CHAPTER 65

13.4K 442 35
                                    

Hi my dear Readers, I want to say SORRY , really. I'm so sorry for taking so long for me to update. Super busy lang kasi talaga. *cross finger* Sunod sunod na po yung mga exam namin kasi nga finals na. Hindi ko magawang isingit to kasi everytime na nagtatry ako walang ibang laman yung isip ko kundi yung 'Gagawa pa ako ng script para sa short film ' 'May anim na video pa akong tatapusin' 'Kailangan ko pang aralin yung program' and etc etc! Sa sobrang dami hindi ko na alam yung uunahin ko. Bahala na and now,
Thankfully, madami na din akong natapos kaya nakahinga na talaga ako. Thanks God.
Kaya heto mag uupdate na po ako. Kasi ito talaga yung HINDI NAKAKABALIW isipin ^_^

And dyarann XD Your long wait is over.
Enjoy Reading !

(ZAYNAH POV)

Isang malakas na puwersa ang binigay niya sa pagsangga sa espada ko dahilan para mabitawan ko ito. Gumawa agad ako ng panibago na espada pero wala na siya sa tapat ko.
Mabilis na bumulusok paibaba ang tubig na nakaharang sa amin.

Sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng kaba. At hindi ko yun gusto.

Fuck ! Hindi ko siya maramdaman!
Inilibot ko ang paningin ko pero wala akong makita kahit ni anino niya !

Asan ka na ba?!!!
Napatingin ako sa ilalim ng tubig at mabilis na sumisid.
Sinubukan ko siyang hanapin sa madilim na parte ng karagatan.

Hanggang sa may natanaw ako. Mabilis akong lumangoy patungo dun at hindi nga ako nagkamali dahil siya nga yun.

Wala siyang malay !

Hinawakan ko siya agad sa kamay. Akmang lalangoy na ako pataas nang hinablot niya ako palapit sa kanya.

At niyakap ako..

Napatingin ako sa kanya na nakapikit pa rin. Siraulo. Pinakaba mo akong bwiset ka !!

Unti unti siyang nagmulat ng mata at sinalubong ang mga tingin ko. Saka siya ngumiti.

Nagawa mo pang ngumiti. Bwisit!

But that smile. It melts me. And my heart starts to pound fast. Damn. Ano ba tong pinaparamdam mo sakin Ace ?!

Mas humigpit ang naging yakap niya sakin pero hindi ko magawang magpumiglas. Hindi ko alam kung bakit.
Is it because I love this feeling?

Napatitig ako ulit sa kanya. And the next thing I knew.

His lips claimed mine.
He started to move his lips inside me.

Hindi ko magawang gumalaw. Damn it.

*Splaaaaaaaasssshhhh**

Agad akong napahiwalay sa kanya at napatingin sa ibabaw.
Napapikit ako sa hiya at napatingin sa kanya na pangisi ngisi na.

Hinawakan niya ako sa kamay at mabilis na lumangoy pataas.

"Pasensya sa istorbo haha! " natatawang usal ng lalaking kaharap namin ngayon.

Bwiset!

Pumitik siya sa ere kasabay nun ang pagbalik namin sa resthouse.

"Nice house!" Sabi niya at pasalampak na umupo sa sofa. At tumingin sa amin.

"Tsk tsk tsk, alam niyong nasa mundo kayo ng mortal pero nakuha niyo pang maglaro sa mismong gitna pa ng dagat ! Kitang kita pa ng tao! "

Napaismid ako sa ginawa niyang pagsesermon sa amin. Tss

"Natatakot na yung mga tao sa nakikita nila ! Nag iisip ba kayo o ano?!"

Napataas ang kilay ko sa ginawa niyang pagsigaw. Nanhihindik na nag iwas ito ng tingin sakin at napayuko.

MAGICZARD ACADEMY : THE HEARTLESS PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon