Prolouge

50 3 2
                                    

"Freya alis na tayo dito kinikilabutan na ako."natatakot na sabi ng kaibigan kung si Aya.

Nandito kami ngayon sa gubat ng Sirona na kinatatakutan ng lahat di ko inakala na mapapadpad kami dito tama nga si Aya nakakakilabot ng lugar na ito pero may naguudyok sakin na manatili dito.Madaming nagsasabi na ang mga taong pumupunta dito ay hindi na bumalik kaya walang naglakas loob na puntahan ito.

"Omg!" gulat na sabi ni Aya sabay kapit sa aking sa braso.

Nagulat kami ng may narinig kaming kaluskus liningon namin ito at kinakabahan ako dahil gumagalaw ang mga halaman pumikit nalang kami ni Aya at naghintay pero pagkadilat ko nakita ko na kuneho lang pala nakahinga ako ng maluwag damn!Akala ko kung ano na.

"Ayoko na talaga umalis na tayo dito Freya."naiiyak na sabi ni Aya liningon ko siya at kulay papel na ang mukha niya huminga ako ng malalim.

"Okay tara na umalis na tayo dito baka kung ano pa ang mangyari sa atin."mahinahon kong sabi.

Nagsimula na kaming maglakad ngunit nagulat ako ng may nakita akong dalawang daanan shit!Nakalimutan ko saang daan kami dumaan kanina.

"Kasalanan mo talaga ito Freya bakit mo ba kasi sinundan iyong paru-paru ayan tulog naliligaw na tayo baka matulad tayo ng mga sinabi nga mga tao na di na tayo makakabalik dahil may papatay sa a---"hindi ko na siya pinatapos na magsalita dahil niyakap ko na siya.

"Wag ka ngang magsalita ng ganyan makakauwi din tayo okay."pagpapatahan ko sa kanya dahil umiiyak na ito.Nagpatuloy kami sa paglalakad at pinili namin ang kaliwang daan dahil nakita ko ang nahulog kong anklet.

Akala ko makakauwi na kami pero umulan ng malakas at sa awa ng diyos meron kaming natanaw na isang maliit na bahay gawa ito sa kahoy sumilong kami dito.

Kumatok si Aya sa pinto ngunit walang sumagot kaya binuksan namin ito ngunit laking gulat namin ng tumambad sa aming mga mata ang isang napakalaking palasyo.

"Woahhh."sabay naming saad ni Aya.
As in nakaletter O na ang aming mga bibig habang nakatingin sa malapalasyong na nasa harapan namin.Isang napakalaki at napaka taas na palasyo.Kulay itim ito at kulay abo.May mga bandila naman sa paligid sa palasyo at kulay itim na bandila na may simbolong agila.

Divergent Academy Where stories live. Discover now