"Ang lalakas ng loob nitong mga ito na saktan si Aisle dahil wala ang C5 ngayon" bulong ni Kendra bago puntahan yung mga babae kaya napasunod kami ni Aheera.
"Ano ba itigil niyo nga yan!" sigaw sa kanila ni Kendra.
"Pwede ba, huwag ka ngang makialam dito Kendra at huwag ka ding magtapang tapangan. Alam naming braek na kayo ni Brint kaya wala ka ng kapit sa C5 duhh!" sabi ni Beatris atsaka ito lumapit sa amin.
"Ohh here's the Savior! (pertaining to me), the ex sister in law of this nerd (pertaining to kendra), and the last? Ahmm sino ka ba? The extra? HAHAHA" sabi ni Beatris habang itinuturo si Aheera. Pinigilan kong wag matawa dahil sa naging expression ni Aheera.
"Gusto ko nga pa lang sabihin sayo Kendra na yung babaeng kahalikan ni Brint na nakita mo ay si Stella, nice to meet you daw sabi niya!"
*Paaaak
Biglang may umalingawngaw na tunog at dahil sa sapak ni Aheera kay Beatris.
"Una sa lahat hindi ako extra, pangalawa isaksak niyo sa baga at mga bilbil ninyo yang Brint na yan. At pangatlo, kilalanin nyo yung babanggain niyo.." sambit ni Aheera kay Beatris na halata namang kinainis ng bitchesa.
"No one dare to slap me bitch! Ikaw lang!" sabi ni Beatris atsaka itinaas ang kamay para sampalin din si Aheera pero bago pa lumapat ang kamay niya sa pisngi ni Aheera ay napigilan ko na siya.
"Don't you dare.. Slap her dahil ako ang makakabangga mo" mariing sabi ko sa kaniya atsaka pabarag na binitawan ang kamay niyang hawak ko.
"Grrr! Makikita niyo ang hinahanap niyo! Let's go girls!" sabi ni Beatris atsaka nagdadabog na umalis kasama ang mga alipores niya.
"Gooo, hindi namin kayo uurungan" sigaw ni Aheera pabalik.
"Ahmm guys thank you ulit ha! Ahmm ito nga pala si Aisle" biglang singit ni Kendra.
"Aisle Kate Lopez" pagpapakilala nung nerd sabay nakipag-shake hands sa amin na para bang walang nangyari at hindi siya nasabunutan ng limang bithchesa.
"Aheera Faye Santiago" sabi ni Aheera atsaka nakipagkamay din dito. Tumingin silang lahat sa akin dahil ako na lang ang hindi nagpapakilala.
Napailing na lang ako atsaka walang ibang nagawa kundi ang magsalita.
"Tss.. Juno Savy Tuazon" pagpapakilala ko dito pero tinitigan lang ako ni nerd.
"Oo nga! Ikaw yung transferee na pinakilala kahapon right?" tanong nito matapos ang ilang minutong nakatitig sa akin.
"Tss kilala naman pala nagtanong pa" sabi ko ng pabulong pero nukhang narinig nila.
"Uhhm sorry hindi ko pa kasi sigurado kanina.." napahiyang tugon nito sa akin kaya tinanguan ko siya para iparating na okay lang.
"Ahmm pwede ba siyang sumama na sa atin?" tanong ni Kendra na para bang nagmamakaawa ang itsura.
"Oo naman bakit hindi? Tutal bago pa lang kami dito ni Sav at walang kaibigan kaya pwede tayong maging friends" sabi ni Aheera na animo'y batang nabigyan ng chuckie dahil tuwang-tuwa.
YOU ARE READING
Code Error
Teen FictionCode Error.. This story is under reconstruction. I suggest for you not to read this for now because it's a little bit messy and complicated. Thank you for understanding.
Chapter 2
Start from the beginning
