANG MEMBACA
Once Upon A Time
Cerita PendekA compilation of my short short stories to reminisce. Kasagsagan ng RPW😇
