7

16.4K 392 1
                                    


MALAYO pa si Miranda ay natanawan na siya ni Daniel. Naitanong ng binata sa sarili kung ano ang kailangan ng dalaga rito?

"Hi," bati ni Miranda matapos itali sa bakod na
kahoy si Ivory. '

Hindi lumingon si Daniel. Patuloy sa ginagawang paglalagay ng mga pagkain ng manok.

"Hi yourself," sagot nito na lumalakad patungo sa isa pang plastic na triyangulo na siyang pinagkukulungan ng mga tandang.

"Nag-aalaga ka pala ng mga sasabungin?"

"Ito ang naisip kong maaaring pagkakitaan mula nang matira ako rito. I breed and sell them. May iilan na rin akong customers."

Palakad-lakad si Miranda. Sinusundan ang bawat paglipat ng kulungan ng lalaki na marahil ay mayroong sampu na nakakalat sa bakuran.

"Bago ka napunta rito, ano ang trabaho mo, Daniel?" kaswal na usisa ng dalaga.

Tumayo nang tuwid si Daniel at hinarap siya sa unang pagkakataon. "Doing some research at ako ang subject?" sarkastikong tanong nito.

"You are not very friendly, are you?"

Nagkibit ng balikat ang lalaki. "Kanino ko utang ang pagdalaw mo?"

"I'm just being neighborly. Do you mind?"

Hindi ito sumagot sa halip ay ibinaba sa isang tabi ang mga patuka ng manok at nagpatiunang lumakad patungo sa likod-bahay.

"Halika, pumasok ka," anyaya nito na hindi lumingon.

Walang kibong sumunod ang dalaga. Sa may pinto ng kusina ay sumungaw si Aling Caring.

"Kumusta na po kayo, Nanay Caring," bati niya sa ina ni Aileen. "Galing po ako kay Aileen kahapon."

Ngumiti ang matandang babae. "Nabanggit nga sa akin ni Aileen pag-uwi ko noong gabi. Mabuti naman at napasyal ka."

Bago pa nakasagot si Miranda ay nagsalita si Daniel. "Paki-dalhan nga ho ninyo kami ng maiinom, Aling Caring," wika nito bago tuluyang pumasok sa sala.

Sumunod si Miranda. Wala sa loob na dinadampot ang mga knick-knacks na naka-display. Tinitingnan at muli ring ilalapag. Nakasunod lang ng tingin si Daniel sa kanya.

"Alam mo bang ngayon lang ako nakapunta rito?" aniya habang iginagala ang mga mata sa loob ng kabahayan. Tulad sa villa ay malalaking narra ang wall panelling. Pero moderno ang pagkaka-disenyo ng villa dahil ipinaayos ito ng mommy niya noon.

Ang bahay ng mga Aragon ay nanatiling hindi
binago ang ayos. Maliban marahil sa pinalitan ang
mga sirang bubong at dingding. Antigo ang mga
kasangkapan.

"Siguro nga," maikling sagot ni Daniel sa sinabi niya.

Nang may mapagtuunan ng pansin ang dalaga sa estante. Dinampot niya ito. "Medical Encyclopedia. Nagbabasa ka ba nito?"

"I read almost everything na makapupukaw sa interest ko."

"Binili mo ito kung gayon?" patuloy ng dalaga na binubuklat ang aklat.

"Wala bang nakapagsabi sa iyong isang chemical engineer ang Tiyo Celso sa isang malaking drug company?" matabang na sagot ng lalaki.

Tumango-tango siya. Iyon nga pala ang trabaho ng tiyo nito. Lumakad si Daniel patungo sa malaking pinto. Binuksan ito at tumambad ang maluwang na terasa.

Nilingon nito ang papasok na si Aling Caring. "Dito na sa terasa ninyo ilapag iyan, Aling Caring."

Inilapag ng matanda ang tray ng juice at cookies sa mesang rattan at muling pumasok sa loob.

Naupo ang dalaga. Si Daniel ay nanatiling nakasandal sa barandilya.

"Hindi ka ba naiinip dito sa rancho, Daniel?" Rancho na rin ang sinabi niya dahil ang lupang kinatitirikan ng bahay ng mga Aragon ay napa-paligiran ng rancho.

"Marami akong pinagkakaabalahan," pormal nitong tugon. Walang ekspresyon ang mukhang nakatitig lang sa dalaga.

"Hindi mo ba nami-miss ang city life lalo na at ang sabi ng papa ay matagal kang nanirahan sa Amerika?"

Nag-alis ng bara ng lalamunan ang lalaki. "Sarili kong desisyon ang dito manirahan."

"To heal wounds?" banayad niyang tanong.

Noon lang nagbago ang ekspresyon ni Daniel. Nagsalubong ang mga kilay nito. "Hindi ko gustong pag-usapan ang tungkol sa personal kong buhay, Miranda," may himig ng warning ang tinig nito.

"Mas madaling nalilimutan ang mapait na alaala, Daniel, kung ishi-share sa iba."

"At paano mo nalamang gusto kong kalimutan ang alaala?" patuya at pagalit nitong tanong.

Bahagyang nasaktan ang dalaga roon. Kung bakit, hindi niya alam. Ganoon marahil kamahal ni Daniel ang asawang namayapa at hindi gustong lumimot.

Hindi maunawaan ni Daniel ang nakita sa mukhang iyon ni Miranda na iglap ding nawala. Sinundan nito ang sinabi.

"At paano mong nasasabi iyan. Naranasan mo na bang masaktan?"

Huminga nang malalim si Miranda. "I was very young when my mother died."

Sandaling nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Daniel sa lungkot ng tinig at mukha ni Miranda.

"Puwede mong ikuwento ang sakit na nadama mo sa pagkawala ng mommy mo and I will listen." Naroon ang sympathy sa tinig nito.

Tumayo ang dalaga at ngumiti. "Di huwag na lang tayong mag-usap ng mga malulungkot na bagay."

Sa tingin ni Daniel ay muling nagliwanag sa ngiting iyon ang paligid. Agad nitong ibinaling sa iba ang tingin.

"Kung gusto mo, samahan mo na lang akong mag-picnic bukas. Maligo tayo sa sapa at doon na rin tayo kumain," anyaya niya na sumandal sa poste ng barandilya.

"Wala akong panahon sa linggong ito, Miranda. Marami akong inaasikaso."

Kahit nakadama ng disappointment ang dalaga ay hindi nagpahalata.

"Oh well, siguro sa ibang pagkakataon. I'll be staying the whole semestral break, Daniel. Gusto ko namang maiba ang bakasyon ko ngayon," malambing niyang sinabi bago sinabayan ng lakad patungo sa isang baytang na hagdang bato. "Thank you. Dito na ako dadaan. Pakisabi kay Nanay Caring na tutuloy na ako."

Tumango ang lalaki na sinundan ng tanaw ang dalaga na umikot sa kinalalagyan ng kabayo.

Damn you, Miranda Alcaraz!

Pabagsak na naupo sa upuang rattan si Daniel. Ano ang ginagawa ng babaeng iyon dito? Hindi ba sapat na naligalig siya nito sa sapa? Bakit kailangang may followup?

Ni hindi nga niya gustong aminin sa sariling he ached hard along sa gabing nagdaan habang naiisip niya ito.

Ipagpapalit niya ang lahat if only Miranda could fill that damn empty bed with him. But just the thought of it is pure lunacy!

Halos isang taon nang namamatay si Sally at minsan man ay hindi siya nagkaroon ng interest sa ibang babae. At minsan man, sa loob ng maraming mga taon ng buhay niya ay walang babaeng nakapagpaligalig sa kanya nang ganito. And aching for Miranda wouldn't do him a bit of good.

Unang pagkakataon pa lamang na marinig niya ang pangalan nito ay bumangon na ang kuryosidad niya sa dibdib. And seeing her twice did not end the curiosity.

Sana'y madaling lumipas ang mga araw at matapos ang bakasyon ng babaeng iyon sa rancho. Marahil kung nasa Maynila na ito'y muling magbabalik sa normal ang takbo ng pag-iisip niya.

Mga Latay ng Pag-ibig (COMPLETED)Where stories live. Discover now