"No Aisle, tumayo ka dyan! Wala kang kasalanan, ang kasalanan ng kuya mo ay hindi mo kasalanan." sabi ni Kendra at inalalayang tumayo si Aisle, kaya naiiyak na tumingin si Aisle kay Kendra.
"Huwag kang mag alala, pagsasabihan ko si kuya at sisiguraduhin kong pagsisihan niya na pinakawalan at niloko ka niya." sabi ni Aisle na biglang nagbago ang ekspresyon at para bang napuno ng galit ang puso.
"Tama na nga muna yang drama! Ako na! Ako ng magpapakilala, I'm Aheera Faye Santiago, 17 years old. Fil Am naman ako mommy ko yung pinay and daddy ko yung american. May isa akong kapatid na babae, model siya at 5 years yung tanda niya sakin.
Oo mayaman din kami maraming branch ng company sila daddy at isa sa mga sikat ay yung A.F.S. Corporation na nag bloom sa maraming bansa. Siguro ang tingin sa akin ng iba mataray, maarte, malandi HAHAHA siguro nasasabi lang nila sakin yun kasi hindi nila ako kilala. Katulad ni Kendra, katulad ng marami nagmahal na rin ako at oo nasaktan syempre..
Kasi naniniwala ako na kakambal ng pagmamahal ang sakit. Minahal ko siya kaso pinagpalit niya ako at ang masakit, sa pinsan ko pa. Ano namang magagawa ko kung yung pinsan kong yun ay gusto ng lahat, wala akong magagawa kung gusto nila na ipaubaya ko na lang sa kaniya ang lahat.
Hiniling nila sa akin na ipaubaya ko daw sa kaniya pati lalaking mahal ko dahil gustong-gusto siya ng pinsan ko. Kaya wala akong nagawa, sa huli ako pa rin yung nagpaubaya."
Bigla ko namang naalala yung unang beses na nag open sa akin si Aheera, grabe umiyak siya nun ng umiyak. Siguro kaya din kami naging magkaibigan dahil parehas kaming nasaktan at parehas kaming takot ng magmahal..
"Hindi ka man lang ba pinaglaban nung lalaking mahal mo? I mean yung relasyon niyo, hindi ba niya ito ipinaglaban?" biglang tanong Kendra.
"Akala ko din e, kaya ko nga ipinaubaya siya ng ganun kadali dahil akala ko hindi siya papayag. Akala ko ipaglalaban niya ako.. Pero mali, mali pala yung inakala ko dahil sa totoo lang nalaman ko na mag ex pala yung dalawa, kaya ayun imbes na ipaglaban niya ako mas pinili niyang manahimik na lang at tanggapin ang nangyayari dahil sa tingin ko gusto niya din at dun siya magiging masaya" sabi naman ni Aheera na ikinatahimik naming lahat. Hanggang sa biglang napangiti si Aheera ng peke.
"O HAHAHA bakit naman kayo natahimik? Sige na tuloy na, ikaw naman Aisle!" sabi ni Aheera kaya no choice si Aisle kundi magsalita.
"I'm Aisle Kate Lopez, 17 years old din. Half Filipino half british, kapatid ko si Brint Lopez ang tinaguriang isa sa mga C5. Pero hindi ako katulad ni Brint na ginagamit ang impluwensya namin dito sa school para sumikat, kung sisikat man ako, sabi ko sa sarili ko gusto ko pinaghirapan ko. Matalino daw ako sabi nila, palagi akong top sa klase kaya ako tinawag na nerd. HAHAHA natawa na nga lang ako sa sarili ko e, sumikat nga ako pero dahil ako ang tinaguriang nerd dito sa campus, oo marami pang nerd pero sabi nila ako daw ang pinaka nerd.
Pagdating naman sa lovelife, naku yan ang pinaka ayaw ko kasi destruction lang yan sa pag aaral. At saka paulit-ulit na rin akong nasasaktan sa mga masasakit na kwentong pag-ibig ng mga kakilala ko at pareparehas lang ang dahilan, mga lalaki. Mga lalaking walang ibang ginawa kundi manakit ng babae, at hindi ko akalaing pati kuya ko ay kabilang sa mga lalaking manloloko dito sa mundo. Kaya nga nakakatakot magmahal.." makikita mo talaga sa mga mata ni Aisle yung takot. Sa mga mata mo talaga makikita yung tunay na emosyon ng tao, at yung totoong nararamdaman ng mga puso nila.
YOU ARE READING
Code Error
Teen FictionCode Error.. This story is under reconstruction. I suggest for you not to read this for now because it's a little bit messy and complicated. Thank you for understanding.
Chapter 2
Start from the beginning
