Chapter 3: Start of Something New

44 1 0
                                    

CHAPTER 3 

Start of Something New


"Ruka."

Napalingon si Ruka para tingnan kung sino ang tumawag sa kanya. "Uh. Bakit?" Si Anthony lang pala. "Uuwi na ko."

"Kakabigla ka. Kala ko ano na. Sige na. Babush. May gagawin pa kami. Date kami ni Reu!". Di niya mapigilan ang kasiyahan niya.

Napansin na lang niya na nakakunot na ang noo ni Anthony habang nakatitig sa kanya. "Ewan ko sa 'yo. Mukha kang boplaks," sabay talikod at alis ni Anthony.

Inis na inis talaga siya sa lalaking 'yon!!! Hay... Kung wala lang si Reu, ang tagal na niyang sinapak 'yon. Napabuntong-hininga na lang siya. "Reu? Tapos ka na?"

"Sungit 'non. Gusto mo, upakan ko? Sweet-sweet mo, tapos ginaganyan ka niya. Ganda kaya ng labidabs ko..." pagkasabi'y yumakap sa likod ni Ruka. "Namiss ko 'to. I love you."

"I love you, too. Reu-nii..."

"Tara na—"

"Ruka. Ahem... Ahem..."

>///<

"Master?". Napabitiw siya kay Reu. Sobrang pula niya. Para namang may ka-affair siyang ewan tapos--- Ano ba namang iniisip niya? Natawa na lang siya sa lawak ng imagination niya. "Bakit po, Master?"

"Umm.... Kaano-ano mo...si Reu?" Mukhang tense si Keah habang nagtatanong. Napansin niyang palihim na nakikinig sina Mau, Chelle, Yan, at Mina. Mapapangiti. "I see you... Taya kayong lahat!"

Lumabas sina Mau sa pinagtataguan nila. "Ehe... Curious lang sa lovelife ng apo ko...". "Si Master lang matapang magtanong, eh..." nahihiyang amin ni Chelle. Napa-giggle siya. "Ano ba? Friends ko kayo. Halikayo... Guys, meet Reu. Boyfriend ko!"

Kitang-kita sa expression ng mga kaibigan ni Ruka ang gulat. As in... o___O... O_____O... Ganoon. Ang hindi namamalayan ni Ruka, may isa pa palang nakikinig sa kanila.

"Huh. Kaya pala kanina pa sila PDA. Ano nga bang pakialam ko? Makauwi na nga." Nakasandal si Anthony sa may pinto. Di pa pala siya nakakauwi. Di niya alam bakit pa siya nagstay. Ewan. Umalis siyang para pa ring may sirang plaka na ulit-ulit na sinasabi sa utak niya na makakabalik pa siya ng Japan. Na...makakasama niya pa rin siya... Babaeng minahal niya ng lubos.

"Hindi nga?"

"Yup! Ehehe...."

Mapapatingin si Reu sa bintana. "Sino yan?!" Mabilis niya itong hinablot. Ihaharap si shady person na 'yon sa kanila. Tatanggalin ang cap nito. Mabibigla si Reu. "K-KAICHOU?!"

"E-Ehe... H-Hi... R-Reu..." Halatang siya yung stalker ni Reu, bulong ni Ruka sa sarili niya.

Napabuntong-hininga si Reu. "Tinakot niyo 'ko 'don, Kaichou. Kala ko, sino nang stalker ko."

"Nabigla kasi kami. Bigla ka na lang umalis ng Japan. Alam mo namang favorite ka namin. Siya ba talaga girlfriend mo? Sayang naman. Liligawan sana kita."

"Adik, Kaichou. Ruka. Okay na." Ngiting nakakapaso kay Ruka. Na out of curiousity natanong ni Yan na... "Ruka... Siya ba kakambal mo?"

Ganoon ulit expression nila... o____O... O____________________O

"Hala... Basted na tayo, Onii-chan..."

"Hayaan mo na. Nahuli naman natin stalker ko. Wag mo nang uulitin 'yon, ha Kaichou? Ayokong mapahamak prinsesa ko," sabay yakap kay Ruka. Namula naman si girlalu.

"HAY NAKU RUKA!!!! PAASA, O!!! KALA KO MERON NA..."

"Hahaha.... Gusto ko reaksyon niyo, eh... Tsaka sasabihin ko naman talaga pag nagkaboyfriend na 'ko. Kaya wag na kayong stalker mode, ha? Pero gusto ding matry stalker mode. Gawin natin 'yon sa susunod. Kasama ko na din naman prince charming ko, nee Onii-chan?!"

Rabbit's LoveWhere stories live. Discover now