Chapter 2

2.7K 116 14
                                    

Mula sa kinatatayuan ni Alexander Linton. Tinatanaw niya ang babaeng makakasama niya sa pagbuo ng isang masayang pamilya. Pero..siya lang. Siya lang ang may ganun plano para sa kanila ng kanyang kababata na si Maureen.

Nang makita siya ng kababata agad na kinawayan siya nito na may matamis na ngiti sa mga labi. Agad na sinalubong niya ito at kinuha rito ang bitbit nitong isang kumpon na bulaklak.

"He give it to me..and he ask me for a dinner date," saad nito na kinatigil niya sa pagbukas ng pintuan ng kotse para rito.

Malambing na nginitian siya nito at kumapit sa braso niya. "He likes me,Lex! Pareho kami may feelings para sa isa't-isa!"

Hindi siya nakaimik. Masakit para sa kanya na sa tuwing may nanliligaw rito at nagkakanobyo. Nasasaktan siya. Natural lang naman yun dahil may espesyal na damdamin siya para sa kababata.

"Why? Hindi ka ba masaya para sakin?" tila nagtatampo na nitong pukaw sa kanya.

Isang pilit na ngiti ang pinukol niya rito. "Basta ba hindi siya katulad ng huling ex mo..this time hindi na ko magpapapigil sayo na hindi manapak ng gago," bulgar niyang tugon dito.

Malambing na tumawa ito at hinalikan siya sa pisngi.

"Thank you! You are really really my big brother!"

Iyun ang isa pa sa pinakamasaklap ang marinig na isang Kuya lang ang tingin nito sa kanya.

Lihim siya napabuga ng hangin. Puno ng pait ang dibdib niya ng sumakay na siya ng kotse para ihatid na ito. Iisa lang ang subdivision na tinitirhan nila. Doon na sila lumaki sa lugar na iyun hanggang sa maulila na siya sa mga magulang niya.

"Thank you sa paghatid! Tawagan kita after ng dinner date namin mamaya okay?" anito. Nagniningnig sa pagkasabik ang mga mata ng kababata.

"Alright," mahina niyang tugon at mapait na ngumiti ng makababa na ang kababata.

Ipinarada niya ang kotse sa harapan ng bahay niya pero natigilan ng makilala ang isang kotse na nakaparada sa unahan.

Mabilis na bumaba siya at hindi nga siya nagkamali ang Tito Dion niya.

"Alexander!"

"Tito," aniya sabay man-hug nila sa isa't-isa.

"Kamusta?" agad na tanong nito.

"Ayos lang po. Naligaw po kayo?" aniya habang tinatahak nila ang salas.

"May hihingin sana akong pabor eh," agaran nitong sabi na kinalingon niya agad dito.

"Pabor? Anong klase pong pabor?"

Ang Tito Dion niya ang siya gumabay sa kanya noon sabay na namatay ang mga magulang niya. Marami din pinagdaanan ang Tito Dion niya at sinuwerte ng makilala nito ang naging boss nito sa isang eksklusibong bar na ngayon ay ito na ang nagmamanage dahil nanirahan raw sa malayong lugar ang boss nito ng makapag-asawa at sa Tito Dion muna niya ang pinamanage ang bar.

"Matagal na kasi hinihiling ng Tita Regina mo na magbakasayon kami sa Korea ng mga isang buwan lang. Kung pwede lang na sayo ko muna iiwan ang Bar," tugon nito.

"Pero wala naman po ako alam sa pagpapatakbo nun,Tito Dion,"tugon niya agad. Nag-aaalangan siya. Ano ba ang alam niya sa pagpapatakbo ng isang negosyo!

Isa lamang siya freelance photographer!

"Wala ka dapat alalahanin,ang gagawin mo lang naman tingnan ang mga empleyado at sa mangyayari sa bar. Ganun lang," anito.

Nag-aalangan pa rin siya pero hindi niya magawang makatanggi dahil malaki ang naging tulong sa kanya noon ng Tito Dion niya ng maulila siya.

Napabuga siya ng hangin. "Okay,payag na ko. Basta walang sisihan kapag  nabankcrupt sakin ang Bar," aniya.

Tumawa ang Tito Dion niya. "Hindi yan,Ikaw pa ba!"

Napailing na lang siya. Ayos na siguro iyun na maging busy kaysa isipin niya ang kababata na alam niya na nakahanap na naman ng kasiyahan.

TPOVWD Series 9: HAIZEL C. DARIUS byCallmeAngge(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon