⭐Deadly Sins

28 2 0
                                    

TITLE: Deadly Sins
AUTHOR: PayneAzalea
GENRE: Romance
STATUS: Completed

"P-payne..."

Muling tumulo ang luha ni Payne ng marinig niya ang tinig ng lalaki. Andito siya sa garden habang pinapanood ang paglubog ng araw.

"Fave..." Tugon nito sa lalaki.

Naluha siyang tumingin dito. Ilang linggo niya tiniis ang lalaki. Gustong-gusto niya ito yakapin at magmakaawang bumalik sa kaniya pero 'di na pwede. Kasal na ito sa pinsan niya.

"U-umiiyak ka na naman..."

Ngumiti siya ng pilit. Kailangan niyang ipakita na malakas siya.Kahit na durog na durog na siya.

"Mapapagod din ako Fave, mapapagod din akong mahalin ka. Trust me." saad nito habang nakatingin parin sa mga mata niya.

"M-makakatingin din ako sa mga mata mo ng walang kahit na ano mang nararamdaman. M-magiging okay din ako Fave. M-makakalimutan ko rin ang lahat ng 'to" Pilit na ngiti niyang saad. Makikita sa mga mata niya ang sakit at paghihirap na halos ikamatay na niya.

"Payne... S-sorry" 'yan lang ang lumabas sa bibig ni Fave habang nakatingin sa dalaga.

"M-minsan iniisip ko, s-sana isang araw mawala lahat ng ala-ala ko. Para lang mawala lahat ng sakit dito..." Kasabay ng pagturo niya sa dibdib ang pagtulo na naman ng luha sa mga mata niya.

"Mawawala ka rin sa puso at isip ko Fave. A-alam ko namang nahihirapan din kayo sa situation natin. A-alam kong 'di niyo ginusto lahat ng 'to. B-but trust me. Pagbalik ko, Wala ng kahit na ano pa akong nararamdaman sayo" Muli siyang ngumiti ng pilit at tinanggal ang singsing na nasa daliri niya. Inilagay niya 'yun sa palad ni Fave.

"Congratulations Fave, Goodbye" Mga hulng salita na binitawan niya bago siya tuluyang tumalikod sa lalaki. Naglakad siya palayo.

Minsan sa buhay kailangan mong bumitaw, lalo na kung alam mong wala ng pag-asa.

Tapos na ang lahat. Kasal na ito kay Selena, pinsan niya. Wala na ang lahat ng pag-asa niyang babalikan pa siya nito dala ang mga pangakong ipinangako sakaniya. Biglang naglaho lahat ng pag-asa na nasa puso niya. Kailangan na niyang tanggapin na kahit kailan, hinding-hindi na maibabalik ang nakaraan.

Stories RecommendationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon