7. "That will Never Ever Ever Happen"

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ito tumugon ngunit naglakad nang palapit sa gate. Sinipat ang hawak niyang kahon. "Anong flavor niyan?" Tanong nitong nakahalukipkip pa rin. Taas ang noo.

"Er— black forest. Wala pang bawas 'to."

"Mabuti naman, dahil hindi ako tumatanggap ng tira-tira," mataray na saad nito. "Akin na nga..." Anitong inilahad na ang kamay.

Bahagyang iniurong ni Brie ang kamay. "Sandali... Papasukin mo muna 'ko, siyempre. Makikisabay rin ako. Hindi pa 'ko nag-d-dessert."

"Nagbigay ka pa kung makikihati ka rin lang naman."

" 'Di ba nga sabi nila, sharing is caring. Saka, peace-offering 'to eh. Kaya kung tatanggapin mo, dapat papasukin mo na 'ko diyan," pagdadahilan ni Brie.

"Ano 'to blackmail?" Anitong muling napahalukipkip.

"Ipinaglalaban ko lang ang tama," pagrarason ni Brie.

"Sana nag-abogado ka na lang sa galing mong mag-rason." Inalis na nito sa pagkaka-lock ang gate. "Pasalamat ka at humupa na ang galit ko sa 'yo."

"Ang sabihin mo, matakaw ka lang...." Wika naman ni Brie na nangingiti.

Biglang itinigil ni Lorraine ang pagbubukas ng gate at tinaliman siya ng tingin. "Nagbago na pala'ng isip ko."

"U-Uy, sandali... Sandali lang naman... Ikaw talaga, 'di ka na mabiro," malumanay niyang wika dito.

Asar na tuluyan na nitong binuksan ang gate. "Umayos ka, ha. Kundi, sisipain kitang palabas," banta nito.

Itinaas ni Brie ang kanang-kamay at nag-krus pa sa dibdib. "Opo, ma'am. Promise."

Inismiran siya nito. "Umupo ka muna diyan. Kukuha muna ako ng mga platito't tinidor," medyo impolite nitong sabi.

May mesa at dalawang pahabang upuan na naroon sa hardin. Ipinatong na ni Brie ang dala roon at sinundan ng tingin si Lorraine na pumasok muli sa bahay.

Tatlong-minuto ang lumipas ay lumabas na itong may dalang dalawang pares ng platito at tinidor. May cutting knife din at tubig na pawang mga nakasilid sa tray.

Ito na rin ang nag-slice ng cake at naglagay sa dalawang platito.

"Matanong ko lang... Wala ka bang trabaho? Parang hindi kita nakikitang umaalis," si Brie matapos sumubo ng maliit na portion ng cake.

"Hinihintay ko lang na maaprubahan ang recommendation ko diyan sa malapit na private school."

Biglang napaangat ng mga mata dito si Brie. "Teacher ka?" Maang niyang tanong.

"Oo. Pre-school."

"Hindi nga?" Bakas ang pagkamangha sa boses ni Brie, "sa pagkamainitin ng ulo mo na 'yan, magtuturo ka sa makukulit na bata?"

Ibinaba ni Lorraine ang tinidor at hinarap siya. "FYI lang, sa 'yo lang umiinit ang ulo ko. At may dalawang taon na rin akong experience sa pagtuturo," anito at bumalik muli sa pagsubo ng cake.

"Amazing.... Earth," amused na turan ni Brie.

"Sira. Bakit, nakakagulat ba 'yon?"

"Oo. Nakakagulat talaga. To the highest level. Maniniwala pa 'ko kung sasabihin mong barker ka ng jeep."

Natampal siya sa braso ni Lorraine. "Mukha ba 'kong barker ng jeep?? Kung batukan kaya kita? Nagsisimula ka na naman, ha," asar nitong saad.

Bahagyang natawa si Brie. "Lagi ka kasing hot. Puwede bang paminsan-minsan, mag-cool-down ka din?"

Iwinagayway ni Lorraine ang tinidor na hawak. "Alam mo... Hindi ko nga alam eh... Pero lagi akong naiinis sa 'yo. Iyon bang kapag nakikita kita, parang gusto na kitang batuhin ng tsinelas. Siguro sa past life natin, mortal enemy kita."

"Grabe siya... Hindi naman kaya in-love ka na sa 'kin? Pinagtatakpan mo lang."

"Hoy..." Dinuro siya ng tinidor ni Lorraine, "that will never, ever, ever, happen. Tandaan mo 'yan," kumpiyansa nitong wika at sumubo ulit.

" 'Oy... Masamang magsalita ng tapos. Baka kainin mo 'yan," tudyo niya rito.

"Bakit parang nag-a-assume ka? May gusto ka na sa 'kin, 'no?"

"Hoy..." Ginaya ni Brie ang porma at pagsasalita ni Lorraine kanina, "that will never, ever, ever, happen. Tandaan mo 'yan."

Nagkatawanan sila.

"Whoa!" Si Brie na parang amaze na amaze, "napatawa kita! Napatawa na din kita sa wakas. Yes!" Aniyang napatayo pa at napasuntok pa ng kamay sa hangin.

Biglang naging blangko muli ang mukha ni Lorraine. "Ang OA mo lang, 'no."

Naupo nang muli si Brie. "Pa'no parang alien na alien ang ngiti sa mukha mo," aniya. "Pero hindi nga... Sigurado ka bang hindi ka mahuhulog sa kagandahan ko?" Panunukso pa niya dito.

Pinagtaasan siya nito ng kilay. "Ikaw ba, sigurado ka bang hindi ka mahuhulog sa alindog ko?" Hamon nito.

"Wow..." Medyo napapatawang turan ni Brie, "alindog talaga, ha? Sa'n banda?"

"Sus. Nag-d-deny ka pa. Eh, halos tumulo kaya ang laway mo nang una mo 'kong makita."

"Hoy... Sinong tumulo ang laway, ha? Bakit nakita mo ba? Nakatalikod ka kaya."

"Kita mo na. Kahit nakatalikod ako, nararamdaman ko 'yang manyak mong mga mata."

"Mukhang nag-enjoy ka naman yatang manyakin ko. Gusto mo ba?"

"Neknek mo!"




Straight-phobia (GirlXGirl)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon