20

6.6K 79 1
                                                  

This update have been over due, so I highly recommend na basahin niyo yung previous chap or ang kahit kalahati lang para yong momentum ng pagbasa ninyo andoon parin. Ito kasi ang kadalasang ginagawa ko paglate din nagu-ud yong binabasa ko. c
Ciao..


Unedited

"Fine, I'll let you resign. At yung sinabi mong tapusin na natin ang larong to? Sige gawin natin. Let's end this....Dahil this time totohanin na natin ang relasyon natin. This time you wouldn't be just my secretary." Puno ng awtoridad na saad ni Vaughn sa akin.

Pero kahit ano pang gawin niya buo na ang desisyon kong umalis dahil hangat may ma-isasalba pa ako, gagawin ko.

Tatawirin ko nasa ang pintuan ng higitin niya ako at ikinulong sa kanyang mga bisig. Mas lalo akong naluha ng marinig ang tibok ng puso niya.

Ritimong sumisigaw ng pagmamakaawa, kaba at pagmamahal...kung tama ako.

Nagpatiuna ako at hinayaan ang sarili na magpatangay dahil sa kahuli-hulihang pagkakataon mayakap ko man lang ang nagiisang lalaking nagpatibok ng puso ko at ang lalaking hinding-hindi magiging akin.

I should let him go. I should be  out and get lost. Pangulo lang ako kaya nagiging pa-dalos-dalos na siya sa pagdedesisyon.

Sometimes in this midst of situation we might think that we are the protagonist in the story but as the chapter entails and prevail we realized that we are the antagonist, the one should be cast out so the story could reach the end and find it's peace.

Makaraan ang ilang saglit ay humiwalay na ako sa kanya. Sinilabong ko ang mga mata niyang di na maipaliwanag kung ano ba ang isinisigaw o ipinaglalaban.

See? I'm right, his just confuse due to the demand of the current happenings but deep inside, pagwala na ako, magiging payapa na ulit siya..sila ni Irenne. He can think straightly and accordingly.

Naguguluhan ka lang Vaughn. Naguguluhan kalang sa mga nangyayari. Naguguluhan ka lang sa nararamdaman mo..para sa akin o para kay Irenne ba talaga yan.

"Y-Your crazy.." Huli kong bulalas ng wala ng makapang ibang salita para ibato sa kanya.

Suko na ako. Talo na ako. Kahit saang angulo talo at kawawa ako. Sumugal ka pa kasi Tary!

"So! She's the mistress then." Agad kaming napalingon ni Vaughn sa pintuan kung saan nanggaling ang matinis the boses ni..Mrs.Vannise Errua.

The compose middle aged women I know is now trembling with anger as she arosed inside the office.

The spanished beauty she had is spitting how regal she is from head to toe and was enough to send me anxiousness across my body.

Those eyes, those eyes that are yet to eat you even you are still breathing. Those stares that can make you comprehend how far is the sky from the ground.

I can see judgements running through the corner of her eyes and I know that's all for me.

Hawak pa ni Vaughn ang aking palapulsuhan. Tinangka ko nasa itong bawiin ng mas hinigpitan niya iyon at imbes na lumayo, ay itinago niya ako sa likuran.

"Ma, can we talk about this." Si Vaughn na hindi man lang natinag sa ina.

"No! The damage your mistress have cause is beyond repair by talking!" Hindi naghiwalay ng tingin, hinalungkat nito sa mamahaling hand bag ang iilang papel na kwadrado at inihagis iyon sa harapan namin.

Kasabang ng pagbagsak ng mga litrato sa sahig ay ganoon din ang panlulumo at kaba ang lumukob sa akin puso.

"Those damn pictures of you and your mistress are now spreading like a virus all over the media! And you probably knew what will happen. The Sampsons will gonna pull out and the rest of our potential investors will follow! The company that your grandfathers have worked for years will fall, like a blink of an eye, all because of that immoral, lewd woman!" Nangingil na sigaw ni Mrs. Errua.

Napayuko nalang ako dahil wala naman akong mailalaban dahil totoo naman lahat ng iyon. I am a mistress, kabit, immoral, mangaagaw at parausang babae.

"Ma, Enough!" Pantay na sigaw ni Vaughn sa ina.

"Now your shouting at me because of that whore---"

"Don't call Tary that way Ma or else."

"Or else what? Come on Vaughn! Pinagpalit mo si Irenne sa babaeng yan?! E, wala naman yan sa kalingkingang ni Irenne." Tila lumiit an espasyo ng opisina kapareho ng panliliit ko sa aking sarili ngayon.

Vaughn's mother is right. Walang wala ako kumpara kay Irenne. Irenne, is like those tower in Paris that are beautiful and meant to be look up, unlike me.

"Oh! I forgot your Antonio's daughter right? The concieted lawyer. Buti nga at naagapan ko si Lucio sa kanya. Pero basi sa nakikita ko ngayon ang anak ko na naman ang pinupunterya. I've heard nalulong sa sugal ang ama mo at nakaratay na ngayon sa hospital and I bet naghihikahos na kayo ngayon kaya kumakapit ka sa anak ko na parang linta. Tell me magkano? Magkano ang kailangan mo? Name your price and I will give it, layuan mo lang ang anak ko at si Irenne." Lantarang alok nito sa akin na para bang ang bababa na ng tingin niya sa pagkatao ko.

"Ma! I told you to stop! Irenne and I is ove------" Marahas kong binawi ang aking kamay bago pa matapos si Vaughn.

"Hindi ko po kailangan ng pera ninyo. Sa inyo na po iyan. Lalayuan ko pa ang anak ninyo ng kusa." Akmang aalis na ako ng harangan ako ni Vaughn.

"Tary ano ba yang pinagsasabi mo. Ito na nga o. Pinaglalaban na kita, kahit ako nalang para sa ating dalawa." Pasusumamo niya sa akin.

"Mahal mo naman ako diba? Alam ko yon, ramdam ko kahit hindi mo sinasabi. Just tell me you love me and we will leave this world and create ours. Just tell me please.." Desperadong pakiusap niya ulit hindi pinapansin ang nagbabantang tingin ng ina.

Mahal kita Vaughn. Sobra-sobra pa nga e. Pero hindi tayo para sa isa't-isa. Mas makakabuting kung maghihiwalay tayo ng landas.

Para walang masaktan o madamay. Tsaka alam kong dadating rin ang araw na kukupas din yan nararamdaman mo. You didn't love me in the first place, it's always gonna be Irenne.

Sinikap kung kapain ang natitirang lakas sa aking katawan at sinalubong ng walang pagalinlangan ang kanyang mga mata.

"Hindi. Hindi kita mahal Vaughn." Tila na bigla siya sa sinabi ko kaya lumuwang ang pagkakahawak niya sa akin.

Sinamantala ko naman ang pagkakataon at tinakbo ang daan papalabas. Rinig ko pa ang pagtawag niya sa akin hangang makasakay ako ng elevator. Pero walang pasa baling pinindot ko ang ground floor.







-------------------------------------------------------------------------------------------

xoxo❤

SecreTary [R-18]Where stories live. Discover now