Batas, Butas, Utas.

58 4 0
                                    

Hindi ako sigurado kung nakakain lang ba sila ng kaning may bukbok
O nakapag-ulam lang ng alikabok
At ganoon ko na lamang hindi maarok
Ang mga naiisip nilang puro kulang sa pukpok ng mga may tuktok

Para silang mga pataba--
Mga patabaing baboy na wala ring dulot sapagkat may sakit na
May sakit na kamangmangan bagaman sila itong mga nakatapos at may pinag-aralan
Silang mga dapat nagpapahalaga
Ang siyang mga tila ba napariwara
Silang mga patabang kabaliktaran ang silbi
Pilit nilang binabansot ang mga papatubong binhi
Sa bansa ng mga hindi natutong humindi
At ang madalas isinasaalang-alang ay pagkita sa pamamagitan ng pagsisilbi

Ngunit kanino nga bang lalamunan ang lulunok
Ng baretang "pride" of the Phillipines raw kuno
Globally competitive nga ba o sadyang "matalinong pagdedesisyon" na natutuhan ninyo sa ekonomiks ay bulok
Magtatapos nga ng kolehiyo ngunit ano bang tunay na alam mo?
Kung sa wika mo mismo ikaw ang nalilito

Bobo na nga sa pagbaybay ng sarili nating mga salita
Pati na rin sa paglalagay ng iba pang mga bantas tayo ay kapintas-pintas
Tapos bobo pa rin pati mga mambabatas?
Talaga bang maililigtas at malulutas pa ang sistemang butas na
Sa pagkabisado ng galaw ng mga titik ng baybaying sandali na lang rin at mauutas na?

Baka hindi kalaunan ay hindi na lang asignaturang Panitikan at mismong Filipino ang tatanggalin
Mukhang mawawala na rin maging ang pagkakakilanlan natin

-Batas, Butas, Utas
ni amoysingetchronicles
11-10-18

Tula(y)Where stories live. Discover now