DAY 1: KIVEN O KEVIN?

33 0 0
                                    


Hi guys, its been a while since i update the story, haha... sorry super busy lang talaga sa work. let me update the story as far as i remember the plot. salamaaat :3


Hi ulit, ako nga pala si Kevin... ipinangalan ako sa isang sikat na artista sa ibang bansa, kung di ako nagkakamali si Kevin Costner ata ayon sa aking magulang... wala eh, ganun talaga... buti nga hindi naging Kevin Cosme ng Home along da riles eh... kaya bago muna naten simulan ang kwento hayaan nyo muna akong magpakilala sa inyo. 


Ang height ko nga pala ay 5'7" isang standard male na may katamtamang pangangatawan. of course... walang ABS, sabi nga ng ilang mga pilosopo "Ang tunay na lalake ay walang ABS"... well in some cases... baka nga tama sila... pero straight ako dont worry, wala lang akong abs. pano gagawin ko? masarap kumain... medyo moreno kulay ng pangangatawan... madaming buhok sa katawan lalo na sa dib dib, gusto nga akong kunin na GMA 7 noon para sa remake ng marimar... ako daw ang gaganap na Sergio dahil sa dami ng buhok sa dib dib tinanggihan ko lang kasi nahihiya ako kay Dingdong Dantes baka mawalan ng career. hahaha... OO NGA PALA BIBIGYAN KO MUNA KAYO NG HEADS UP TUNGKOL SA AKIN DI PO AKO POGI inuulit ko... HINDI PO AKO POGI. okay ba? pero masasabi ko namang ako ay papable. ooops.


katulad din ng mga normal na bata ako naman ay nagkaroon ng mga kaibigan... mula elementarya hanggang sa pagtungtong ko ng kolehiyo. nakakatuwa lang kasi naging mas remarkable lang sa aking ang college days dahil.... teka paano nga ba? dahil nagkaroon ako ng mga masasayang kaibigan... ay oo nga pala AB Communication ang aking kurso sa paaralang IMUS INSTITUTE COLLEGE. ayaw ko kase ng MATH e ganun din naman ang Math... ayaw sa akin. haha...


mahilig akong manood ng WRESTLING lalo na pag WWE... my gawd... lalo na yung idol kong si JOHN CENAAAAAAAAAAAAAAAAA!!! relax... alam ko naman na Scripted lang ang WWE pero sometines nakakadala lalo na kapag yung idol kong si JOHN CENAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!! yung binubugbog tapos to be continue ang at kailangang maghintay ng susunod na linggo para makanood ulit. hahaha sorry kung medyo OA ako magkwento, ganoon talaga para intense... haha mahilig din ako maglaro ng basketball pero ayaw ng basketball sa akin... Hindi kasi ako kasing galing ni Kuya Carlo maglaro ng basketball... IDOL ko nga yun eh... parehas kaming mahilig sa wrestling akalain nyo bang i RKO ni kuya carlo yung kalaban nila sa basketball na taga PCU DASMA... hindi kasi siya aabot sa pag block sa kalaban ayun, yung ulo ang hinawakan at i RKO nya sa ere... ayun parehas silang na ospital... Sana magawa ko din yun sa hinaharap... haha. 


Mahilig din pala ako mag dota 2 pero di ako pinagpala ng husay at bilis ng kamay sa pag pindot at pagkill sa kalaban... halos muntik ko na ngang masira ang yung computer unit sa UGZ lagi ba naman akong pugo/baog (looser). hayaan mo na nga haha :D


(search nyo na lang google yung RKO :D)


pagdating naman sa tipo ng mga babae... may isa talaga akong babae na nagugustuhan taga financial management siya at ang cute cute nya sobraaaa... hindi ko nga alam kung bakit minsan dumadaan siya sa harap ko o nagkakasalubong kame sa hallway yung buhok sa dibdib minsan tumitigas.... hindi ko maipaliwanag. minsan nga nakakasakit na ako sa paligid ko... at sorry na lang talaga nagagawa ko :( 


