Kabanata 32

101 2 0
                                    

Lunch

Sumakay siya sa kaniyang motor. Tumingin siya sa akin. Hindi na ako umimik at umangkas na ako sa kaniyang likod.

"Hindi ko maintindihan kung bakit ihahatid mo pa ako." Sabi ko.

"Hindi naman siguro masamang ihatid ka ng isang gwapong katulad ko hindi ba?"

Natigil ako sa sinabi niya at napangisi. Bakit parang ilang beses ko na itong narinig sa kaniya. Inilagay ko ang aking kamay sa magkabila kong side. I don't want to hold on to him.

"Hindi porke't nakita ko na ang mukha mo ay gwapo ka na..." sabi ko. Humalakhak siya.

"You better hold me tight Emerald, you might fall if you didn't." He said. Hindi ko alam kung bakit lumakas ang kalabog ng puso ko sa sinabi niya. Damn it! I should stop this!

"Hindi yan, I can handle myself." I said. Hindi na siya nagsalita at halos mahulog ang puso ko ng pinatakbo niya ng mabilis ang motor kaya agad akong napakapit sa bewang niya.

"Perseus!" Sigaw ko sa sobrang kaba. Shit! Baliw ba siya?!

"Kakapit din naman..." he said. Ngayon ay medyo binagalan niya ang pagpapatakbo. Medyo kinurot ko ang kaniyang bewang. In fairness matigas!

"Because you did it in purpose!" I shouted. He chuckled.

"Kung ayaw mong mahulog kumapit ka Emerald." He said. Bakit ba parang may meaning lahat ng sinasabi niya? O ako lang ang nag iisip ng ganun? Damn!

"Shut up!" I shouted and then I loosened my hold to his waist. Pero nagulat na lang ako ng itigil niya ang motor sa tabi ng kalsada at hinagilap ang aking kamay, nanlaki ang mata ko ng iniyapos niya ito sa kaniyang bewang. The warmth of his palm on my hands is electrifying. Sobrang lapit ko na sa likod niya. Halos mapasubsob ako sa likod niya!

"Ganiyan ang kapit Emerald. You should learn how to hold." He said playfully tapos pinaandar niya na ang sasakyan.

This guy is really something. His flowery words are just so damn! Alam kong matinik siya sa babae! Halata naman eh! Sa mukha niya pa lang alam kong marami ng babae ang dumaan sa buhay niya. But what is this? What is he doing with me? Isa ba ako sa mga babaeng popormahan niya katulad ng madalas na sinasabi ni Dianne? Hindi ko alam pero naiinis ako! I'm one of his target? Ganun ba?

Kumunot ang noo ko ng tumigil siya sa mismong bahay ni nanay Luz! Paano niya nalaman? bumaba ako sa motor at mabilis na tinanggal ang helmet, siya naman ay tinitigan lamang ako habang ginagawa ko yun. Iniabot ko sa kaniya ang helmet at kinuha niya naman ito.

"Paano mo nalaman ang bahay ko?" I asked. He stared at me seriously.

"I followed you after I send you to the tricycle." He said. Kumunot ang noo ko.

"Why are you doing this?" I asked. Hindi siya umimik. Kinuha niya ang mask at sinuot niya ito ulit sa kaniyang mukha. Bumaba siya sa motor at tumayo sa harapan ko. He's so tall kaya kailangan ko pang tumingala para matitigan ang kaniyang mata.

"Bakit ayaw mo ba?" He asked softly. Kunot noo ko siyang tiningnan. Sa loob ng apat na taon na walang memorya, madalas ang mga ganitong lalaking lumalapit sa akin, pero bakit pakiramdam ko kakaiba siya sa lahat? Bakit ganito ang nararamdaman ko sa kaniya? I don't know but I felt something in me, unknown emotion.

"Kung sabihin kong oo titigil ka ba?" Tunog hamon ang pagkakatanong ko. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Ito lang talaga ang naisipan kong itanong, dahil kumakalabog ng husto ang dibdib ko. Lumapit siya sa akin. I feel awkward, and I felt something on my stomach! Damn it! Bakit ang lapit niya?!

Dangerous Enemy (TCB#2)Where stories live. Discover now