"Ikaw Sav.. Okay lang ba sayong magshare sa kanila?" tanong ni Aheera na parang nag-aalala sa akin.

Kaya tinanguan ko siya ito at napagdesisyunan na huwag munang manahimik sa mga oras na ito.

"I'm Juno Savy Tuazon, 17. Fil-Am din katuld ni Aheera pero may lahi din akong korean dahil sa mommy ko na half-american half-korean, while my dad is a pure Filipino. Katulad nyo meron din kaming kompanya, maraming kompanya ang hinahandle ng mga magulang ko lalo na si dad. My mom is a fashion designer at namamayagpag na rin ang pangalan niya sa fashion industry.

I have two brothers the eldest and the youngest, at ako lang yung babae. Janus Solemn Tuazon the eldest, a model of bench, afficionado and a lot more. Johan Shive Tuazon was just 5 years old, he is a kindergarten.

When it comes to love..

*A minute of silence

I am a hater.. Naiinis ako! Nagagalit ako! Bakit ba naimbento pa ang konsepto ng pag-ibig na yan kung mararanasan din naman nating masaktan..

Oo umibig ako, nagmahal ako.. at sa hindi inaasahang pagkakataon ang minahal ko ay isa sa mga gagong lalaking nabubuhay dito sa mundo. Naging kami, tumagal kami ng 3 months kaso nung third monthsary namin nakita ko siya na may kahalikang iba, HAHAHA sa totoo lang alam niyo?

Hindi ko pinansin iyon, nagbulag bulagan ako at inisip na baka imahinasyon ko lang yun, pero grabe nga naman si tadhana ano. Bigla na lang saking may tumawag at pinapunta ako sa gymnasium nung campus. Nagulat ako dahil sa may mga banner at may tarpaulin sa gitna na nakalagay ay HAPPY 3RD MONTHSARY SAVY ❤ naiiyak ako sa tuwa nung mga panahong yun pero di ko inakalang iiyak rin pala ako sa sakit nung mga oras na yun..

Itinayo ako ng lalaking mahal ko dahil napaupo ako sa semento sa sobrang saya pero nung itinayo niya ako ay kasabay ng pagbulong niya ng mga katagang hanggang ngayon ay nakaukit pa rin sa puso ko.

"Hindi kita mahal"

"Lahat ng ito dare lang," at dun ko sinimulang isumpa ang katagang dare at pag ibig..

Pero alam niyo kung anong mas masakit? Yung alam niyang mahal ko pa siya pero pinamukha na niya sakin na hindi na ako at meron na siyang iba. Araw-araw nakikita ko sila na palaging naghaharutan kaya hindi ko mapigilang hindi masaktan..

Sa tuwing makikita ko sila parang unti-unting gumuguho yung mundo ko. Ilang months din ako nung hindi lumabas ng kwarto, iniisip kung ano bang mali ko iniisip kung ano bang pagkukulang ko..

Nagrebelde ako nun, palagi akong nagwawala. Palagi kong inaaway at sinasagot ang mga magulang ko.. Palagi na rin akong nung gabi umuwi, at yun yung time na napasama ako sa gang."

Code ErrorWhere stories live. Discover now