Malalaking ang hakbang niya na umakyat sa hagdanan. Hindi ko maiwasan mapatitig sa likod niya hanggang mawala siya sa paningin ko.

Unti-unti ko na siyang nakilala, unti-unti ay pakiramdam ko ay nagiging kampante siyang ipakita sa akin kung ano talaga ang emosyon niya. 'Yong walang pagpapanggap.

Tumayo ako at pumunta sa kusina dala ang tasa ko, nawalan na ako ng gana magkape, buset kasing Zayn iyon. Napaka-landi.

Anong akala niya sa labi ko? Juicy fruit bigla na lang niya sisipsipin. Tsk.

Napatigil ako sa tuluyan kong pagpasok sa kusina nang makita ko si Mat na may tinatapon sa basurahan. Nanatili ako sa kinakatayuan ko habang pinapanuod ko siya animong nagmamadali.

Lalong nagsalubong ang aking kilay ng makilala ko ang lalagyan na iyon. Zayn's medicine.

Bakit niya tinatapon? Expired na ba?

Hindi ako gumalaw, humigpit ang hawak ko sa tasa lalo ng makita kong may ilabas si Mat sa bulsa na plastic na may mga gamot kamukhang-kamuka ng gamot ni Zayn tapos ay sinalinan niya ang kaninang lalagyan na tinapon niya ang laman.

What the hell is he doing?

May naisip ako pero ayokong pangunahan ng pagdududa ang sarili ko. Tahimik akong tumalikod at bumalik sa sala, sinigurado kong hindi niya ako mapapansin.

Napatulala ako sa sala.

Anong ginagawa mo Mat? Anong putang inang ginagawa mo sa gamot ni Zayn?

Mariin akong pumikit upang kumalma.

"Hey, are you sleepy?"

Napadilat ako sa boses ni Zayn, pa-jogging siyang bumaba sa hagdanan at lumapit sa akin. Nakasuot na siya ng jeans at puting v-neck shirt. Kitang-kita ko ang tattoo sa kaniyang morenong braso.

Tumikhim ako at nag pekeng ngiti.

"Hindi, pinahinga ko lang ang mata ko napuwing e," pagsisinungaling ko.

Tumayo na ako nang lumapit naman siya sa akin na sobrang lapit tapos ay hinalikan ang mata ko.

"Yan wala na," parang batang aniya kaya napailing ako.

"Let's go?" Inilahad niya ang kamay niya na mabilis ko naman tinanggap.

Nang magsaklob ang kamay namin ay sabay kaming lumabas sa bahay. Pinilit kong inialis sa isip ko ang nakita ko sa kusina. Hindi naman iyon magagawa ni Mat.

Nang nasa kotse na kami ay kaagad pinahinga ni Zayn ang kanyang kamay sa aking tuhod habang nagda-drive.

Paminsan-minsan ay sumusulyap siya sa akin at bahagyang pinipisil ang aking hita. Hindi ko alam pero wala akong nararamdaman pagka-ilang sa kaniya.

Nasabi kasi sa akin ni Uno na samahan ko si Zayn sa mga lugar na hindi niya madalas puntahan noon. Well, that's why I'm his fiancé, to help him.

Hawak kamay kaming naglibot sa mall. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko at deretsyo lang ang kaniyang tingin.

"Saan tayo nyan?" malambing na tanong niya bahagya kaming tumigil sa paglalakad.

"Manuod muna tayo ng sine saka tayo kumain," excited na usal ko, nakita kong napanguso siya.

"Alright baby. Ngayon lang ako manunuod sa isang sinehan, though Giov dated women, hindi ko maalala kung dinala niya sa sinehan." Nakangiwing kwento niya.

"Ayos lang 'yan. Ano gusto mong movie?"

"Action. But it's up to you baby, ikaw bahala basta katabi kita do'n okay na ako." Nakangising sabi niya.

Tinapik-tapik ko ang pisngi niya.

"Kumo-korni ka na ngayon Zayn," parehas kaming natawa. "Magbanyo muna tayo bago magsine."

Sumang-ayon naman siya. Naghiwalay kami, pumasok ako sa banyo ng babae, siya naman sa lalaki. Medyo natagalan ako dahil mahaba ang pila.

Paglabas ko ay wala pa rin si Zayn.

Hinintay ko siya pero lumipas ang sampong minuto ay wala pa rin siya kaya kinabahan na ako, saan naman iyon pupunta? Naki-usap ako sa isang janitor na lalaki na paki-check sa restroom ng boys kung may lalaking naka v-neck na white.

Bagsak ang balikat ko dahil wala raw. Nagsimula na akong kabahan, ang daming senaryo ang pumasok sa isip ko.

Mabilis ang lakad ko habang sinusuyod ang buong mall, palinga-linga ako upang makita si Zayn.

Kapag talaga umabot sa bente minutos at hindi ko pa siya makita ay pupunta na ako sa office ng mall.

Lakad ako nang lakad hanggang makarating ako sa palaruan. Hindi ko alam kung bakit pumasok ako roon nagbabakasakaling napadpad doon si Zayn.

"Zayn?" tawag ko pero walang sumasagot.

Ang daming bata at ang ingay.

Lalabas na sana ako ng mahagip ng mata ko ang hindi ko inaasahan makita. Napanganga ako ng makita si Zayn na gumugulong sa maliliit na bola na foam, halos pagtinginan na siya ng mga bata gano'n din ang ilang magulang.

What the hell?

Malaki ang hakbang na lumapit ako kay Zayn.

"Zayn?! What are you doing? Zayn!" hindi siya lumilingon at binabato niya ang mga bata ng bola.

Sa sobrang lakas ng bato niya ay umiiyak ang natatamaan no'n. Shit!

"Quvenzhane!" sigaw ko.

Hindi pa rin ako pinansin.

Umawang ang labi ko dahil sa naisip ko.

"Z-Zam?"

Unti-unti siyang lumingon sa akin at kumurap-kurap.

"Wae noona?"

***

SaviorKitty

The Beast He BecameWhere stories live. Discover now