Niyakap ko ang mga tuhod ko at saka dun sinubsob ang aking mukha kasabay ng marahan na pagihip ng hangin. Tahimik ang buong paligid at ang ramdam ko ang lamig na hatid ng hangin.

"A-alam niyo po ba, nagpakita na sa akin ang t-tunay kong I-ina?"-suminghot ako para pigilan ang nagbabadyang luha sa aking mata. "P-pa...sa tingin mo po ba matatanggap ko pa siya? P-paano niya nagawang pabayaan na lang ako sa tagal ng panahon? P-paano ko siya magagawang tanggapin kung siya ang unang tumalikod sa akin? Naguguluhan na ako, pa. Tulungan mo naman ako oh. Hirap na hirap na ako..."-tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko. Tahimik akong umiyak sa harapan ng lapida ni papa.

Pagkatapos ng ilang minutong pag iyak, nagawa ko ng patahanin ang sarili ko. At saka lang may pumasok sa isip kong gusto kong sabihin din sa kanya.

"Alam niyo po bang may nakilala akong lalake na sobra kung inisin ako? Sa tuwing nakikita ko siya, kumukulo ang dugo ko. Naiinis ako sa kayabangan at ka arogantehan niya."-saka ako natawa ng tuluyan.

Kapag kase naaalala ko ang mga nangyare sa amin noong kakakilala pa lang namin, hindi ko mapigilang matawa. Malinaw padin sa alaala ko ang mga bangayan at awayan namin noon.

"Pero alam mo ba pa, sa lahat ng taong gustong manatili sa tabi ko ay siya pa ang gumawa. Sa taong kinaiinisan ko pa talaga. Kapag may problema ako, siya palagi ang kasama ko. Kapag kailangan ko ng makakausap, siya ang dumadating. Bakit kaya ganun? Sa oras na kailangan ko ng kasangga, dadating naman yung taong hindi ko inaasahan."-natahimik ako ng Ilang segundo at saka tiningala ang mga dahon ng punong sinasayaw ng hangin.

Kailan ba nagsimulang iparamdam sa akin ni khanz na hindi ako nag iisa?

Simula nung pumunta kami sa cafe resto. Hindi man niya sabihin pero alam kong dinala niya ako dun para pagaanin ang loob ko ng malaman kong may girlfriend na si zad. Hindi din niya ako iniwan noong nalaman ko ang totoo kong nanay. Alam kong nag aalala siya kahit di niya sabihin.

Lahat ng yun, lahat ng ginawa niya sa akin ay hinding hindi ko malilimutan. Dahil siya ang nagbigay sa akin ng totoong kahulugan ng 'saya'.

Si khanz lang talaga at wala ng iba...

Wala sa sariling napangiti ako sa harapan ng puntod ni papa.

"Na late na ba ako?"-gulat akong napalingon sa aking likuran ng may marinig akong nagsalita.

"M-ma?"-gulat kong naisatinig habang may nagtatakang tingin.

Anong ginagawa niya dito? Akala ko hindi niya dadalawin si papa? Nasaan sina hans at emman?

Ngumiti siya ng tipid sa akin kaya nagulat ako ng husto. Ngayon lang niya ako nginitian ng ganun. Totoo at walang halong inis o anuman.

Umupo siya ng marahan sa tabi ko at saka tahimik na pinagmasdan ang ang lapida ni papa. Kita ko sa kangyang mata ang labis na lungkot at pangungulila.

Habang ako ay nakatingin padin sa kanya. Naguguluhan.

"Ahli..."-tawag niya sa pangalan ko at saka dahan dahang tumingin ng deretso sa aking mata.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Naguguluhan ngunit may konting saya ang aking nararamdaman.

Masaya ako dahil naisipan na ni mama na dalawin si papa. At masaya ako dahil kinakausap na niya ako ng maayos. Sa tingin ko unti unti ng bumabalik ang pagsasamahan namin.

Nakangiti niyang hinawakan ang buhok ko at marahang hinaplo-haplos. Lalong gumaan ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko nananaginip ako. Hindi ako makapaniwala na ngayong araw, nagagawa ko ng makausap ng maayos si mama. Nagagawa ko na siyang lapitan ng hindi nagaalinlangan.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now