Pagsuko

47 3 1
                                        

Bakit parang may bigat ?

Bakit parang may hirap ?

Dahil ba sa tayo'y salat ?

O may hindi mahanap ?


Masakit mang isipin

Pero kailangang gawin

Pagsuko ba ang solusyon?

O  magpapalala pa iyon?


Suliranin ay nandiyan

Pagsubok ay kasama

Ngunit Siya ang ating kasama

Ginhawa ang mararanasan


Marami pang pagdaraaanan

Marami pang lalakaran

Ngunit pagsuko'y di sagot

Lalo ka lang mayayamot


Bakit hindi ka lumapit ?

Bakit hindi ka tumawag ?

Sa Kaniya mo ilapit

Hindi ba Siya mahahabag ?


Templo'y laging bukas

Idulog mo sa ating Diyos

Tulong Niya'y walang kupas

Pag-alalay Niyang lubos


Pagsuko ay hindi dapat

Isipan ng sanlibutan

Tiwala'y sa Kaniya dapat

Bilang Kaniyang mga anak.


------------------------------------------------------------

A/N.

 This is the first poem I made. August pa to. Hahaha. Pero madyo busy kaya ngayon ko lang nasimulan magpublish. Btw, sa makakabasa nito. Uhmmm. Strengthen your faith. Hehehe. Kapit lang. Pagsubok lang yan. Hanggang sa muli, Adios. 


~ YourAtlantisOcean

Random ThoughtsStories to obsess over. Discover now