may isa pala akong kaibigan na pero isa siyang fissball vendor sa labas ng school ang tawag nya sa akin ay KIVEN e medyo bisaya ang tropa kaya kapag naririnig ng iba ay nagtatawanan sila... so what naman... at least mabait ang tropa... may isang fishball ako laging libre sa kanya haha pwede na dba? sobra naman ng tres lagi binabayad ko sa kanya eh :3


isang araw, habang pauwi na kame nakasabay ko si kuya carlo sa labas ng school sabi nya uuwi na daw siya kaya sabi ko sa kanya kung pwede ako sumabay sa paglalakad papuntang sakayan... ang awkward nga eh, umuwi siya mag isa... usually kase naka motor siya umuuwi minsan pero ngayon naglalakad siya pero okay na din siguro to kase gusto ko makakuha ng tips kung paano maglaro ng basketball haha... tulad ng lagi niya sinasabi Practice makes perfect. yun lang lage! kaya di ko na din kinulit kaya nung umabot na kame sa palengke may isang bulong na bigla ko narinig... ang sabi nya... KIVEEEEEEEEN... KIVEEEEEEEEEEN... akala ko kung ano na, ang akala ko si pare lang na mag fi-fishbol at ng pag lingon ko sa likod ko may napansin kaming isang Diary... (pano ko nalaman na diary to? nakasulat naman eh... Diary ng Manyak) singkapal ng DPC yellow page na telephone directory... ang nakakapagtaka lang dito ay grabe naman ang pagkakandado ng na ginawa sa diary na para bang may sikreto ito na di dapat malaman... ewan ko... kaya nung nakita ni kuya carlo yun ay agad niyang kinuha yung diary kasi na intriga siya sa nakasulat... (DIARY NG MANYAK ANG NAKALAGAY EH...) 

kevin: teka teka kuya carlo!

carlo: ANO?! (high voice cavitenyo accent) 

kevin: gusto ko makita ang loob, gusto ko mabasa baka mamaya may CD dyan ng porn hahaha

carlo: talaga ba? malay mo front lang yan pero ang laman pala nyan ay isang libo (1000) yun nga lang mamiso lang haha...

carlo: ganito na lang kevin, bukas magdadala ako ng pambukas ng kandado ikaw muna magtago ni diary na to... PERO wag mo ipapakita to sa iba ha? atin atin lang muna to! keri!?

kevin: KERI...

carlo: gud.

at nilagay ko na nga siya sa aking bag... at naghiwalay na kame ng landas pagdating sa may dulo ng palengke... sumakay na siya ng jeep at ako naman ay sumakay ng trike... 


naisip ko lang, bago namin makita yun may bumulong sa akin kaya ko napansin tong diary na to... totoo kaya na may 1000 sa loob ng nito pero mamiso? pwede medyo may kabigatan din kase eh... teka... mamiso? isang libo?... parang niloloko ako ni kuya carlo ah? pota! 30 mins ko nagets yung joke bago ko... NAKKKKUUUUUUU... may gawd...

nang biglang... may naramdaman ako sa loob ng bag ko na para bang...


"heart beat sound three times"


trike driver: ayos ka lang ba totoy?nagsasalita ka ata mag isa okay ka lang ba?

kevin: nag sasalita ako mag isa?

trike driver: oo nag sasalita ka... sabi mo late mo na nagets yung joke... may nakikita ka ba na hindi ko nakikita?

kevin: OO MERON MAY ENGKANTO SA DADAANAN MO PAG BABA MO SA AKIN KAYA BALIKTARIN MO YANG BRIEF MO!

trike driver: GAGO

kevin: DITO NA LANG HO... ETO HO BAYAD MAG IINGAT HO KAYO NAKIKITA KO PA DIN YUNG ENGKANTO... 

trike driver: (kinabahan) GAGUUU

kevin: bala ka dyan!

agad akong pumasok sa bahay at umupo sa aking kama... inilapag ang mga gamit sa isang sulok at nag isip... KAMUSTA NA KAYA YUNG TRIKE DRIVER? haha...


hindi na ako naka kain ng hapunan... hindi ko na din kinamusta ang magulang ko... sa sobrang pagod nakatulog na lang ako... 


-THE NEXT DAY-


ABANGAN ANG DAY 2 ;)

Diary ng Manyak (R18)Where stories live. Discover now