Narinig kong medyo palayo na sila, mabilis akong sumilip sa bintana nakita kong hila-hila ni Mat ang ginang palabas ng gate. Nanlaki ang aking mata nang tumama ng palad nito sa pisngi ni Mat.

Hindi ko na marinig ang usapan nila dahil medyo malayo na sila pero kitang-kita ko ang galit sa mukha ni Mat.

Nang makita kong pabalik na si Mat ng bahay ay mabilis akong umakyat sa kwarto ni Zam.

Napahawak ako tapat ng aking dibdib. Kinabahan ako at naguluhan ako. Iyon ang ina ko? Saka kung mag-usap sila ni Mat ay parang matagal na silang magkakilala.

Marami talaga akong dapat alamin. Masyadong magulo. Hindi ko mapagtagpi-tagpi ang mga nalalaman ko, kapag ba bumalik si Zayn ay sasabihin ko sa kaniya? Paano kung mas makadagdag lang iyon sa alalahanin niya. Iyon ang ayaw kong mangyari.

Nilock ko ang pinto bago dahan-dahan tumabi ng higa kay Zayn. Balak ko sana ay magpahinga lang ako sandali at uuwi na ako ng condo pero hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

Nagising ako kinabukasan ay para kaming tanga ni Zayn sa higaan. Ang aking binti ay naka-patong sa kaniyang leeg habang yakap-yakap ko naman ang binti niya. Nabaliktad kami ng higa.

Kaagad akong napabalikwas pagmulat ko ng mata.

"U-Umaga na?!" gulat ko pang tanong nang makita ang liwanag galing sa bintana.

Naihilamos ko ang aking palad sa aking mukha. Sobrang dami nangyari kahapon at sobra pagod ko ay nakatulog na ako.

"Baby."

Napaigtad ako nang iyakap ni Zayn ang braso sa aking beywang habang nakaupo ako sa kama at siya ay nakahiga pa rin, ahagya pa siyang sumiksik sa tagiliran ko.

Marahan ko naman itinulak ang kaniyang braso.

"Zayn?"

"Mmm?" sagot niya.

Nakahinga nang maluwag dahil bumalik na siya. Hinimas ko ang buhok niya gamit ang aking daliri, hindi ko alam kung ilang minuto kaming nasa gano'n sitwasyon ng umangat ang kamay niya at walang modong nilamas ang kanan kong dibdib.

Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.

"Zayn what the hell are you doing?!" sigaw ko.

Nagtama ang aming mata.

"Exercising your boobs, baby."

Napanganga ako sa sinabi niya bago ko siya sinipa sa tiyan dahilan para mahulog siya sa kama.

"Aw! Fuck!" sigaw niya kasunod ng kalabog niya sa sahig.

"Bagay yan sa'yo! Ang aga-aga minamanyak mo ko!" sigaw ko sa kaniya.

Sapo ang tiyan na umakyat siya kama. Mabilis naman umalis ako at inayos ang sarili ko bago siya sinamaan ng tingin.

Hindi naman ganito si Zayn? Iniinis ako no'n pero hindi ko alam na ganyan niya sa kamanyak.

"Baby come on! Let's both exercise! Squat on my hips! I'll push up while you are beneath me," pang-aasar niya.

Mabilis ang kamay na dinampot ko ang pinaka malapit na gamit at binato sa kanya na mabilis naman niyang nasapo.

"Woy! Baby vase 'to!"

"Alam ko!"

"Bakit ba nagagalit ka? Hindi mo ba ako namiss? Hindi natuloy ang date natin kahapon. Naglalambing lang naman ako," nakangusong aniya.

Napailing ako bago dumeretsyo sa banyo.

Naglinis ako ng katawan bago lumabas, naabutan ko naman siyang may kausap sa cephone. Boxer na lang ang suot niya, hindi na niya suot ang cute na pajama kagabi.

The Beast He BecameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon