Chapter 22 : Solid

Start from the beginning
                                    

Kalaunan, dumating ang isang grupo ng mga lalake. Namumukhaan ko na sila dahil mga regular sila sa club.

"What can I get you?" I asked.

"How about you? Are you available?" one of the guys said and all of them cheered. Mga bwisit. 

Gaya ng dati, hindi ko ulit sila pinansin. Kung magpapaapekto ako, talo ako.  

Tinalikuran ko sila at nilinis na lamang ang mga counter. Narinig kong sumpol ang isa sa kanila kaya nagbingi-bingihan na ako. Lakas mambastos, patunay na wala itong puwang sa mundo.

"Who lives in a pineapple under the sea?" Sumigaw ang isa sa kanila at nagtawanan naman sila. Halatang ang mata ko ang puntirya.

"Hey, Pirate! Can we see your treasure chest?" bulalas ng isa sa kanila at mas lalo pa silang nagtawanan.

Parang naputol ang natitirang hibla ng pasensya ko. Umikot ako at humarap sa kanila pero bago ko pa man sila mapagbantaan, bigla na lamang sumulpot si Cohen habang may hawak na isang baso ng alak. 

"Saya natin ah?" Nakangisi nitong hinarap ang mga lalake. Cohen looks so intimidating with his arrogant stance and piercings, idagdag pa ang red leather jacket nitong mas makintab pa sa sahig.

Sa isang iglap ay huminto sa pagtatawanan ang mga ito. Parang natakot bigla kay Cohen.

"Oh? Ba't kayo natahimik?" Humalakhak si Cohen at inubos ang inumin niya at padabog itong binagsak sa counter.

"O-oorder kami," nauutal namang sambit ng isa.

"Then go order, after you apologize to my employee," Cohen said firmly, this time wala na ang ngisi sa mukha niya.

Nagulat ako nang nag-sorry talaga ang mga ito sa akin at agad na umalis na parang takot na takot. Hindi ako makapaniwala sa nangyari pero mas lalo akong hindi makapaniwala na tinulungan ako ni Cohen. 

"You okay?" he asked.

"I have a black eye after being elbowed," paalala ko kaya tumawa siya at naupo sa tapat ko.

Alam ko na kung ano ang paboritong inumin ni Cohen kaya hinanda ko na agad ito para sa kanya. Tumawa naman siya at umiling-iling.

"You really are one of my best employees," aniya.

"Flattery will get you nowhere, Lorenzo," I reminded him.

"How about a date? I saved you after all?" paalala niya sabay ngisi.

Malakas kong inilapag ang inumin sa tapat niya. "Try harder. You're not fooling me with that one."

"What?" he asked, playing dumb.

"The jig is up, don't even try," I said firmly.

He was silent for a few moments until all of a sudden, he let out a loud chuckle and picked up the drink I gave him. "Damn it, Silverianne. What gave it away?"

"Those guys you hired to mess with me, regulars sila rito sa club. Yes, they're not the kindest but they never harassed me because they were always scared of me. Give it up Cohen, hindi kita papatulan," I said with my head held high while looking straight to his eyes.

"You can't be angry at a guy for trying." He shrugged. "Tell me, Silverianne. What would it take for you to--"

"Everything okay here?"

Kapwa kami natigilan nang bigla na lamang sumulpot si Jethro at naupo sa tabi ni Cohen. Ngumisi naman si Cohen at tinitigan ang basong hawak niya at saka ito nilagok.

Jethro looked at me like he wanted me to answer his question kaya tumango ako.

"Mukhang para talaga kayo sa isa't isa." I heard Cohen sigh as he placed the now-empty glass on the counter. Tumayo siya at ngumisi sa akin.

When the bridge fallsWhere stories live. Discover now