kikiam sa kaldero ng diyos

20 1 0
                                    

sa lansangan ng mga maralita

biyaya na ang isang kawaling mantika

at mga lamang-dagat na naproseso

ngunit kung kailan dapat itago 

ang kabulukan ng sistemang maraming panatiko

ng mga magagaling naman magkunwaring walang baho

ngayon pa talaga naisipang magkalat

at ipaalam na ang bansa ay salat

hindi sa yaman, kung hindi sa gobyernong walang buwayang dilat






Tula(y)Место, где живут истории. Откройте их для себя