Napailing ako kahit hindi niya nakikita.

"Siguradong magagalit si Dad dito at si Zayn. I'm sure he would think that something happened between me and Charles," wika ko.

Sinuklay ko ang medyo magulo kong buhok bago napatitig sa nakasarang pintuan.

"Oh e ano naman sa'yo kung isipin niya 'yon? Unless you don't want him to see you like that."

Hindi ko alam pero ayoko, ayokong isipin niya na may nangyayari sa amin ni Charles habang magkasama kami. Bakit?

"Saka matagal na kayong magkasintahan ni—"

"Walang nangyayari sa amin," pag-amin ko.

"A-Ano?"

"Walang anumang nangyaring gano'n."

Narinig kong bahagyang kumaluskos sa kabilang linya.

"Seryoso?" parang tangang tumango naman ako kahit hindi niya nakikita.

"Oo, I don't know. I just can't. Hiningi na rin sa akin ni Charles ang bagay na iyon. Bago pa magsimula ang lahat ng ito sabi niya gusto niyang may panghawakan. I tried Lily, I tried to give it pero no'ng huhubaran niya na ako naitulak ko siya." Pumikit ako pagkatapos kong sabihin iyon sa aking kaibigan.

"Anong naramdaman mo no'n? Bakit ayaw mo?" usisa niya.

Napabuntong-hininga ako. "Hindi bukal sa puso ko, I mean. I love him pero hindi ko kaya. Hindi ba ako handa?"

"Gaga, umamin ka nga sa akin? Mahal mo pa ba si Charles? O nanghihinayang ka na lang sa mga panahon na pinagsamahan niyo? Kasi aaminin ko sa'yo masasaktan mo 'yong tao. Hindi ka puwede magmahal ng dalawa--"

"Hindi ko naman mahal si Zayn."

"See? Wala naman akong binanggit na sino, na pangalan pero naisip mo 'yong Zayn. Lauren, kaibigan kita kaya sasabihin ko sa'yong sundin mo 'yong nasa puso mo huwag puro utak kasi minsan sinasabi ng isip mo pero 'yong kalooban mo labag naman. Pag-isipan mo iyan, 'yong desisyon gagawin mo makakaapekto sa mga mangyayari sa future. Be wise, matalino ka naman e medyo in denial at manhid ka lang."

"Thank you sa advice Lily, kailangan ko talaga iyan. Sige pag-iisipan ko." Kinagat ko ang ibabang labi ko.

Nagpaalamanan pa kami sandali ni Lily sa isa't-isa bago ko ayusin ang sarili ko para lumabas.

Naabutan ko si Charles na nakalagay ang siko sa lamesa habang tulala sa nakahain na plato sa harapan niya.

Nang umupo ako sa katapat niyang upuan ay parang doon lang siya natauhan.

Ngumiti siya pero hindi umabot sa mata. "Kain ka na."

"Thank you Charles, pasensya ka na kung nakatulog ako."

Tumango naman siya bago lagyan ng pagkain ang pinggan ko. Habang kumakain kami ay nagkukwentuhan kami ng kung ano-ano, karaniwan ay siya lang ang nagtatanong.

Nang matapos kami ay siya rin ang naghugas ng pinagkainan. Nagpalipas kami ng oras sa panunuod ng movie, halos ganito ang takbo ng araw namin sa loob ng isang linggo.

The Beast He BecameHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin