"Aye, aye, captain," nangingiting saludo pa niya rito. Hah, success!

ALA-SIYETE ang naging usapan nina Brie at Lorraine na umalis.

Six-thirty pa lang ay bihis na si Brie. Daig pa niya ang pupunta sa kauna-unahan niyang date sa sobrang excitement. Ipinagpalagay niyang dahil iyon sa pagpayag ni Lorraine sa tinagal-tagal ng pangungulit niya.

"Sabi ko na... Mapapaamo din kita, Lagring," proud niyang wika sa sarili at binigyan ng huling sulyap sa salamin ang hitsura. Simpleng puting t-shirt at fitted jeans lang ang suot niya. Sa paa naman ay rubber shoes.

Ini-adjust niya ang salaming suot sa mata at nang ma-satisfy sa porma ay ngumiti at kumindat sa sarili. "Ganda mo talaga, Brielle."

Quarter to seven ay lumabas na siya ng bahay at nag-abang sa gate ni Lagring. Nag-doorbell siya ng tatlong beses upang ipaalam ang presensya.

Mga limang-minuto din bago ito lumabas.

Gumuhit ang humahangang ngiti sa labi niya nang mapagmasdan ang hitsura nito — fitted sando, maong na pantalon at hindi kataasang boots. Kahit simpleng damit ay napagmumukha nitong classy. Naka-bun naman ang mahaba at natural brown na buhok nito. Pero ang paborito niya ay ang may kaliitan nitong mukha na hindi yata siya magsasawang pagmasdan.

"You look gorgeous," puri niya rito. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang pamumula ng mukha nito.

"Whatever, weirdo," anitong nakairap at permanente na yata ang pagkakakunot ng noo. Siya naman ang pinagmasdan nito. "Para saan 'yong salamin? Malabo din ba ang mga mata mo?" tanong nito.

Nagkibit-balikat si Brie. "Pang-porma lang. Cute ba?"

Napaismid ito at bumulong ng kung ano. "Halika na nga. Umalis na tayo," ang sabi lang nito ng bumaling sa kanya.

"Okay, let's go..." Yakag ni Brie.

"Maglalakad tayo?" Tanong nito na parang tutol sa ideya.

Tumango si Brie. "Oo. Malapit lang naman 'yon... mga isang kilometro mahigit lang."

"Malapit lang ba 'yon?"

"Come on... Para makita mo rin ang kabuuan nitong lugar. Hindi kita nakikitang naglalalabas. Marami ngang taga-rito ang nagtatanong sa 'yo at gusto kang makilala," ani Brie.

"Paano kung ayokong makipagkilala?" Nakahalukipkip na turan nito.

Sandaling pinag-aralan ni Brie ang mukha nito. "May phobia ka ba sa tao, kaya ganyan ka na lang kasungit?" tanong niya.

"Phobia agad? Hindi ba puwedeng ayoko lang?" anito.

"Sungit mo talaga... pero halika na, umalis na tayo," ani Brie na nagpatiuna nang maglakad.

"Hoy! Hindi pa 'ko pumapayag 'no!" anito pero humabol din naman ng lakad.

"Halika na. Nakabihis ka na rin naman. Saka, kailangan mo ring maglibang para naman mabawasan ang pagka-high-blood mo."

"Hindi ako ma-h-high-blood kung hindi ka makulit!" anitong sinikap makasabay sa kanya. Mas matangkad siya dito at mas mahahaba din ang binti.

"At hindi ako mangungulit kung hindi ka masungit," balik naman niya dito.

"Wala kang magawa sa buhay mo, ano? Kaya ginugulo mo ang buhay ng mga nananahimik na tao."

"Nope. Actually, pinapasaya ko ang buhay ng mga taong loner at takot sa tao," pahaging niya.

Straight-phobia (GirlXGirl)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon