CHAPTER 63

13.5K 501 13
                                    

(ZAYNAH POV)

Inis na dinurog ko ang bato na dahilan ng pagkakatalisod ko.
Pucha ang sakit eh. Nasprain pa ata ako !
Wala man lang akong kagalos galos nung nakipaglaban ako sa mga Dark Shadow pero king*na.

Sariling katangahan at
Bato lang pala ang katapat ko ! Kasalanan to ng pesteng lalaking yun eh ! Kung hindi ba naman kasi lapit ng lapit edi sana hindi ako aatras at hindi masasaktan dahil sa sariling katangahan. Bwesit.

Inis na tiningnan ko siya sa tabi na pangisi ngisi.
Sarap liyaban eh.

"Tulungan na kasi kita"

Hindi ko siya pinansin at inabot ko nalang yung paa ko na nasprain at ginamot.
After a minute, ginalaw galaw ko yung paa ko.
Buti nalang wala na.

Tumayo na ako at nagpagpag.
Nagpalinga linga ako. Hinahanap yung palatandaan.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Medyo malayo layo din pero natanaw ko na ang park. Palatandaan na malapit na ako.

Tahimik naman na sumusunod si Ace sakin..
Hanggang sa makarating na kami.

Tanging taghoy lang ng hangin at hampas ng alon ang naririnig ko.
Sobrang gandang pagmasdan yung dagat. Nagrereflect dun ang papalubog na araw.
Ito yung namiss ko. Yung bagay na gustong gusto kong gawin at pagmasdan.

Lumapit ako sa dalampasigan at umupo sa buhangin. Pinagmamasdan ang papalubog na araw.
Ramdam kong umupo rin siya sa tabi ko.


Hindi ko akalain na siya yung kasama ko ngayon

Naalala ko nun kapag pumupunta ako dito. I wish that my parents are here.. With me. Together we will watch the sunset.

Hiniling ko din na someday , I wanted to have a perfect and happy family with the one I love.
Dahil ayokong maranasan ng anak ko ang mga naranasan ko. Growing up without a family.

"You can cry on me"

Natauhan ako ng bigla siyang magsalita.

"Parang maiiyak ka na dyan"

Hindi ko siya pinansin at tiningnan nalang yung dagat.

This past few days. I'm being too open. Hindi ko makontrol ang emosyon ko.
Na para bang kumawala silang lahat mula sa pagkakatago.
That I'm slowly breaking down.

"Nandito lang ako palagi"

Parang may humaplos sa puso ko ng marinig ko yun.
Tiningnan ko siya. Nakangiti siya sakin. Yung ngiti na sinsero.

"Pero sa totoo lang? Naninibago ako sayo. Parang hindi na ikaw ang Zaynah na una kong nakilala. Emotionless, Cold-hearted, Cold personality and Heartless."

Napaiwas ako ng tingin.

"Pero ngayon? You're full of emotions, especially your eyes. "

"Stop" I said coldly.
Ayoko nang marinig ang mga sasabihin niya.
Hindi naman siya umimik at tumingin nalang din sa dagat.


I don't want to be open.
Kasi natatakot ako.
I may be brave in so many fucking ways but when it comes to my emotions

I'm weak.
Because my emotions is my weakness.





Tumayo ako. At naglakad patungo sa rest house.
Pwersahan kong binuksan ang pinto dahil nakalock ito.
Nang makapasok ay diretso agad ako sa kwarto ko.

Pabagsak akong humiga at pinikit ang mga mata ko.
Itutulog ko nalang to.



(ACE POV)

MAGICZARD ACADEMY : THE HEARTLESS PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon