Shattered Memories - Chapter 34

Start from the beginning
                                    

"What about my right to the child? Our child! Anak ko 'to, Ishi. Robert took you from me, I will not let him take my child either."

"Wala siyang kinuha sa'yo," pagtatama niya. "Damian will always be your son. Pero gusto ni Robert na siya ang tatayong ama. You can always see our baby—"

"No! Bakit, dahil pinatay niya ang sarili niyong anak kaya niya aangkinin ang sa atin?!"

"Delvert, please. 'Wag mo na pahirapin ang situwasyon. Mainit na ang dugo sa'yo ni Robert. Ang totoo n'yan ay ayaw nga niya akong makipagkita sa'yo. He wants to kill you, he's serious about it. I want you no harm, not because I still love you. But because I value you as a friend! Namilit lang ako! Because I want you to meet your son... and because I want to say goodbye too."

"Why not leave him? Magsimula tayo ni Damian ng pamilya natin. Iwanan mo na ang lalaking iyon! Mangibang-bansa tayo, malayo sa tarantadong iyon!"

"I-I can't. Mahal ko 'yung tao Delvert."

Mapait na napatawa si Delvert. His eyes reflected sadness and disappointment. "I loved you, Ishi. I honestly did."

"I loved you too," she responded with a forced, small smile. "Pero tapos na tayo. I'm so sorry. I am really, really sorry."

"Talaga bang siya na ang pinipili mo?" Hope was in his eyes. "You can still choose me. Gagawa tayo ng paraan."

She took his hand then gave it a squeeze. "Hindi, Delvert. Si Robert na talaga. Mabubuhay ako kasama niya bilang asawa niya."

"Is it really a 'no'?"

Umiling siya. "No."

Pilit na ngumiti si Delvert. "I can't believe I lost in this." He sighed deeply. "Bakit ba kasi ang ganda-ganda mo? Ipinaglaban pa tuloy kita kahit alam kong matatalo ako." Muli itong napabuntung-hininga. "Give me a final hug, please."

Yumakap siya sa lalaki. Ipinikit niya ang mga mata nang maramdaman ang mga braso nitong pumalupot din sa kanyang katawan. "Salamat sa lahat. Kahit naging magulo ang lahat sa pagitan natin, ikaw pa rin naman ang naging lakas ko noong mga panahong hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Thank you for every good thing you had done for me." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito para hulihin ang tingin. "Siguro nga natukso lang tayo sa isa't isa. But I'd like to think that Damian was made out of love, not made out of a lustful mistake. He was the product of our old infatuation we felt for each other a long time ago. Salamat sa ibinigay mong pagmamahal sa akin. I regret nothing about what happened between us. I've been a mess. We've been a mess... but you gave me Damian, so thank you. Thank you for the memories. Pasensya na rin sa mga ginawa ni Robert sa'yo." Kinintalan niya ng maliit na halik sa noo ang lalaki. "Paalam na, Delvert. This is goodbye."

Ginagap ni Delvert ang kanyang mga kamay. "Is this really goodbye?"

"Yes."

He exhaled exaggeratedly. "I really don't want to do this. But it seems like I don't have any choice. I am letting you go. I have to."

Binigyan niya ng magaan na tapik sa balikat si Delvert. "Thank you for everything. I hope one day, you will find the right woman for you."

"Yeah... I do hope that I find someone who will stay with me until I grow old." Binuksan nito ang pinto. "Balikan mo na si Robert. Ang tagal na nating magkasama, baka mamaya magselos na naman 'yon at kung ano na naman ang gawin sa akin. I only have on thing to ask, Ishi."

"Ano 'yon?"

"Alagaan mong mabuti ang anak natin," aniya na may ngiti sa mga labi.

She nodded. "Mag-iingat ka palagi, Delvert."

Shattered Memories [R-18] [Completed]Where stories live. Discover now