Tsk. Killjoy.

Nang makita niya ako ay sinundan niya ako ng tingin habang may kausap pa rin. Pinaglalaruan pa niya ang kaniyang ibabang labi habang ngingisi-ngisi sa akin.

Tsk, weird talaga ng lalaki na ito. Minsan iyakin tapos ngayon namamanyak ata.

Hindi ko siya pinansin.

Dumeretsyo ako sa labas. Naabutan ko ang maraming katulong na naglilinis, siguro ay maaga silang pumunta, bahagyang yumuko si Mat nang makita ako.

Bahagya kong pinasadahan ng tingin ang hawak niyang phone na binaba niya nang makita ako sa hagdanan.

Sino bang lagi mong kausap Mat?

Imbes na itanong ay tipid akong ngumiti. "Good morning."

"Good morning Miss Trios." Yumuko pa siya.

"Anong sabi ng babae kagabi?"

Nakita kong natigilan siya sa tanong ko bago naging blanko ang mukha. "Wala naman, nagkamali lang siguro."

Liar!

Tumango-tango ako. "Ah, gano'n ba? Sige. Butler Mat pababa na rin si Zayn pasabi na lang sa mga maid na ihain na 'yong agahan niya hindi naman siya nakakain nang maayos kagabi."

Nang makaalis si Mat ay mabilis akong umupo sa sofa at kinuha ang phone niyang nasa itaas ng lamesa.

"Shit!" mahinang usal ko nang makitang clear lahat ng history pati calls.

Wala masyadong app. Pati messages ay cleared.

Kaagad kong ibinaba ang phone ni Mat nang makita kong pababa si Zayn.

Nang tumapat siya sa harap ko ay inilahad niya ang kamay sa akin. Tinanggap ko naman iyon, hinalikan niya ang likod nito.

"Good morning, my baby."

Napangiwi ako. "Ano bang nangyari at ang hyper mo naman ata ngayon?" nagtatakang tanong ko.

Ngumiti lang siya sa akin.

"Namiss kita."

"Magkasama pa lang kaya tayo kahapon."

"Pero hindi naman ako 'yon. Si Zam iyon."

Bigla kong naalala ang kahapon. "Ano bang nangyari bakit lumabas si Zam?"

Umupo siya sa tabi ko, tinapik niya ang hita niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Come on, Lauren. I want you close to me. Sit on my lap baby," malambing na wika niya.

Bahagya kong inilibot ang paningin ko sa mga katulong na dumadaan-daan lang. Nakakahiya!

Hinawakan ni Zayn ang aking braso bago ako marahan na paupuin sa kaniyang hita. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.

Sobrang lakas ng kabog ng puso ko, pakiramdam ko ay nagsi-taasan lahat ng buhok ko sa batok. Bagay na kay Zayn ko lang nararamdaman.

"Whats your question again baby?" tanong niya. Nakayakap ang braso niya sa beywang ko.

"S-Sabi ko paano lumabas si Zam?"

"Nasa banyo ako, ahm. Nakakita ako ng bata na pinapalo ng tatay niya sa restroom. Nagdilim 'yong paningin ko, bago ko pa masapak 'yong tatay pumasok na ako sa isang cubicle at naupo. Iyon na ang huli kong natatandaan, nagising ako madaling araw katabi na kita sa kama."

Nilagay niya ang baba sa balikat ko.

So that triggered him, triggered Zam to came out. Baka naalala niya noong pinapalo siya ng ama niya?

The Beast He BecameWhere stories live. Discover now