"Mabuti naman at ayos ka, iniinom mo ba ang mga gamot mo? Ano ba ang mga iniisip mo bakit masyado naman ata napapadalas iyan."

Sinulyapan ko siya.

"I don't know too baby, I always take my meds. Bukod sa problema ko sa ama ko ay ikaw lang naman ang problema ko no'n pero ayos naman na ako ngayon. Hindi ko rin naman alam na lalabas si Zam. I didn't mean to ruined our date, I am sorry," pahina nang pahina ang kaniyang boses.

"Ayos lang 'yon. Nag-enjoy naman ako alagaan ka kahapon."

Nakita ko kung paano siya ngumuso na parang bata sa balikat ko kaya natawa ako."But it's not me."

"Ikaw pa rin 'yon. Katawan mo pa rin 'yon."

Sasagot pa sana siya ng pumasok bigla si Uno, mukhang nagulat pa siya sa pwesto namin ni Zayn kaya kaagad akong tumayo.

"Wow, ang aga naman." Humalakhak pa si Uno.

"Now, you ruined my moment. Thank you very much Uno," sarkastikong usl ni Zayn. Padabog pa siyang tumayo at hinawakan ako sa beywang.

"Welcome bestfriend. May almusal na ba kayo? Nagugutom ako." nagpauna pang maglakad si Uno papuntang kusina.

"Puro ka kasi lollipop."

"Kumakalma at nakakapag-isip ako kapag may matamis e."

Nang makapasok kami sa kusina ay nakahain na. Sabay-sabay kaming nag-almusal apat. Parang normal lang, nag-aasaran pa rin si Uno at Zayn samantalang si Mat ay nakikitawa lang.

Nang matapos kumain ay nauna akong umakyat sa kwarto. Nang icheck ko ang phone ko ay sandamakmak na tawag galing sa hindi kilalang numero at kay Daddy.

Bakit naman kaya tatawag si daddy? Ano na naman kaya ang ipapagawa niya?

Bumuntonghininga ako bago pumunta sa veranda ng kwarto ni Zayn at doon tinawagan si Dad.

"Hello? Dad. G-Good morning."

"What are you doing? I called you more than five!" inis na wika ni Daddy.

Pinasadahan ko ng tingin ang buong bakuran ni Zayn. Ni hindi man lang bumati ng good morning, hindi man lang kamustahin ang anak.

"I-I'm sorry dad. I left my phone on Zayn's room. Bakit po kayo tumawag?"

Sandali siyang natahimik. "Zayn? Mr. Coster?"

"Yes dad, Mr. Coster. Quvenzhane. My fiancé."

"Why are you there?"

Hindi ko alam pero natawa ako. Dahil sa tono ng boses niya ay parang ayaw niya ng ginagawa ko samantalang siya nga 'to noon na halos ipaglandakan na ang anak sa lalaki para sa utang niya.

"I'm taking care of my fiancé dad, like what you want, right?" sarkastikong wika ko kaagad ko rin na binawi. "Sorry dad."

"Let's meet," matigas na usal niya.

"Kailan dad?"

"Ngayon," binigay ni dad ang pangalan ng restaurant bago patayin ang tawag.

Napailing ako, ano na naman kayang problema ni Dad? Ano pa bang dapat kong gawin?

Hindi pa ako nakakabawi ng may brasong pumalupot sa aking beywang. Napapikit ako nang halikan ni Zayn ang buhok ko bago ipatong ang kaniyang braso sa railings.

"K-Kanina ka pa dyan?"

"Hmm." Naramdaman kong tumango siya.

Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko. Iyon na naman ang kabog ng dibdib ko dahil sa mga kilos niya.

"Pinapapunta ka doon sa Daddy mo?" tanong niya.

"Oo, may sasabihin daw siya."

Naramdaman kong nilingon niya ako dahil sa paggalaw ng baba niya. "Samahan kita?"

"Hindi na, kaya ko na."

"Are you sure? Wala naman akong gagawin dito. Natapos ko na kahapon 'yong mga dapat kong pirmahan."

Dinampian niya ng halik ang tainga ko, napangiti ako roon. "Sure ako, ako na lang baka hindi makapagsalita ang daddy ko kapag nandoon ka," biro ko.

Nang lumingon ako sa kaniya ay halos magtama na ang aming labi sa sobrang lapit.

Humarap ako sa kaniya habang nakakulong pa rin sa mga braso niya, ako na mismo ang humalik sa kaniya.

Naramdaman kong nanigas siya at nanlaki ang mata niya sa ginawa ko. Hindi ko maiwasan mapangiti bago marahan at masuyo siyang halikan ulit sa labi. Sinapo ko ang kaniyang pisngi.

"Damn baby!" bulong niya ng maghiwalay ang aming labi sandali.

Hinawakan niya ang beywang ko at napahiyaw ako nang paupuin niya ako sa railings ng teresa niya.

Napakapit ako sa balikat niya.

"Z-Zayn b-baka ma-mahulog ako!"

Ipinalupot niya ang braso sa beywang ko. "Trust me," wika niya bago ako halikan ulit.

Napapikit at kapit na lang ako sa kaniya. Nararamdaman kong nanggigil siya dahil bahagya niyang pinipisil-pisil ang balakang ko at kinakagat ang aking ibabang labi.

Nang makuntento ay siya mismo ang tumigil saka pinag-dikit ang aming noo.

"Gusto na kitang pakasalan."

"Hmm," tanging sagot ko.

"Not only for business, I want to officially call you my wife," malakas siyang bumuntonghininga. "Saka kapag nangyari iyon, ililipat ko lahat ng ari-arian ko sa pangalan mo, isa rin 'yon sa mga dahilan ko," pag-aamin niya.

"Z-Zyan..." hindi ako makapaniwala sa sinabi niya, sa akin bakit?

"Just in case something bad will happen to me, I know that everything I worked hard is in good hands.

"Don't say that," sikmat ko.

Hinimas niya ang aking braso. "Mahal na mahal kita."

Napapikit ako nang ilapat niya ulit ang malambot na labi sa aking labi.

"I love you too, Zayn."




***

14 chapters pa! Trivia: May magkapatid, ang tanong sino?

The Beast He BecameWhere stories live. Discover now