Juno's Pov
*Kinabukasan
Naglalakad na kami ni Aheera sa corridor papasok ng classroom kausap ni Aheera ang mommy niya sa phone habang ako naman ay naka headset at nakikinig ng mga kanta ni Lauv.
Dirediretsong pumasok si Aheera sa room samantalang dumiretso muna ako dito sa may bandang gilid para mag yosi dahil bored na bored na ako at wala pa namang teacher, habang nagyoyosi ako nakarinig ako ng kalampag sa may cr, na curious ako dahil masyadong malakas yung tunog kaya pumunta ako sa may pinto para pakinggan yung tumutunog tinapon ko na rin yung sigarilyong hawak ko.
"Ahh! Please get your hands off to my hair ouch!" naririnig kong sigaw ng isang boses.
"Aba matapang ka na ah nasagot ka na ngayon ha! Anong ipinagmamalaki mo yung kuya mong playboy na wala namang paki sayo? Mas may pakialam pa nga ata yun kay Stella e kumpara sayo, hahaha poor nerdy girl!"
"Hoy! Anong ginagawa mo dyan ha?" panggugulat sa akin ni Aheera
habang kasama na si Kendra.
"Anong pinapakinggan mo dyan Sav ha?" pag-ulit ni Aheera sa tanong niya. "Shut up Aheera just listen!" mariin na sabi ko sa kaniya kaya nilapit na rin nung dalawa yung mga tainga nila sa pinto.
"Bakit ba kasi ayaw mo kaming igawa ng thesis ha? Lima lang yung gagawin mo aangal ka pa? Sasayangin mo lang yang talino mo gaga!" narinig naming sigaw ng babae galing sa loob. Biglang binuksan ni Kendra ang pinto at tumambad sa amin ang isang babae na magulo ang buhok at uniporme at nakakalat rin ang mga gamit sa sahig habang pinalilibutan ng apat na babae.
"Hoy Beatris anong ginagawa niyo dyan kay Aisle?" tanong ni kendra dun sa babaeng makapal ang make-up.
"Wow ha! Tapang-tapangan girl, samantalang kahapon nakita namin na todo ang iyak HAHAHA!" dagdag pa nito sa demonyitang litanya niya.
"Hindi tama yung ginagawa niyo Beatris!" sigaw ni Kendra sa kanila na halatang sinegway yung usapan. Hinigit ko naman yung babae papalayo sa kanila kaso hinawakan nung Beatris yung isa nitong kamay.
"Bitaw" sabi ko sa malamig na tono.
"Hindi mo ako matatakot transfer huwag kang maki-alam dahil baka pag pinabugbog kita sa kuya ko ay humiram ka ng mukha sa aso!" sabi nung Beatris at nagtawan yung mga alipores niya. Bigla namang may pumasok na babae at tumingin muna ito kay Kendra mula ulo hanggang paa bago ngumisi at bago tawagin sila Beatris.
"Mamaya niyo na yan ituloy Beatris andyan na si Mrs. Gomez" sabi nito atsaka umalis na kasunod sila Beatris.
Nang makaalis sila ay inabutan ni Aheera ng suklay yung babae bago nag-aya na pumasok na sa loob.
Nagdidiscuss na yung math teacher namin na si Mrs. Gomez pero walang pumapasok sa utak ko dahil kung saan-saan ito naglalayag, hanggang sa matapos na ngang magklase si Mrs. Gomez ay wala akong naintindihan.
Nang lumabas na ito ng classroom ay bigla nanamang pinalibutan nila Beatris yung babaeng nerd. Bigla na lang hinablot ng malakas ni Beatris yung buhok ni nerd.
"Walang hiya ka! Nang dahil sayo bumagsak kami sa thesis sa math! Alam mo naman na ngayon ang deadline nung thesis na yun diba! You nerd!" sinabunutan at pinagkaisahan nung lima si nerd at naging agaw pansin ang eksena ng mga bitchesa.
YOU ARE READING
Code Error
Teen FictionCode Error.. This story is under reconstruction. I suggest for you not to read this for now because it's a little bit messy and complicated. Thank you for understanding.
