Chapter 1: The Engagement

113 1 0
                                    

CHAPTER 1

Engagement

Kinakabahan ako, kinakabahan ako. Usal niya. Bakit nga ba siya pinatawag ng Papa niya? May masamang nangyari? Argh!!! Dinig na dinig na talaga niya ang tibok ng puso niya sa sobrang kaba. Pagod na din siya sa kakatakbo. Damn! Bakit kasi ang layo ng office ng Papa niya?!

Takbo ng takbo sa corridors si Ruka, di malaman ang gagawin. Bigla na lang kasi siyang pinatawag sa office ng Papa niya. Nag-alala siya na baka may nangyaring masama sa kanya.

"Wag naman, wag naman," dasal niya. Kararating lang ng Papa niya galing Japan. After being there for 3 years, miss na miss na niya ito. Masayang-masaya sila sa pag-uwi nito. Tapos, ngayon---

Naputol ang iniisip niya nang may makabungguan siya. Napaupo siya, pati ang nabunggo niya.

"Aww... That hurts!"

"Ittai..."

Mapapatingin siya sa nakabungguan niya. Lalaki ito, medyo matangkad. May chocolate-brown eyes, maputi, medyo pang-JPOP idol ang katawan pati ang pagkakaayos ng black, slight curly hair na medyo mahaba para sa lalaki, pero di naman ganoon kahaba na parang sa babae. Good boy tingnan. Gwapo. Napatigil siya, sabay iling sa huling naisip.

"Sorry... I'm so sorry," sabi niya habang mabilis na tumatayo. Pinagmasdan lang siya nito. Hey... Bakit ganyan naman kung makatitig 'tong lalaking 'to? Takang-taka na siya. Hindi kaya---

"PERVERT!!!" sigaw niya sabay sampal sa lalaki. Nabigla ang lalaki sa sudden kilos niya.

"What the--- What was that for?!"

"Titig ka nang titig, eh!" Oh... Parang may nakalimutan siya. ANG PAPA NIYA! "Shocks! Oo nga pala! Papa!!!"

Pagkasabi'y mabilis siyang kumaripas ng takbo papuntang office ng Papa niya.

"Weird."

Sa office ng Papa ni Ruka...

"Huh? Pinag-alala mo 'ko Papa! Akala ko may nangyari nang masama sa 'yo," sabi ni Ruka habang mahigpit na yakap ang Papa niya.

"Pasensya ka na. Okay lang ako. Upo ka. May kailangan lang akong sabihin sa 'yo. Ipaalam din."

Ano naman kaya 'to? Bulong niya sa sarili. Wag naman sanang maging weird 'to.

"Ruka, wag kang magagalit kay Papa, ha? Ano kasi, eh," sambit ng Papa niya. Umupo ito sa upuan nito, sabay na kaupo din si Ruka sa visitor's seat.

"Ano ba 'yon Papa?"

He let out a deep breath. Uh-oh... Bad news yata to. "Engaged ka na, Ruka. Nandito na ang fiancé mo. Sorry. Wala na 'kong choice. Sorry, anak. Galit ka ba?"

"H-ha?" Nabigla siya 'dun. Imposible 'to. ENGAGED NA SIYA?! "B-but that's old fashion!" Hindi na niya mapigilan ang sarili na magreklamo.

Hindi pwede 'to. Wala pa nga siyang nagiging boyfriend. Tapos ngayon, malalaman na lang niyang ikakasal na siya?

"I know. Japanese are way too old fashion. But we have to deal with them."

"Papa, Japanese din tayo."

Napangiti na lang ang Papa niya. That hit her. She needs do this. Her Papa needs her to do it. "Sorry, Pa. Sige po. Sino ba...ang fiancé ko?"

"Sorry, anak, ha? Napasok kita sa gulong 'to. Hindi ko expect na ikaw ang magugustuhan niya para sa anak niya. Matalik kong kaibigan si Jiro, kaya hindi ako makatanggi sa gusto niya."

"It's okay, Pa. Kami naman ni Reu ang may utang sa family niyo, At least, may matutulong na 'ko sa inyo. Alam ba nilang,... a-ampon lang ako?"

"Kind of. Alam ni Jiro. Pero ikaw talaga ang gusto niya para sa anak niya. Pasensya ka na, anak."

She stood up, embraced her Papa from behind, and let out a sigh. "Wala na 'kong choice. Sa bagay, kung hindi niyo kami sinagip 'non ni Reu, hindi naman ako magkakaroon ng pagkakataon na gumawa ng desisyon, 'di ba? Okay lang sa 'kin Papa. Basta para sa 'yo. I love you."

Wala nang urungan 'to. Kailangan niyang kayanin 'to. Kailangan niyang gawin 'to.

Masayang humawak sa braso niya ang Papa niya. "Thank you, anak. I love you, too."

"Sorry to bother."

Nabigla si Ruka sa boses ng bagong dating. Familiar ang slightly medium-pitched yet attractive na boses na 'yon "Anong ginagawa mo dito?!"

"Nagkita na kayo ni Anthony?"

So... Anthony pala ang pangalan ng perv na 'to--- Wait. Napaisip siya. Hindi kaya...

"No... Don't tell me... S-siya..." Mapapaturo kay Anthony. "S-siya ang... fiancé ko?" Gulp. Crossed fingers.

Tinititigan lang siya ni Anthony. His chocolate brown eyes pierced her mocha ones, which made her shudder. Inilayo niya ang tingin niya kay Anthony. Napakunot lang ito ng noo.

"Yup. Siya ang fiancé mo." NOOO!!! Judgment day na ba 'to? Bakit? BAKIT?!!

"Uncle. I want to go home." Cocky.

"Your father wants you to be here."

"I don't want to be here.Gomen (Sorry). Iku yo (I'm going) ."

"Jyun."

"I'm not a child anymore! I have my own decisions. I can do it by myself."

"I know. I know, okay? Kaya nga kita sinama dito. Walang magbabantay ng bawat kilos mo dito. You are free to do anything you want here. Live your life. Freedom is in your hands, but only if you follow certain rules. One of them is this. Can I trust you? Kaya mo bang alagaan ang anak ko, para sa 'kin? "

Kitang-kita sa mata si ni Anthony ang bagyo sa utak nito. Halatang gulong-gulo na ang isip niya. He's a total wreck. He remained silent.

"Pa, I-I need to go. Late na 'ko."

"Sorry kung inistorbo kita. Ah, isama mo na kaya siya? Sit-in. Lilipat na din naman siya bukas sa school niyo."

"H-ha? S-sige po."

Rabbit's LoveWhere stories live. Discover now