"Diba Sav?" tanong ni Aheera kaya napatango na lang ako. Alangan naman sabihin kong hindi diba.
"Yeah" tugon ko sa kanila kasabay ng pagtango. Bumulong naman si Aheera sa kanila pero dinig na dinig ko namang tinatraydor ako.
"Masanay na kayo dyan ha! Ganyan talaga yan pa cold-hearted kuno, bitter lang masyado" tiningnan ko siya ng masama kaya napa-peace sign siya tapos hinigit na yung dalawa palayo sa akin.
*Caferteria
"Ahmm pwede bang makilala natin ang isa't isa?" tanong ni Kendra habang kumakain kami na siyang bumasag ng katahimikan.
"Hindi pa ba natin kilala ang isa't isa?" kunot-noong tanong ko sa kanila.
"I mean yung as in makilala ng lubos" muling tugon ni Kendra na napakamot pa ng ulo.
"Sige na Sav tama naman sila e, pagbigyan mo na" sabat ni Aheera.
"Tss" asik ko na lang atsaka tumahimik. Samantala tumingin na si Aheera sa kanila senyales na umpisahan na ang pagpapakilala ng isa't-isa.
"Sige na umpisahan niyo na, kayo na muna ang magpakilala" sabi ni Aheera sa kanila.
"I'm Kendra Mae Monterial 17 years old, Filipino ako pero may lahi din akong French ahmmm mga 1/4 siguro parang ganun. Sa estado naman sa buhay oo mayaman kami maraming branch ng company ang parents ko na pinamana nung lolo ko sa side ni daddy kaya ayun nakukuha ko lahat ng gusto ko lalo na yung mga materyal na bagay, pero sa totoo lang hindi naman yun ang gusto ko..
Ang gusto ko lang naman ay yung magka-oras sila sa akin. Only child na nga lang ako pero hindi pa rin nila ako mapaglaanan ng kahit na kaunting time dahil parati nilang inaatupag ang trabaho. Sabi nila sa akin na ginagawa daw nila yun para rin sa akin, para daw sa future ko pero.. Hindi man lang nila kinoconsider yung gusto ko.
Hindi ko gugustuhing magkaroon ng maraming mamahaling gamit kung ang kapalit naman nun ay yung pagkawala oras nila para sakin. Yun yung dahilan kung bakit ako nagmahal, kung bakit ako humanap ng isang tao na pwedeng magparamdam sakin kung gaano ako kahalaga at magpaparamdam sa akin na mahal niya ako at handa niya akong paglaanan ng time and efforts.
Oo.. Naparamdam naman niya sa akin, sa madaling panahon nga lang dahil siguro nagsawa na kaya niya nagawang humanap ng iba.. Sana nga nakinig na lang ako sa bulong-bulungan dito dati e, sana pinaniwalaan ko na lang sila na ang isang playboy ay hindi magbabago kailanman.. Naiinis ako sa sarili ko dahil pinaniwala ko ang utak at puso ko na magbabago siya dahil mahal niya ako pero hindi pala talaga.."
Alam naming naiiyak na si Kendra habang nagkukwento siya pero pilit niyang pinipigilan ang paglabas ng luha sa kaniyang mga mata at kitang kita rin sa mga mata niya kung gaano siya nasasaktan kaya hindi rin namin maiwasang hindi masaktan.
"I'm sorry Kendra! Ako na yung magsosorry para kay kuya!" naiiyak na sabi ni aisle at hindi namin akalaing luluhod ito sa harapan ni Kendra kaya pinagtitinginan na kami dito ng mga tao.
YOU ARE READING
Code Error
Teen FictionCode Error.. This story is under reconstruction. I suggest for you not to read this for now because it's a little bit messy and complicated. Thank you for understanding.
Chapter 2
Start from the beginning
