After kung mag share sa kanila hindi ko namalayan na may mangilan-ngilang luha na bumagsak galing sa mga mata ko. Pilitin ko mang hindi umiyak pero hindi ko kayang pigilan ang tunay kong nararamdaman, hindi ko kayang pigilang ipakita ang emosyon ko.. Magtatag-tatagan man ako, maglakas-lakasan man ako pero alam ko sa sarili ko na mahina pa rin ako pagdating sa ganito.
"Guys.. Ahmm uwi na tayo" biglang pag-aaya ni Aheera, nakahalata siguro na konti na lang magbebreakdown na ako..
"Ahhmm sige sige so pano una na kami?" sabi ni Kendra na mukhang nakahalata kaya nagpresinta ng maunang umuwi.
"Sige, pero for the second time I want to thank you for saving me a while ago" sabi ni Aisle.
"Ano ba yan wag mo na nga kaming englishin! Atsaka kanina ka pa namin sinasabihan na ayos lang a! Hayst sige na at baka ma-nosebleed pa ko!" tumatawang sabi ni Aheera at nag wave sa pag-alis nung dalawa.
"Ano Sav, are you okay?" napatulala lang ako sa kawalan at nagtaas ng balikat, nagpapahiwatig na hindi ko alam.
"You can't still move on" sabi ni Aheera na para bang naaawa sa akin.
"I don't know.." bigla na lang lumabas yung mga katagang yan sa bibig ko.
~
*Sa bahay
"Ate Sav!!!" salubong sa akin ni Johan pag uwi ko, nginitian ko siya at niyakap ng mahigpit.
"Ate Sav, is there a problem?" biglang tanong ni Johan na para bang naramdaman ang bigat sa loob ko.
"Uhmm nothing baby" sabi ko at inalo siya para hindi mag-alala.
"Sige na baby I'll go upstairs na, pagod si ate kaya gusto ko na mgpahinga" sabi ko kaya bumitaw at humalik siya sa pisngi ko.
"Okay ate" sabi niya at tumabkbo papunta sa kwarto niya, nagtatampo ang bata.
"Akyat na ko Sav gagawa pa ako ng assignments" tumango ako at pumunta sa garden, umupo ako sa bench Maliban sa kwarto ay favorite place ko din dito, marami kasi ditong bulaklak na si mom mismo ang nagtatanim. May swimming pool din dito na palagi naming pinapaliguan tuwing weekends dati, dito kami nagbabonding at aminado ako na sobrang saya nung mga panahon na yun pero biglang nagbago..
Isang araw nagising ako na hindi na malapit ang loob ko sa mga tao dito sa bahay at kahit na kanino, tanging kay Johan lang ako umiimik dahil alam kong siya lang yung taong hindi sakin nakakaintindi. Bigla na lang akong nanlamig sabi nila, at isa lang naman ang dahilan nun si Kyler. Siya yung lalaking nagparamdam sakin ng pinakamasakit na pakiramdam sa tanan ng buhay ko, hindi ko alam kung bakit kailangan kong umiyak dahil sa isang lalaking sinaktan naman ako, hindi ko alam kung bakit kailangang magsayang ng luha para sa kanya.
Pero lahat ng yun nasagot ko ng tatlong kataga lamang, mahal ko kasi siya.
Bwesit na pagmamahal yan grabe namang manakit, wala e pagdating sa pag-ibig ang rupok-rupok ko..
"Sav?" biglang may tumawag sa akin kaya dali-dali akong nagpunas ng luha.
"Savy what are you doing here?" sabi sa akin ni mommy ng tumapat ito sa pwesto ko habang nakayuko naman ako.
"Are..are you crying?" napatingala ako bigla at umiling sa kanya.
"N..no" sabi ko na parang nauutal.
"Then why are you stuttering?" totoo nga ang sabi nila malakas ang instinct ng isang ina pagdating sa kanyang anak kaya wala akong ibang masabi kaya napangiti na lang ako sa kanya.
