Chapter 2: Are you a Lion?, A Rat?, or Both?

30 3 2
                                    

-------------------
" Who am I ? A lion? a Rat? Or both?"
-------------------

~•~

"You only have 5 munites to finish your quiz" paalala ng guro sa mga mag-aaral na abala sa pagsagot ng kani-kanilang quiz.

"Finished or unfinished pass your papers" agad na tumalima ang mga mag- aaral at nagkanya - kanyang pasa sa guro.

Pagkatapos maipasa ng karamihan sa unahan ang kanilang papel ay may isa pang mag- aaral ang hindi pa nagpapasa at patuloy parin sa pagsagot. Lahat ay napatingin sa lalaking estudyante na patuloy na nagsasagot nang lapitan ito ng guro at walang pasabing inagaw ang papel mula sa estudyante.

"You disobeyed my command" matalim ang tingin na sabi ng guro sa estudyante na bakas ang takot sa guro.

"Students, what is the rule #15?" Tanong ng guro.

"Students must obey all the commands of thier teachers" sagot ng lahat.

"And rule #9?" Tanong ulit nito.

"Pass the requirements on time" sagot naman ng mga mag-aaral.

"Rule number 2?,"

"If you made a mistake get ready for your punishment, one mistake will be equivalent to death" napapalunok na sagot ng mga mag- aaral na ikinangisi ng guro.

"So, my dear be prepared for your punishment" may bakas ng pagbababala sa tono ng guro. Takot at kaba ang naramdaman ng lahat ng mag-aaral sa sinabi ng guro.

Bumalik sa unahan ang guro at niligpit ang mga gamit pagkatapos ay muling nagsalita.

"Before I leave, I have a reminder. Rule number 1: accomplished the Project L. And the only way to accomplish it, is to obey all the rules. And you must do your best to know the meaning of it." Seryoso at may pagbababala ang tono nito.

Napairap naman si Trivinea dahil sa sinabi nito. Simula ba naman kase ng first day nya sa BJ Academy ay bukambibig na ng mga teacher ang project L na hanggang ngayon hindi parin nya alam ang ibig sabihin ng L. Kahit sino wala pang nakakaalam, No background information, no clues, just project L and Done..

"You can be a lion or a Rat to accomplished the Project L but, Being both is much better" nagtawanan ang lahat sa sinabi ng guro.

"Why are you laughing?" Seryosong tanong ng guro.

"Ma'am, liyon nalang ang pipiliin ko. Hahahaha ano namang laban ng daga? Isa lang yang meryenda ng liyon" natatawang sagot ng isang estudyante. Nanatiling walang imik si Trivinea at pinaulit- ulit sa isip ang sinabi ng guro.

You can be a lion or Rat to accomplished the Project L but being both is much better? Anong ibig sabihin nito?.

Ngumiti ang guro bago nagsalita. "So you're choosing a lion? Good choice but don't underestimate the ability of a little cute Rat. Because, the most expected weak is the most dangerous one. Dahil sa maliit at mahina sila hindi nyo iniisip ang abilidad nila. Ang liyon na hari ng kagubatan o ang dagang peste sa tahanan? Kung hindi ka mag-iisip ng mabuti mas pipiliin mo ang lion kahit hindi pa pinag- aaralan ang kakayahan ng isang daga. Ang lakas, tapang, at wangis ng liyon na nakasisindak ay likas na kahanga-hanga subalit ang daga?" Bahagya pa itong ngumiti bago muling nagsalita.

"Sinong mag-aakalang ang daga ay may kakaibang kakayahan?, talas ng pandinig, makapagkubli sa maliliit na butas, may kakaibang bilis, at kakayahang umatake nang hindi mo mapapansing malaki na ang napipinsala sayo. Ang mga kakayahang hindi mo pag- iisipan ng masama, mga kakayahang mamaliitin, mga kakayahang hindi katatakutan ngunit kayang gumiba ng isang mataas at matibay na gusali. Ang mga kakayahang hindi dapat minamaliit kundi dapat na kinatatakutan. Ngayon, sinong hindi hahanga sa kakayahan ng isang daga. Question yourself, What are you? Are you a lion? A rat? Or both?." Isang palaisipan ang naiwan sa lahat. Nakakamangha, tama, ang daga isang maliit na nilalang na kadalasa'y pinangdidirian pa ngunit may kakaibang kakayahan?.

Hindi makalimutan ni Trivinea ang sinabi ng guro. To accomplish the Project L you can be a lion or a rat but, being both is much better. Ano bang meron sa project L at kailangan nilang taglayin ang kakayahan ng Isang lion at isang daga?.

"Who am I ? A lion? a Rat? Or both?" Napailing sya nang muling tanungin ang sarili. Hanggang ngayon hindi parin nya alam kung saan sya napapabilang. Kung sa daga ba o sa lion?

Napabuga ng hangin si Trivenea nang makita ang oras sa kanyang relong pambisig. 3:15 pm, it's time for afternoon break but she doesn't want to go out to have her snack. Ilang oras na syang nakaupo at nakikinig 5:00 ng umaga nagsisimula ang lesson nila at natatapos ng 8 ng gabi. 12 subjects kada isang araw ang meron sila. Talagang kakaiba ang school na ito, puro talaga pag-aaral.. sa apat na taong pananatili nya rito nasanay na sya sa paulit ulit na lifestyle na maaari lang gawin sa loob ng BJ academy. Wala naman syang ibang ginagawa kundi ang mag-aral kaya sapat ang mga grado nya para makapasa sya. Nakakatawa lang dahil ang pinag-aaralan nila ay ang aralin na para na sa mga college, masyado silang advance.

"HEY, Triv. Hindi ka ba magi-snack?" Tanong ni Boudery, kumakain ito nang mansanas.

"Wala akong gana " tanging sagot nya. Kibit balikat lang ang tugon nito.

"By the way, naintindihan mo ba yung lesson sa Geometry?" Tanong nito na umayos ng upo.

"Yup, why?" Tanong nya na parang nahuhulaan na ang gusto nitong sabihin.

"Hehe, paturo ako. Wala akong naintindihan, ang bilis naman kase magturo nakakaantok, ang hirap sundan ng mga pinagsasabi ng teacher" nakangusong sabi nito. Natawa nalang sya at nilabas ang notebook nya sa Geometry.

"Ang galing kaya nya magturo, naintindihan ko nga e" sagot naman nya habang binubuklat ang notebook.

Napabuntong hininga ito at nakangusong tumingin sa kanya. "Eh, matalino ka naman kase" tanging nasabi nito na mas lalong ikinatawa nya. Well, as always magiging tutor nanaman sya nito. Simula nang naging kaklase nya ito ay sunod-sunod na itong nakapasa. Masaya naman sya para rito dahil natulungan nya ito at mukhang sabay pa silang magmo-moving-up sa taon na ito.

"Ang galing mo talaga!" Napatayo pa ito sa tuwa at pumapalakpak na kinuha ang notebook na nakalapag sa armchair. " Thank you, thank you so much!" Halos hindi sya makahinga sa higpit ng yakap nito. Buti nalang at tumunog na ang bell, ibig sabihin ay tapos na ang break at oras na para sa next subject.

"Dahil sa tinulungan mo ako, tabi tayo ngayon" nakangiting sabi ni Boudery at inilapag ang bag sa upuang nasa tabi nya.

"Bud, ang sabihin mo Statistics na kaya ka tatabi sakin" taas ang kanang kilay na sabi nya rito. Ngumiti lang ito at nagpa cute kaya naman natawa nalang ulit sya.

~•~

MOVING UP DAY

Hindi maiwasang mapangiti ni Trivenea habang nililibot ang tingin sa kabuuan ng circle kung saan dinaraos ang seremonya para sa magmo-moving up. Nakakaproud lang na sa sampung libong mag- aaral nang grade 10 sa BJ academy kasama sya sa tatlong daang magmomoving up. At isa pa, kasama sya sa 20 na may outstanding award. Nakakapanghinayang lang dahil hindi nya kasama ang kanyang ama.

"Triv! Ang ganda mo ngayon!" Napairap sya sa bungad ni Boudery.

"Ngayon lang talaga?" Napapairap na tanong nya.

"Syempre naman, ngayon lang talaga." Pang- aasar pa nito.

"Ewan ko sayo" pagsusungit nya rito na tinawanan lang nito.

- After Ceremony-

"Congratulations to us!" Sabay- sabay na sigaw nina Boudery, Trivinea at iba pa nilang kaklaseng nag moving up.

"Sa wakas, dalawang taon nalang. Makakalaya narin tayo sa kulungang ito" sigaw pa ni Boudery na ikinatawa nilang lahat.

Tama, dalawang taon nalang makakaalis narin sila sa school na ito. Makikita na nya ulit ang kanyang ama at ipapakilala na sya nito sa lahat bilang anak nito. Hindi na nya maiwasang mapangiti.

"Dad, konti nalang. Malapit na tayong magkita" napapangiting sabi nya sa isip.

A|N:
Trivinea pronounce as Tri-vi-ne-ya
Boudery pronounce as Ba-de-ri

Trivinea came from the word Trivia na nakita ko lang nung nagi scroll ako sa FB then I came up to a name Trivinea

While, Boudery came from the word buddy. Naisip ko lang kase na tawag sa kanya ng friend nya ay bud para friendly

Bloody Jail AcademyDär berättelser lever. Upptäck nu