Chapter 14 . Revelation 1.0

Start from the beginning
                                    

"Hindi mo kailangan malaman" sabi ni Bea kaya sinamaan siya ng tingin ni Zicko.

"No Bea.. sabihin na natin" sabi ko pero umiling si bea.

"Nangako tayo Alina" giit ni Bea pero ngumiti ako.

"Alam kong gusto mo ang kaibigan ko Zicko kaya sasabihin ko sayo ang totoo. Kapag nagbago ang pakikitungo mo sakanya ibig sabihin nun hindi mo talaga siya gusto" sabi ko at natigilan silang lahat. Umiwas naman ng tingin si Zicko.

"Meron siyang sakit sa puso, araw araw.. humihina yung puso niya. Two years na naming linalabanan ang sakit niya pero tumigil si Caly, sabi niya samin ayaw na daw niya at pagod na siya. Nawawalan siya ng rason mabuhay Zicko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sainyo pero alam ko na nahuhulog na ang kaibigan ko sayo. Ngayong alam mo na ang sakit niya.. kung wala kang balak na ipagpatuloy ang nararamdaman mo, can you please stop now habang maaga pa? Hindi niya kakayanin masaktan ng lubusan. Her heart won't take it." Paliwanag ko.

Biglang bumuhos ang luha ni Bea at yinakap ako ni Travis. Pinunasan naman niya ang luha ko. Napaupo nalang si Zicko sa upuan at hinilamos ang kamay niya sa mukha niya.

"What's happening in here?" napatingin kami kay Kuya Brian at nakitang kasama niya si Kuya Chand at Kuya Third.

Yinakap naman ni Kuya Chand si Bea.

"Kuya.. sumumpong ang sakit ni Caly." sabi ko at tumango naman si Kuya Chand.

Bumitaw ako kay Travis at hinarap sila Kuya lalo na't parang hindi nagustuhan ni Kuya Third ang nadatnan.

"Third, pakitawag nga si Tita Ailee at Tito James, pakisabi ang nangyari" pakiusap ni Kuya Chand. Lumabas ang doctor sa kwarto ni Caly at marahang ngumiti.

"Okay na siya.. stable na ulit ang puso niya. Lumala ang puso niya kaya kailangan na talaga niyang magdesisyon kung magpapa opera ba siya. Sana makumbinsi niyo.." sabi nung doctor at tumango naman ako at pumasok na sa kwarto ni Caly.

Nakita namin siyang naka ngiting nakaupo sa kama niya. Napahikbi ako dahil doon.

"Ano ba yan? Bakit parang pinagbagsakan ng lupa yang mga mukha niyo? Hindi pa ako mamatay.. well malapit na?" sabi niya sa amin at tumawa, biglang nasuntok ni Zicko ang pader. Hinawakan naman siya ni Travis para huminahon siya.

"Do you think that was a nice joke? Tingin mo ikakatuwa namin na marinig sa bibig mo na okay sayo ang mamatay?" sabi ni Zicko at napaluha si Caly.

Matagal niyang kinimkim ang lahat ng to at masaya ako na si Zicko ang nagpalabas sakanya ng mga luha niyang matagal na pinigilan.

"Zicko umalis ka na" sabi ni Caly habang umiiyak. Lumapit si Zicko sakanya at hinawakan ang kamay niya pero pinilit niya yung alisin.

"UMALIS KA NA! HINDI KO KAILANGAN NG AWA MO! AYOKONG KINAKAAWAAN LALONG LALO NA KUNG IKAW! AYOKONG LAPITAN MO KO LALO NA KUNG DAHIL LANG SA AWA!" sigaw ni caly habang umiiyak. Lumapit kami sakanya at yinakap siya ni Zicko.

"Caly.. hindi kami naaawa sayo. Mahal ka namin kaya namin ginagawa to." sabi ni Bea at nakita kong yakap yakap siya ni Kuya Chand.

"Mahal na mahal ka namin Caly.. we want you to fight hindi dahil sa awa pero dahil hindi ka namin kayang mawala kasi mahal ka namin" sabi ko sakanya. Yumuko naman siya at sinuksok niya ang ulo niya sa leeg ni Zicko. 

"Natatakot ako.." sabi niya habang nakayakap kay Zicko.

"Caly.. we're here. You can do it. I know you can" sabi ni Zicko sakanya at nag angat siya ng tingin sa amin.

Loss in the Dangerous PathWhere stories live. Discover now