Chapter 24

2.7K 121 9
                                    

"Ang sarap pala magluto ng mate ko!" bulalas niya ng malunok ang kinakain niyang garlic fried rice.

"Thanks,ikaw? You know how to cook?"

Tumawa siya ng mahina. "Bukod sa pagmimix ng mga inumin,hindi ko pa natry," pag-amin niya.

Prinsesa ka kasi!

Bigla tuloy siya nakaramdam ng pagkapahiya.

"Bakit? Gusto mo ba sa isang babae yung marunong magluto?"

Nagkibit ng balikat ang binata at mataman na tinitigan siya sa kanyang mga mata.

"If you're not,wala problema sakin. I can cook for you..for us," tugon nito.

Bweset naman! Lakas magpakilig!

"Talaga? Ang swerte ko naman talaga sa mate ko!"

Nilagyan muli nito ng sinangag ang plato niya.

Ask him now na kung saan siya pupunta?

"Pwede malaman kung saan ka pupunta ?" agaran niya pagtatanong sa binata na kinatigil nito sandali.

"Sorry,alam ko hindi pa tayo pero..curious lang naman ako," mabilis na dugtong niya.

To make sure kung si Maureen nga ang pupuntahan niya!

"Opening ng boutique shop ni Maureen ngayon araw kaya dadalo ako," tugon naman nito.

We're right...

Tumango-tango siya. "Kung ganun,ingat sa pagdadrive mamaya," aniya.

"You want to go with me?"

Agad na natigilan ang prinsesa.

"Pero...hindi naman ako inbitado saka...may kasalanan ako sa kapatid niya," saad niya ng makabawi sa tanong nito.

"Daniel is already accept that.." anito.

Hindi na nagpunta si Daniel sa Bar tanging mga kaibigan lang nito ang nakikita niya.

"Pero huwag na..Ah,ayoko sirain ang gabi niya," pagtanggi niya.

Napaangat siya ng tingin mula sa plato niya ng abutin nito ang kamay niya.

"Okay,ganito na lang. You come with me at sasaglit lang ako. Magpapakita ako sa kanya maybe,30 mins or less magpapaalam na ko sa kanya and then..dinner tayo sa resto na madalas kong puntahan?"

Hindi makapaniwalang napatitig siya sa binata.

Deal! Payag na!

"Start na ba ng ligaw yun?"

"Yes,our first date," tugon agad nito habang matiim na nakatitig sa mga mata niya.

"Okay! Basta gusto ko hindi magkaproblema sa inyo ni Maureen,alam kong importante sa kanya na nandun ka,"aniya.

Tumango ito. "Yes,boss.." may bahid na ngiti sagot nito sa kanya.

Tumawa siya ng mahina at napagawi ang mga mata niya sa kulay violet na bote.

"Is that your color,violet.." untag ng binata na kinabaling ng paningin niya rito.

Tumawa siya bilang tugon. "Alam mo na paborito kulay ko ha," tudyo niya rito.

"Your hair,your car even this juice you gave me everyday,no wonder,Haizel.." tugon nito na muli niya kinatawa.

"But that one," paglingon nito sa bote. "It's kinda weird,Zei gave it to me and he said something na hindi ko maintindihan," saad nito.

Maiintindihan mo din yan mate sa oras na ipaalam na ng prinsesa sayo ang lahat at kung para saan ang inumin yan!

"Zei...weird talaga yun!"

Bumalik sa kanya ang mga mata nito na kakitaan ng karyusidad patungkol sa boteng iyun.

"He's your uncle,right?" bigla nito pagtatanong.

No,he's the God of wolf...before.

"Hindi ko siya kadugo pero siya ang tinuturi kong Uncle,tatay,kaibigan at kuya," panginoon. tugon niya.

Napailing ang binata sa narinig nito. "Is he...married?"

Jumijelly na si Mate tuloy ngayon kay Zei!

"Kasal na siya at..may apat na anak na puro kambal,"sagot niya.

" That's good to hear that,"pagtango turan nito.

Napapangiti na nagpatuloy sila sa pagkain.

Katakot naman maging boyfriend si mate...

Pero masarap sa pakiramdam.

TPOVWD Series 9: HAIZEL C. DARIUS byCallmeAngge(completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora