Chapter 3: Enjoying the View?

28 3 0
                                    

     

  "Triv!!" Rinig nyang tawag ni Boudery sa kanyang pangalan. Napairap sya nang pumasok ito sa kwarto nya.

  "Pwede bang wag kang maingay!?" Pag susungit nya rito pero ngumiti lang ito.

  "You know what, Triv, kahit napakataray mo hindi ako magsasawang sirain ang araw mo!" Tataas-taas pa ang kilay na sabi nito. Tumikhim nalang sya para ipahiwatig ritong hindi sya natutuwa.

  "Waahhh!" Imbes na manahimik ay sumigaw pa ito at parang tutang naiipit na tumili. "I'm so excited Triv!, ano kayang itsura ng isa pang campus? Oh my G! Dati pinapangarap ko lang makarating dun kase lagi akong bagsak pero buti nalang dumating ka at biglang_" pasuspense pa itong tumigil at pumikit.

  "Boom!, tumaas yung mga grades ko at nakapasa ako!" Pinanggigilan nito ang pisngi nya. "Thank you, thank you talaga! Hulog ka ng langit... You're my angel" nakangiting sabi nito.  Pagkatapos nitong panggigilan ang pisngi nya ay tinulungan sya nito sa pagiempake.

  "Teka nga, anong ginagawa mo?" Tanong nya rito at inagaw ang mga damit nyang hawak nito.

  "Ano pa?, edi tinutulungan ka" sagot nitong parang gusto pa nitong dugtungan ng "obvious ba?".

  "Kaya ko naman eh, yung gamit mo ang ayusin mo" sagot nya naman rito.

  "Tapos na po, kagabi pa!" May bahid ng inis na sagot nito. Bahagya syang natawa at napailing nalang.

  "Hindi ka rin excited ano?" Natatawang tanong nya pero nag puppy eyes lang ito na mas lalo nyang ikinatawa. 

   "Triv, bilisan mo!" Sigaw ni Boudery nang malayo na ito sa kanya. Nagmamadali itong tumakbo na para bang maiiwan ng mga kasamahan nilang lilipat sa kabilang campus, ang campus na para sa mga senior high. Napabuntong hininga sya nang maalala ang date, April 20 na pala, today is her 18th birthday.

   Muli syang natigil sa pag-iisip nang muli syang tawagin ni Boudery. Napapailing na bumuntong hininga sya at patakbong tinungo ang kaibigang nasa kalayuan na't sumasabay sa mga mag-aaral na naglalakad  patungong main gate ng senior high campus. Dahil narin sa pagmamadali at bigat ng maletang dala nya ay hindi nya napansin ang isang lalaking naglalakad patungo rin sa gawi ng mga magaaral na nakapilang naglalakad.

  "I'm sorry po" agad na paghingi nya ng dispensya ngunit nang ibaling nya ang tingin rito ay bigla syang nawala sa reyalidad.

Napakagwapo nito, matangkat ito na hanggang dibdib lang sya, malapad ang balikat, lalaking - lalaki ang tindig nito, ang maskuladong katawan na parang sanay na sanay sa labanan, dumagdag pa sa karisma nito ang makapal na kilay, matapang na mga mata at ang manipis na mapula nitong labi. Napakagat labi sya nang tumama ang kanyang paningin sa mga labi nito ngunit halos takasan sya ng kaluluwa ng gumuhit sa dalawang gilid ng labi nito ang mapanuksong ngiti.

  "Enjoying the view?" Agad syang nag- iwas ng tingin nang magsalita ito.

   "Ah a-ano, k-kailangan ko nang umalis" wala na syang maisip na dahilan kaya gusto na nyang takasan ang mapanukso nitong mga mata. Tatalikod na sana sya ngunit muli itong nagsalita.

  "You're beautiful, you look like a Princess but the more I saw your beautiful and innocent face, the more I feel pity for you " nagpantay ang kilay nya't nagtatanong na tinignan itong muli ngunit ngiti lang ang isinagot nito.

  "Wag mo nang alamin ang ibig kong sabihin, hindi mo na dapat malaman. The only thing you have to do is enjoy your day because as long as you're here, you're also running out of time to enjoy your life more." Kumindat ito at tumalikod ngunit muli itong nagsalita.

  "As long as you're here, the stronger evidence that no one cares and love you, poor pretty Princess. Take care, protect your life, before you enter the Second campus, make sure, weaknesses, fears, kindness, and innocence of yours are already gone. That's the only thing you can do to survive " pagkatapos sabihin iyun ay naglakad na ito palayo.

  Naiwan naman syang nag-iisip at gulong- gulo. Hindi maaaring walang ibig sabihin ang sinabi nito. Ngunit, ano naman ang kahulugan na iyun? May isa bang pagsubok ang mararanasan nila sa second campus? Kung ganun ano iyun? Ano bang mangyayari sa kanila? Ano ba ang nais iparating ng lalaki? Isa ba iyung pagsusulit na dapat nilang malampasan o isang kapahamakan, kapahamakan lang at wala nang iba?

"As long as I'm here, the strongest evidence that no one cares and loved me?paano nya nasabi yun?"

"Before you enter the second campus, make sure the weaknesses, fears, kindness, fears, and innocence of yours are already gone. That's the only thing you can do to survive"

Anong ibig sabihin ng mga katagang iyun?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 20, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bloody Jail AcademyWhere stories live. Discover now