Marco
Nagising ako dahil sa ingay ng kabilang kwarto..'mukhang nag aaway pa ata ah'..'teka anong oras na ba?' Dahil sa naalala ko, tiningnan ko ang orasan na nasa gilid ng kama ko
"Shit! 8am na pala! Late na ako!"
Pumunta ako sa balkonahe para kunin sana ang uniporme ko nang may nakita akong flower pot sa bintana ng balkonaheng nasa tapat ko lang..'may nakatira na pala jan'..matapos kong magmasid, kinuha ko na ang unipormeng nakasabit sa railings at muling nagmadali.
____
"Oh?! Bat late kana naman??"
'Paktay'
"Eh ma'am di' po kase tumunog yung alarm clock ko eh kaya napasarap tulog ko. Hehe"
Sabay kamot ko sa may batok.
Pero parang galit pa ata si ma'am kase pinandidilatan nya pa ako ng mata..di naman ako makapalag.
'TULOOOOONG!'
"Uhmm, paorder nga ng isang matcha and take out ako ng isang hot choco"
Biglang lumiit ang mata ni boss nang may nagsalita at tsaka sinabing "magtrabaho kana" tapos umalis! Buti nalang..
"Isang matcha tsaka take out nadin ako ng hot choco"
sabi ulit ng babae..
"Sige po."
'Infairness ang ganda nya ah haha'
___
Matapos ang ilang minuto, ibibigay ko na sana sakanya ang order nya nang may sumagi sakin na tumatakbo papuntang CR.......
"OH-MY-GOD!!"
'Halaaaaaaaa!'
"Ma'am! Sorry po ma'am! Di ko po sinasadya!" Natataranta na ako habang may pa punas punas pa sa suot nya.
"Don't touch me!"
"Sorry po talaga ma'am"
"Look what did you do! You ruined my skirt!! Tapos ang init pa!!"
"Patingin po ma'am baka may paso ka"
"No! I can handle this!"
Heto na ako ngayon naka yuko..isang kapalpakan na naman...
"Here!" Inilapag nya ang bayad na isang libong piso sa table at saka umalis..sobra pa. yaman ah
Tumalikod ako para kumuha ng map pero nagsisi ako kung bat ako tumalikod...andito na naman si boss na naka pameywang at may nanlilisik na mata. 'HAYYYYSSS'
____
"Hayyyyy! Isang malas na araw na naman!" Singhal ko sa sarili habang nakatapat sa salamin tsaka biglang lumundag sa kama..
Ngayon ko lang naramdaman ang pagod ko nang humiga ako sa malambot kong kama..
Pumikit ako ng ilang minuto para magpahinga...pagkatapos ng pagpapahinga ko, nilabhan ko ang unipormeng natapunan ng matcha 'MALAS TALAGA OH'..
Dahil wala akong dryer dito, isinampay ko ang uniform sa railings ng balkonahe.. pumikit ako at humarap sa katapat na building at lumanghap ng sariwang hangin...
'Miss ko na ang probinsya lalo na si mama.'
"IKAW?!"
Nagulat ako dahil sa sumigaw at pagmulat na pagmulat ko, may nakita akong magandang babaen- AY! ERASE! ERASE!
Pagmulat nang pagmulat ko, nakita ko yung babaeng natapunan ko ng matcha?!??..bigla akong kinabahan dahil sa hiya at sa nakakatakot nyang mata.
WOW LAKE AH;O_O
"Hi ma'am hehe"
____
𝐸𝑛𝑑 𝑜𝑓 𝑃𝑟𝑜𝑙𝑜𝑢𝑔𝑒
💛💛
BINABASA MO ANG
Between the Space
Teen FictionThania is a rich girl who lives in a building with herself alone. While, Marco is a working student who lives in a building alone too. They're living in the two different buildings with a space between them. Ara lee 💛💛
