Chapter 43

23.3K 437 31
                                    

(SAMIRA ALMIREZ POV)

Ang laki mong tange Samira! February lang hindi mo pa agad naalala? BV DAYS!!! Hindi po yun Bad Vibe Days ha! ‘B’ stands for BIRTHDAY ni Eli sa February 03, at ‘V’ stands for VALENTINES DAY sa February 14!!!

Okay yung birthday muna ni Eli! Bukas na yun eh! Paano ba? Anong gusto niyang gift? Ay nakakasakit ng ulo!

Ilang araw ding naging palaisipan saakin kung anong meron sa February, at nung sa wakas ay naalala ko, nakulangan naman ako ng oras para mag-plano! Never pa naman kasi ako nakapag-celebrate ng ganun noon eh!

Last year, ordinary day lang ang Feb.3 saakin. Tuwing Feb.14 naman, nagtatago ako sa kasuluk-sulukan ng mundo kasi nahihiya ako na ako lang ang walang date o kahit na anong plano tuwing sasapit ang araw na yun!

“Hello… Oo Argel! Invite mo din ang buong SGG ha. Para naman nandito ang lahat ng friends niya bukas.” Kausap ko ngayon si Argel para planuhin itong surprise party ni Eli. “Sorry kung late na ako nakapag-plano, as in ngayon ko na lang kasi siya naalala eh.”

“Ah, Sam… alam mo si Idol ang tipong hindi nag-eenjoy sa mga malalaking party. Magpapakain lang yun sa SGG pero hindi yung magse-celebrate.”

“Ha? Paano yun! Wala na akong ibang maisip na surprise kanya!”

“Mag-date na lang kayo. Mas simple, mas gusto niya!”

“Ano namang special dun?”

“Sam, basta ikaw ang kasama niya, special na yun para kay Idol!” Medyo napaisip ako sa sinabi ni Argel. “At tsaka ito ang first birthday na magkasama kayo. Dun pa lang, mapapasaya mo na yun.”

“Argel… anong tingin mo dito? Mas prefer ko itong blue eh.” Narinig ko bigla yung boses ni Raffy. Nagsusukat pala sila ng susuotin nila para sa prom sa South Grisham na gaganapin sa mismong Valentines day pa.

“Ay sige Argel, busy pala kayo ni Raffy. Hehe! I’ll take your advice na lang.”

“Okay Sam! Don’t worry, magiging okay ang lahat!”

“Thanks! At tsaka, good luck pala jan sa prom niyo ha. Bye!” At sumalampak ako sa couch.

Anong gagawin ko bukas sa birthday ni Eli? Tarantang bakla na ako ngayon! Hay naku!!! Ito ang hirap pag may boyfriend! Bahala na nga bukas!!!

“Ah tama! Pagsisilibihan ko na lang siya sa araw ng birthday niya!” Eh may bago ba sa paninilbihan mo kay Eli? Nakaligtas ka lang nung December nung nagpustahan kayo pero all-year round, chimay ka ni Eli! “Hindi… wag yun! Isip ka pa Sam! Think! Think!”

Think ka jan Sam! Wala ka ngang maisip diba? Ayayay naman!!! Nakaka-stress pala ang birthday ni Junanax!

My Nephew-in-Law [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon