Huminga naman ako ng malalim at saka tumingin sa malayo. Kusang dumako ang mga mata ko sa taniman nila ayna. Malapit lang kase ang bahay nila ayna dito sa taniman nila kaya kitang kita ko kung paano magbilad ng araw ang mga magsasaka doon pero kahit ganun malamig naman ang simoy ng hangin dahil Nobyembre na. Nandun din ang kanyang tatay na kasalukuyang nagtatanim ng palay kasama ang ilang magsasaka. Nasa loob naman ng bahay ang kanyang mama na kasalukuyang nag liinis.

"Hindi ko nga alam kung paano ko nagustuhan si khanz. Ang bilis ng pangyayari at hindi ko naman aakalaing mahuhulog ako sa kanya. Ang alam ko lang, isang araw eh nawala na ang pagtingin ko kay zad dahil naka'y khanz na ang paningin ko."-tugon ko sa maliit na boses pero sinigurado kong maririnig niya.

Pansin ko naman ang pag buntong hininga niya at saka tumingin din sa malayo. Pakiramdam ko ang seryoso ng usapan namin. Tsk.

"Alam mo ahli, hindi pumipili ang puso natin dahil kusa mo tong mararamdaman. Wala na tayong magagawa dahil kapag mahal mo na siya mahihirapan kang baguhin ang katotohanang yun."-makahulugan niyang sabi.

"Hindi ko alam ayna kung mahal ko na siya. Hindi naman ganun kadali. Mahirap magbago ng nararamdaman."

"At mahirap ding turuan yang nararamdaman mo."-dagdag niya at tinignan niya ako habang nakataas pa ang dalawang kilay niya.

"Ikaw lang ang makakaalam ahli kung mahal mo ba talaga siya dahil ikaw lang naman ang may kakayahang maramdaman yan. At isa pa, huwag mong pigilan dahil mas lalo ka lang mahihirapan."

"Hindi ko naman pinipigilan eh. Natatakot lang kase ako. Alam mo naman siguro ang mga pinagdaanan ko diba?"-tanong ko.

Sa totoo lang, may nararamdaman akong takot sa puso ko dahil kapag tuluyan ko na siyang minahal, hindi ko na kayang baguhin tong nararamdaman ko. Paano kung sasaktan din niya ako tulad ng iba? Paano kung hindi kami magtatagal? Paano kung magsawa siya? Ang daming bumabagabag sa isipan ko na lalong nagpaparamdam sa akin ng takot.

"Takot kang mahalin siya o takot ka sa pwedeng mangyari? Alam mo ahli, hindi talaga maiiwasan yang mga what if's sa isip mo. Pero paano mo malalaman kung hindi mo susubukan? Takot ka dahil naranasan mo na ang mabigo, masaktan pero si khanz yun. Subukan mo kaya magtiwala ulit? Hindi lahat ng tao, pare-pareho. Malay mo, si khanz ang magbabago sa pananaw mo?"

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Pakiramdam ko nanuyo ang lalamunan ko at parang bala lahat ng katagang sinambit niya at tuluyang tumagos sa dibdib ko.

Bakit ko nga ba naisip yun? Alam kong iba si khanz. Paano ko malalaman na magtatagal kami kung hindi ko susubukan diba? Bakit pinipigilan ko pa ang sarili ko?

"Tsk. Masyado tayong ma drama ngayon. Saan mo nakuha yang mga hugot mo? Ang lalim eh."-biro ko para mawala ang mabigat na aura sa pagitan namin.

"Galing sa puso ko yan kaya huwag kang ano. Pinaghirapan ko pa yang isipin bago sabihin sayo."-inirapan niya ako at saka mabilis na kinuha ang mangkok na may naglalamang mangga.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil mabilis kong inagaw ang mangkok at saka dere-deretsong sinubo ang limang piraso. Halos maiyak naman siya sa Inis dahil naisahan ko siya! Bwahahaha!

"Wala ka talagang hiya! Inubos mo lahat ng binalatan ko tapos ikaw lang makikinabang?! Iluwa mo yan!"-marahas niyang hinawakan ang pisngi ko bahagya pa akong dinagan.

Nagpumiglas ako pero para siyang baliw na nanakawan ng panty! Tangina! Papatayin pa ata ako ng babaeng to eh!

"Ehem!"-natigilan lang kami sa pagsasabunutan dahil hindi ko na kinaya kanina pa, kaya sinabunutan ko na siya. Saka lang kami natauhan ng may tumikhim sa harapan namin.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now