CHAPTER 57

13.7K 485 3
                                    

(HAYDEE POV)

Napatingala ako para pigilan ang pag iyak.
Nanatili pa rin akong nakatayo sa pinto.

Nagpakawala ako ng buntong hininga at tiningnan ulit siya na lumuluha ng tahimik pero nakangiti sakin. Parang tanga

Hindi ko na pinigilan pang umiyak at nagmadali akong tinalunan siya at niyakap.

I was sobbing really hard to the point that I can't breathe properly.
She's caressing my back to comfort me but I hear her cries too.

"Namiss kitang impakta ka ! Sabi ko na nga ba at hindi ikaw yun. Unang kita ko palang sa kanya alam kong hindi na ikaw yun kahit magkamukha talaga kayo ng sagad" umiiyak na sabi ko sa kanya.

"I'm sorry" umiiyak din na sabi niya habang nakayakap pa rin sakin



"Bat ka nagsosorry?"

"Kasi hindi ko sinabi sayo... Pero alam ko namang malalaman mo din"

" Oo! Pero loka ka ! Maloloka talaga ako kakaisip kung nasaang lupalop ka na ! Akala ko may natira pang Dark Shadows eh !"

Bahagyang natawa siya at kumalas na sa pagkakayakap. Pinunasan niya ang luha niya pati na din yun akin.

Bahagya akong natigilan nang maalala ko si Zaynah.
Agad kong nilingon ang pintuan pero nakasara na ito.

Kyaaaaaahh ! Putragis ka Haydee ! Kinalimutan mo si Zaynah ! Asan ba yun?!

Tatayo na sana ako para hanapin siya pero pinigilan ako ni Arriane. Saka ngumuso sa left side.
At ganun nalang ang gulat ko nang makitang andun na si Zaynah at tulog na tulog.
Napanguso ako. Kita mo tong babae na to . Hindi man lang nakijoin sa pagdadrama namin at nakuha pang matulog.

"Kumusta na siya?"  Nakangiting tanong niya sakin pero iba ang nakikita ko sa mga mata niya. Loneliness

Pero sino ang tinutukoy niya ?


"Si Ian ba? Ayun masaya sa kabit niya ! "

Napatakip ako sa bibig ko nang marealize ko ang sinabi ko. Huhu Jusko self. Kahit kailan ang atribida ng bibig mo.

Ngumiti siya ng malungkot. Nahahawa tuloy ako huhu. Hinawakan ko siya sa kamay at magsosorry na sana nang magsalita siya

"It's not him. But If he's happy then I guess she's happy too. Very happy "

Napatigil ako. Is she referring to that bitch?! So siya pala ang kinukumusta niya? Pero ako hindi man lang niya kinamusta !





"Are you mad at her?" Nakatungong tanong niya sakin. Parang maiiyak na siya. Sino ba kasi ang babaeng yun? Kambal niya?! Imposible! Life stealer pwede pa!


"Yes ! Kasi dapat ikaw ang nasa posisyon niya ! Uso na ba ngayon ang agawan nag buhay nang may buhay?! Ano bang klaseng pangbablackmail na ginawa ng babaeng yun sayo at nagpadala ka ?!" Inis sa sabi ko. Aba nagagalit na talaga ako ! Hindi ko kasi talaga maintindihan eh !


"Please don't be mad at her"

"And why?! At kita mo na ! Mas kinakampihan mo pa ang life stealer na yun!"

"No!! She's not! " umiiyak na sigaw niya sakin kaya natigilan ako.

"Kusa kong isinuko ang buhay ko para sa kanya. Para maging masaya siya."

Hindi ko na din napigilang maging emosyonal. Naiinis ako. Hindi ko siya maintindihan. Isinuko niya buhay niya ?! Ang kasiyahan niya?! Ang taong mahal niya dahil sa babaeng yun?! At ano parang maging masaya ito? Paano naman siya?! Magpapakalunod sa lungkot ganun?!


MAGICZARD ACADEMY : THE HEARTLESS PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon