tuwing kaagnasan

55 7 0
                                    

Buhat. Bigat. Sapat.
Bigas. Butas.
Tapat.
Taas. Patas(?).
Ulol, walang ganoon.

hindi por que pareho tayo ng buhat ay pareho na rin ang pasan nating bigat.
hindi tayo pareho ng inaapakang lupa kahit ipilit mo pa,
walang pagkakapareho ang estado nating dalawa
kahit sa kamatayan na nga lang at lahat, malaki pa rin ang pagkakaiba.

pasalamat na lang ako at pareho lang tayong ibabalik sa abo, o 'di kaya ay sa lupa
at parehong mga bulate ay sa atin magpapakasasa

Pota, patas rin pala.
tayo-- minsan.
sa kamatayan.
tuwing panahon ng ating Kaagnasan.

Tula(y)Where stories live. Discover now