"Won't you mind telling me?" sabi niya at saka umupo sa tabi ko.
"How to move on?" diretsa kong tanong na medyo ikinagulat niya dahil ngayon lang ako nag open sa kanya, kaya napangiti rin siya.
"I know it's not that easy darling" paunang sabi niya na agad tumagos sa puso ko, yeah I know mom sabi ko sa sarili ko.
"Seriously darling napagdaanan ko din yan. Your dad is not my first love, ilang beses na rin akong nasaktan dahil sa pag ibig at alam mo naman siguro na kakambal ng pag ibig ang sakit diba kaya kung ayaw mong masaktan wag kang magmamahal pero kung gusto mo talagang magmahal dapat handa ka sa sakit. Mahirap kalimutan ang taong minahal mo lalo na kung una ito, pero anak kung alam mong nasaktan ka na ng dahil sa kanya hindi pa ba yun sign para itigil mo na? Kailangan mo pa bang madurog bago bumitaw?
Kailangan mo pa bang maubos para lang pakawalan siya? Oo siguro hindi lahat katulad ko mag isip, hindi lahat katulad ko ng pananaw sa pag ibig. Pero darling tama naman ako diba, you should let go kung ayaw mo ng masaktan. How to move on? Learn to let go." sabi sakin ni mommy at hinawakan ako sa mukha.
"Sa pag ibig hindi lang puro kapit, dapat marunong ka ring bumitaw." sabi niya pero napailing ako. Hindi ko alam kung paano bumitaw.
"But.. What if I can't?" naiiyak kong sabi.
"Nasasabi mo lang yan dahil hindi mo pa ginagawa" tugon naman niya at ngumiti pa ng pagkatamis-tamis.
"Let go.. and you'll be free" niyakap niya ako ng mahigpit.
"I miss this darling.. I really miss talking to you" sabi ni mommy atsaka ako hinalikan sa noo, I also miss this mom sabi ko pero sa utak ko lang.
Aisle's Pov
Hi this is Aisle Kate Lopez! Seriously I didn't expect na dadating ang araw na magkakaroon ako ang ng kaibigan na hihigit sa isa. Pala-aral ako kaya ang tingin nila ayaw ko ng kaibigan, ang tingin nila sakin palaging gustong mapag isa. Pero hindi e, hindi yun ang gusto ko.
Gusto ko rin maranasan na may katawanan habang kumakain tuwing break time, gusto ko rin na mabatukan at makabatok kapag ka may katangahang kaganapan, gusto ko na magkaroon ng kaibigan na mapagsasabihan ng problema. Nanonood na lang ako ng tv o di kaya ay sa youtube minsan naman nagbabasa na lang ako ng mga kwento sa wattpad, iniimagine na ako yung bida at meron akong mga kaibigan na tulad ni Zarnaih Marchessa, Michiko Tarranza, Magnet, Angelito, yung mga kaibigan na palagi mong maaasahan. Pero wala e, sa libro at pelikula mo lang sila makikita, ewan ko ba kung bakit nila ako iniiwasan siguro ang tingin nila sa akin isang nerd, isang loser at isang duwag kaya ayaw nila akong lapitan.
Pero bigla na lang nagbago ang lahat akala ko itong araw na ito ang pinaka masamang araw ko dahil sa tindi ng pangbubully sa akin nila Beatris pero thanks God kasi biglang may dumating na tatlong anghel sa buhay ko.
Si Kendra naging kaibigan ko na siya dati pero pansin ko na umiwas siya sakin nitong mga nakaraang araw at dun ko napagtanto na dahil pala sa kuya ko. Pero I'm still thankful kasi napakabait niya at hindi siya nagalit sa akin, gusto pa rin niya akong maging kaibigan.. Hayst thanks God for this wonderful day!
°°
YOU ARE READING
Code Error
Teen FictionCode Error.. This story is under reconstruction. I suggest for you not to read this for now because it's a little bit messy and complicated. Thank you for understanding.
Chapter 2
Start from the beginning
