Chapter 01

208 1 0
                                    

Chapter 01

“Andie!” Narining ko ang boses niya. Lumingon ako para makita ko ang maamo niyang mukha . Palapit sa akin si Stefan may bitbit na paborito kong brownies. Lumakas ang pag tibok ng puso ko para bang sasabog sa sobrang tuwa. Ngunit napawi ang aking saya ng nakita ko ang kasama niya. Si Trish. Ang matapobre at suplada niyang girlfriend. Nang nakarating sila, umupo kagad si Trish sa upuan at nagpapay-pay.

Nginitian ko na lang siya at di pinansin. Wala naman talaga akong pakielam sa kanya nung una palang.

“Sorry late ako ah. Nagpasama kasi si Trish e.” Humingi ng tawad si Stefan at ibinigay ang box ng brownies sa akin.

“Hindi. OK lang yun no. Ano ka ba…” Gusto kong itanong sakanya kung bakit kasama niya ngayon ang bitch niyang girlfriend. Dahil alam ko –at clear niyang sinabi – na magba-bonding kaming dalawa lang. Hindi tatlo. Dalawa. Pero nanihimik na lang ako at ngumiti kay Trish.

Ngumiti rin siya ngunit ito’y puno ng pangungutya. Tumingin siya kay Stefan. “Babe, akala ko ba manunuod tayo ng sine ngayon?”

“Ah. Oo nga. Ano bang gusto mong panuorin?”

“Hmmm…” Nagpa-cute pa ang loka. Teka, diba dapat ako tinatanong ni Stefan niyan? Friday night is our movie night! “Paranormal Activity 2?”

Pareho kaming napatingin kay Trish. Sigurado ba siya sa movie na gusto niya?

“O ano? Babe! Respond!” Pinalo niya ng malambot si Stefan. Nako, naglalandian nanaman sila. Ehem. Siya lang pala.

“Ah. O sige.” Tumingin sa akin si Stefan. “OK lang ba sa’yo na yun yung panuorin?”

“WHAT?!”

Tumingin ang mga tao sa amin sa pagkasigaw ni Trish.

“O bakit?” Tanong ni Stefan.

“Kasama siya? I thought tayong dalawa lang?”

Shouldn’t that be my line? Hello, bonding time namin to. Not yours.

Umiling ang lalaki. “No… Andie’s coming. I mean this was the plan, babe. Remember?” Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ng kanyang girlfriend. “Let’s go para makabili na tayo ng tickets. Malapit na atang mag screen time.”

Sa loob ng halos dalawang oras, dikit na dikit si Trish kay Stefan. Sino bang masisisi niya? E nakakatakot naman talaga yun. Kahit naman ako, di fan ng horror. Nag feeling- feeling lang ako na di ako takot kasi nakakahiya naman na humawak din ako kay Stefan. Pero siguro alam na niya na natakot talaga ako kasi sa kalagitnaan ay hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti. Para bang gusto niyang sabihin na OK lang na matakot ako kasi andiyan naman siya.

Ang corny niya.

Yun lang ang masasabi ko. Nag dinner na rin kami sa Red Ribbon after ng movie. Parehas kaming hinatid sa bahay  ni Stefan pauwi.

Nanaginip ako noong gabing yun. Nawawala daw ako sa isang mundong walang liwanag at kulay. Umiiyak nga ata ako nun e. Malungkot at nagiisa. Pero may isang liwanag na bumalot sa akin.

Binulong niya ang mga salitang “Andito na ako. Wag kang magalalala.”

Tapos nagising ako. Di ko matandaan kung ano ang itsura ng “liwanag” na yun.  Pero magaan ang loob ko sa kanya. Magaan na magaan.

Monday. 

Ah! Ako nga pala si Adeline Tupaz. Andie for short. I’m 17. Incoming college freshman sa UST. Yeah. Fourth year high school pa lang ako. Close friend ko nga pala si Stefan Guevara since first year kami sa St. Claire Catholic School. And yes, unrequited love ko siya. Girlfriend niya si Trish Sy (AKA Trash) for almost three months na since the school year started. Medyo may pagka capital B si Trash kaya hindi ko maintindihan kung ano na gustuhan ni Stefan sa kanya. Pero whatever to her. It’s not like I can change that right?

Right? *evil grin*

Hindi ako naniniwala sa love, sa love at first sight, sa first love never dies o sa blah blah blah na yan. Sa crush, oo pa. Love? Oh c’mon, di na ata uso yun. Iba na kasi mga tao ngayon e. Iba ang term nilang “love”.  Get niyo ba?

And no, mali kayo. Hindi ko kino-kontra yung mga pinagsasasabi ko. Paano kamo si Stefan? Iba kasi siya. Hindi ko siya love, hindi ko siya crush at hindi ko siya kuya-kuyahan.

Like ko siya. As in like-like. Gusto ko siya.

Oo.

Iba yun sa crush.

Promise.

Moving on, may best friend nga pala akong bakla – si Patrick Ang. Siya ung gay na hindi bitchy. OKAY. Maypagka-madaldal lang. Pero harmless naman siya. Except pag super kinikilig, which is every day. He-she calls him-herself Patricia. Pinipilit niya rin ako na tawagin ko siya nun pero ayoko nga. Sounds so gay…  

“OH SHI-“ Napamura ako pag tingin ko sa orasan. Putik. Male-late nanaman ako sa Filipino class namin at makakatanggap nanaman ako ng demerits. Hindi lang yun ang matatanggap ko… pati ang EVIL FLARE.

Nagmadali akong maligo, magbihis, magpaganda at kung anu-ano pa. Di na ako kumain ng breakfast. Di naman ako nagugutom e.

Nang pagdating ko sa shcool, kinuha ko ang mga libro ko sa locker area at dumiretso na sa class.

Sumilip ako sa loob. Chocolate fudge… Andiyan na si Ms. Jania, nagro-roll call na ng attendance.

“Roxy Sanduguan?” Sabi niya habang tumitingin ng palihis.

“Present!”

Holy craaab. Ako na sunod .Lord, please kunin niyo na ako.

“Adeline Tupaz?”

Walang sagot. Lumakas ang tibok ng puso ko.

“Tupaz?”

Wala nanaman.

Nagbuntong-hininga si Ms. Jania, nagadjust ng salamin at tumingin sa labas. Naglakad ito papunta sa pinto. Hinanda ko na ang sarili ko sa makikita ko. Mom. Dad. I love you…

Tinaasan niya ako ng kilay. “Ms. Tupaz?”

“Po?” I am so gonna die.

“Alam mo na ang gagawin, diba?” I swear, may nakita akong flares na lumabas sa mata niya.

Lumunok ako ng matindi. “Opo.” Goodbye cruel, cruel world. The young one must die now…

_______

Author's Note:

Chapter one is done! lol Okay. There was a minor prob with this chapter. So if you noticed then good job for you. Bravo/Brava. And no. I will not mention it. XD This was rather short pero okay lang kasi BAKA habaan namin yung chapter two. 

And YAY for the readers. You guys are teh bomb! I love you. Please comment too or leave us a something.

Va bene? Quindi grande. (lol Italian)

Spreading my awesomeness,

A. 

PS: Baka tumagal ng one week yung pag updates because ginagawan ko rin ng updates yung isa kong account. BTW, please drop by rin dun. :P  

PPS: Next time si B na yung mag no-note. PROMISE. 

Don't ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon